Prologue

4 0 0
                                    

Prologue

"Crystal pasabay naman nito kay boss."

"Ano ba 'to?"

"Yung mga papers na hinihingi nya sakin kahapon, di ba mag papasa ka ng leave sa kanya? Pasabay ahh"

"Okay sige" ang aking tugon sa kasamahan ko dito sa trabaho.

Bago kumatok ay inayos ko muna ang aking sarili upang madali kong mapapayag si boss sa pag leave ko.

"Come in" sagot ng nasa loob matapos kong kumatok

"Good afternoon sir,ito po yung hinhingi nyong paperworks kay Pearl kahapon sir" tugon ko dito ng makapasok ako sa office niya.

"You can put it down there, thank you"

"And sir, I just want to submit this vacation leave to you."

"Oh, mag l-leave ka?"

"Yes sir, 1 or 2 months leave po sana sir."hiling ko na sana payagan ni sir.

"You know what Crystal?"

"What Sir?"tanong ko kahit medyo kabado ako.

"Hinihintay lang kita mag submit ng vacation leave, alam mo Crystal, isa ka sa may pinaka magandang performance sa trabaho mo, and ever since na nakapasok ka dito last year, hindi ka pa nag l-leave, halos lahat ata ng kasabayan mo eh nakapag leave na ikaw na lang ang hindi. I'll give you a 2 months leave, effectively starting tomorrow. Enjoy your leave Crystal."

"Thank You sir" pagpapasalamat ko ng may ngiti bago lumabas.

"Oh ano pinayagan ka ni sir?" tanong ni Pearl pagkalabas na pagkalabas ko ng opisina ni boss.

"Oo, 2 months leave" masaya kong sabi sakanya.

"Hayyy sa wakas, walang Crystal sa loob ng 2 buwan dito"biro niya sa akin.

"That's good Crystal, nang makapag pahinga ka naman, ever since di ka nag leave, okay yan para naman hindi puro trabaho ang iniisip mo, ambata bata mo pa, dapat i-enjoy ang buhay."ang mahabang litanya ni Nanay Fe, pinaka matanda dito sa department namin.

"Eh kailan ang alis mo?Ano plano mo gurl?"

"Bukas na ang effectiveness ng leave ko, pero baka sa makalawa na ako umalis, plano ko kasing umuwi sa amin sa probinsiya. Pero mamimili muna ako ng mga dadalhin ko bukas." ang pag didiskusyo ko sa kanila.

"Oh siya sige na, bumalik na sa trabaho, ikaw Crystal ligpitan mo muna ang cubicle mo at nang bago ka mag leave ay malinis" pagpapaalala ni Nanay Fe.

Bumalik na ko sa cubicle ko at tinapos ang kaunting gawain, para bago ako umalis ay wala nang tirang gawain. Ilang oras ang lumipas at oras na ng uwian.

"Oh Crystal, uwi na,alam naman naming mamimiss mo yang cubicle mo, hindi na kailangan magdrama" litanya ni Pearl.

"Baliw, inaayos ko lang ng wala na akong alalahanin sa vacation leave ko. Patingin tingin na lang ng cubicle ko ahh" paalala ko sakanya.

"Ikaw pa, of course, hindi naman pababayaan ni Nanay Fe iyan, hahahaha" natatawa nyang sabi.

"Sige na, mauna na ako Pearl. Salamat, see you next 2 months, kung may problema dito sa company, tawagan nyo lang ako" sabay ngiti.

"Ano ba Crystal, kahit gusto ka namin tawagan,hindi kami hahayaan ni Nanay Fe, i-enjoy mo lang ang vacation mo. Pasalubong ahh"

"Oo naman, hahaha, sige mauna na ko, bye!" pagpapaalam ko sakanya.

Hindi na ko nakapag paalam kay Nanay Fe at sa iba pa dahil na una na silang umalis.

***
6:37 pm na nang makarating ako sa apartment ko, dahil sa sobrang traffic.
Maya maya na rin ako kakain at kakausapin ko pa ang landlady nitong apartment,para ipaalam ang pag alis ko ng 2 buwan.

Naglinis muna ako ng bahay, lahat ng maari kong maiwan ay siniguro kong malinis at ligtas.

Pagtapos maglinis ng bahay ay naligo na ko at nagtungo sa landlady.
Bukas ang bahay nila, kaya't kinatok ko na lang yung pinto.

"Oh Crystal, ikaw pala, napadaan ka?" si Mang Caloy, asawa nung landlady.

"Tay Caloy, si Nanay ho?" tanong ko.
"Ah nasa kusina inaayos ang hapag kainan. Halika tumuloy ka." paanyaya nito sakin.

"May,hanap ka ni Crystal" tawag nito kay Nanay May.

"Oh Crystal, napadaan ka? Alas-8 y medya na ahh, kumain ka na ba?"

"Ahh hindi pa po, katatapos ko lang ho kasi mag linis ng bahay"sagot ko kay Nanay May.

"Halika sumabay ka na samin ng Tatay Caloy mo.Nakakain na ang mga bata kami na lang ang hindi, sabayan mo na kami, dito ka na maghapunan."aya nito saking kumain.

Hindi na ako tumanggi dahil nagugutom na din naman ako at pagod pa. Kaya't sinaluhan ko na sila.

"Oh eh bat ka napadaan nga pala Crystal?" tanong ni Tatay Caloy.

"Ah magpapaalam po kasi ako Tay, Nay, 2 buwan ho akong leave sa trabaho at balak ko ho munang umuwi ng probinsiya, at doon magbakasyon." pagpapaliwanag ko.

"Ah eh kung ganoon ay mabuti ay makapag pahinga ka sa trabaho" sabi nito.

Kita nilang lahat na isa akong mapursigidong empleyado kaya halos lahat sila ay ganoon ang sabi sa akin.

"Oho nay, sa makalawa ho ang alis ko, kung kaya sana po ay magbibigay ako ng advance payment ng renta."

"Ano ba Crystal, hindi ka na bago dito. Kahit na late ka pa ng 5 buwan ay hahayaan ka namin, dalhin muna iyan nang malaki laki ang pang gastos mo sa inyo." sabi ni nanay May.

"Salamat po, Nay, isa na lang po, ibibilin ko ho sana yung bahay. 2 buwan din ho yun at baka may mawala."

"Kaming bahala dyan anak, wala kang dapat problemahin, ang intindihin mo ay ang bakasyon mo. I-enjoy mo. "si tatay Caloy.

"Salamat ho Nay, Tay" sabi ko sa mga ito.

"Pasalubong 'Tal ahh" si Ken, panganay nila Nanay May at Tatay Caloy.

"Ikaw talaga Kenzo, hiniritan mo pa iyang si Crystal, manahimik ka diyan" suway ni Nanay May.

"Eto naman Nay, nagbibiro lang eh" sabi nito sa kanyang ina.

"Ikaw pa Ken, nasa listahan na kita, kayong lahat"sabi ko dito sabay tawa.

Magkalapit lang ang edad namin ni Ken. Kaya magkasundo kaming dalawa. And honestly speaking crush ko yan. Hindi naman siguro masama ang magka crush sa ganitong edad.

"Oh siya sige na, ano ba ang balak mo bukas, Crystal?"tanong ni Nanay May.

"Ah mamimili ho ako ng mga pasalubong sa pamilya ko sa probinsiya, kaya ho sa makalawa na ako aalis." sagot ko dito.

Natapos kaming kumain habang nag-uusap kaya nung makatapos ay umuwi na din agad ako at natulog.

HIWAGA : The Magic WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon