Chapter 3

1 0 0
                                    

Chapter 3 : Norteria

"Sundan mo kami Crystal, dadalhin ka namin sa iyong kwarto. At sasamahan ka din namin na mag ikot dito, upang masanay ka din" sabi ni Veena sa akin.

"Crystal, bakit hindi ka naniniwala sa magic?" si Agatha.

"Sa mundo ng mga mortal, sa mundo namin, napatunayan na ng mga eksperto na walang magic, namulat na ang aking isipan na hindi totoo ito, at purong alchemy o extra ordinary psychic lamang iyon"ang sagot ko sakanya.

"Si Ginoong Frederick ba ang nagpatunay niyon Crystal?"sabat ni Marion.

"Paano mo nalaman?" gulat kong tanong sakaniya.

"Crystal, isa akong technie, genie ng teknolohiya, at sa tulong ng mahika, nagkakaroon ako ng impormasyon mula sa mundo ninyo" pagpapaliwanag niya.

"Crystal, ito na ang kwarto mo, magpahinga ka na at babalikan ka na lamang namin mamaya para ipasyal ka. Ano mang gustuhin mo o emergency ay tawagin mo ko, isa ka na sa mga dapat kong pagsilbihan at protektahan." si Veena.

"Salamat" ngiti ko naman sakanila.

Kahit ganoon magsalita si Veena, na sobrang seryoso ay mararamdaman mo naman ang sinseridad dito.

Pagkasara ko ng pinto ay dumaretso ako sa kamang naroon. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Kung hindi ako naniniwala sa mahika, ay sigurado akong hindi lang ako ang hindi naniniwala dito. Pero bakit ako nandito? Bakit ako lang? Kung sa probability ng buong mundo, may 2 out of 10 people ang sigurado akong hindi naniniwala sa magic.

Hindi kaya yung lalaking nakita ko sa tren ay hindi rin naniniwala sa magic, kung kaya't mukha siyang nagtataka sa nakikita niya kanina. Saan na kaya napunta ang lalaking iyon? Baka isa siya sa tutulong sa amin, sa akin, mortal siya.

***

*Tok Tok Tok '

Malalakas na katok ang gumising sa akin. Nakatulog pala ako kanina habang nag iisip.

*Tok Tok Tok '

Sino ba yung katok ng katok, di makapag hintay tch.

Inayos ko muna ang sarili ko bago buksan ang pinto.

"Ahh Christoff?Bakit? tanong ko.

"Nakahain na ang hapunan, bumaba kana" sabi nito sa malamig na boses.

"Oo susunod na lang ako" sagot ko.

"Bakit, alam mo ba kung nasaan ang dining?" sagot niya naman sa akin.

"H-hindi, hintayin mo na lamang ako, sandali lang ito" bawi ko naman.

Minadali ko na ang pagpalit ng damit, at mukhang bad mood si Christoff, gwapo sana kaso nakasimangot lagi.Pagkatapos kong magpalit ay lumabas na agad ako, nandoon pa siya, tuwid na tuwid sa pagkakatayo. Mukha talaga siyang sundalo.

"Bilisan mo" sabi nya at nagsimula nang maglakad.

Napakatahimik at seryoso niya, kinakabahan akong maglakad kung kaya't nasa likod niya lamang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko sanang itanong kung nasaan si Veena.

"Naroon na si Veena" bigla niyang sabi. Na para bang nabasa niya ang nasa utak ko, pero nakatalikod naman siya sa akin, kaya pano niya makikita ang ekspresyon ng mukha ko.

"Psychotic senses, sixth sense kung itawag sa mundo niyo. Nararamdaman kong tensyon at bilasa ka kahit nasa likod kita. Bilisan mong maglakad" mahabang litanya niya.

'Psychotic senses? May ganoon pala' sabi ko sa aking sarili.

Binilisan ko nang maglakad dahil naiiwan na niya ako, at pumasok na siya sa isang kwarto kaya't sinundan ko na siya doon.

"Oh antagal niyo naman Toffer, Crystal tumabi ka sa akin" sabi ni Agatha.

"Bukas ka na lamang namin ipapasyal dito. Gabi na, kaya dapat ay magpahinga ka na" si Veena.

"Walang problema sa akin iyon Veena" sagot ko naman.

"176 cm tall, shoulder - 16 inches, bust- 31 inches, waist - 29 inches, hips - 33 inches, arm length - 28 inche--"

"Para saan ba yan?" tanong ko kay Marion tungkol sa mga sinasabi niya habang para bang may binabasa sa gadget niya.

"Your sizes, I need your sizes para sa suit mo" sagot naman niya.

"Suit?"

"Oo ang isusuot mo tuwing training at pakikipaglaban" si Agatha.

"Eh bat kailangan mo pang ivoice out?" irita kong tanong kay Marion.

"Wala lang, anliit kasi ng dibdib mo, pinapaalala ko lang" sabi niya sabay tawa at maging si Christoff ay natawa rin.

Like wtf?! Alam ko namang maliit ang dibdib ko, dahil araw araw kong nakikita ang dibdib ni Riane, yung ka trabaho kong 38 ang size ng dibdib.

Sa sobrang inis ay naupo na ko sa tabi ni Agatha at nagsimulang kumain.

Kaming lima lamang nandirito sa mahabang mesa kaya tinanong ko si Veena kung nasaan si Mr. Aragon.

"Nasa opisina niya, bihira lamang lumabas iyon sa silid niya" sagot naman niya.

"Oo nga pala Veena, yung mapa na ibinigay ni Mr. Aragon, may nakasulat na roon pero putol yung mapa, Norteria lamang ang nandoon." sabi ko.

"Kung ganoon ay naniniwala ka na sa magic!" sabi ni naman ni Agatha.

"Nagdadalawang isip pa siya, kung kaya't hindi pa niya buong nakikita ang mapa"sabat naman si Christoff.

Totoo ang sinabi niya, nag aalangan pa ako, marahil ay puno pa rin ako ng pagtataka. Pero merong bahagi ko ang nagsasabing totoo ang mga nangyayari ngayon.

"Marahil ay tama si Christoff, pero tingin ko naman kapag nagtagal ay lubusan na akong maniniwala sa magic" paliwanag ko naman sakanila.

"Oo nga pala Crystal, bukas ay kailangan mong gumising ng maaga, pagkat nais ka ulit makausap ni Mr. Aragon" si Veena.

Pagkatapos magsalita ni Veena ay um-oo ako sa kaniya at nagsimula nang kumain.

Malipas ang ilang sandali ay narito na ulit ako sa aking kwarto,pansamantala kong kwarto dito hanggang sa maka alis ako dito.

At yung lalaki kanina, hindi kaya tama ang nasa isip ko kung kaya't parang bilasa siya kanina. Baka isa din siya sa makakatulong sakin at maging sa mundong ito.

Kakausapin ko na lamang si Mr. Aragon bukas tungkol doon sa lalaki.

Ano kayang mangyayari kung hindi ko mapagtagumpayan yung sinasabi nilang misyon ko dito sa mundong ito.

Kung siya ay mabibigo,
ang mundong ito'y maglalaho,
kasamaan ang magmumuno.
Ang mortal ay mamamatay dito sa ating mundo.

Naalala ko yung nakasulat sa propesiya, kung gayon may chance akong mamatay dito at mawala ang existence ko sa totoong mundo?

Argghhhhh mukhang kailangan ko talagang maniwala sa magic para makaligtas at makabalik sa real world.

Ilang saglit lang nang dahil sa pag iisip ay nakatulog din agad ako.

HIWAGA : The Magic WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon