Chapter 3: Mother

320 7 0
                                    

Victoria Paris Magdalene Tyson's POV

I was walking home nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko— binuksan ko at agad sinagot without seeing who's the caller.

"Hello?"

Napataas ang isang kilay ko nang walang sumagot sa kabilang linya— inilayo ko ang phone sa tenga ko at dun ko lang nakita na numero lang ang nakalagay sa caller.

Ngumiwi ako at agad pinatay ang tawag— panigurado isa na naman yan sa mga nakaraan mga prank call na natanggap ko. Ibubulsa ko na sana ang cellphone ko nang magpop ang isang message sa notifications ko.

Ezra left me message— she was questioning me if I was already at home safe. Hindi na naman kasi ako sumabay sa kanya kaya eto kinukulit na naman ako sa text. I smiled as replied her— telling her that I was on my way home.

Hindi ko naman talaga kailangan magmadali dahil marami akong oras ngayon— bukas lang wala— wala na kasi kaming klase dahil bukas na ang umpisa nang Foundation week nang school namin.

Gusto ko man sumali pero busy ang Coffee Project bukas at maraming costumer lalo na at weekends. Bumawi na lang ako sa klase bilang isang representative nang Miss Beautiful Lady of the school year para kahit papaano walang masabi ang iba— good thing na rin iyon sa akin lalo pa't kailangan ko nang sahod ko sa pagtatrabaho.

Malapit na ko sa bahay nang makaramdam ako nang parang may nanonood sa akin— napalingon ako sa likuran ko pero wala namang tao, pero may itim na kotseng naron.

Aaminin ko na medyo kinabahan ako na baka masamang tao yun pero lahat nang agam agam ko ay nawala nang umandar ito, umalis at nilagpasan ako. Umiling na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa nakita ko na ang mga tabi tabi at sirang sira na mga kabahayan.

Ngumiti ako at nagpatuloy sa paglalakad— Iskuwatters area kami nakita ni nanay, kaming dalawa na lang ang magkasama mula nang iwan kami ni tatay dahil sa sakit na brain cancer.

"Kagandang bata talaga niyang anak ni Vicky"

"Oo nga naku ke puti puti"

"Makakapag-asawa yan nang mayaman, sa itsura ba naman nang batang yan"

"Naku mare, sinabi ko naman kasi kay Vicky na ireto yang anak niya sa kilala kong foreigner— ayaw naman. Matanda daw kasi ang arte! Hindi pa tanggapin ang alok ko yayaman naman sila"

"Eh kilala mo naman yang si Vicky, hindi niya ibibigay yang anak niya kung kanino nino— aba kung anak ko yang si Victoria, ginamit ko na ang ganda niyan para umahon naman kami dito sa pesteng lugar na to"

"Mismo! Ako ren ano! Aba sawa na kong mamuhay bilang daga."

"Ke gandang bata, pang mayaman nga ang pangalan— ang hirap hirap naman"

"Wala na tayong magagawa diyan"

Bahagya akong nangiwi nang marinig ang usapan nila Aling Esmed, Aling Dorothy at Aling Tere. Sila ang mga kapitbahay namin na talamak ang bunganga sa lugar na to— halos lahat na ata nang kwento alam na nila.

Hindi ko sila gusto hindi dahil mga chismosa sila kung hindi dahil illegal recruiter sila nang mga babaeng bayaran para ibenta ang mga katawan sa foreigner. Ilang beses na nila kami ni nanay isali diyan para daw yumaman kami pero malugod iyong tinatanggihan ni nanay.

Proud ako sa nanay ko dahil kahit mahirap na kami ay hinding hindi siya kumakapit sa patalim para lang maiahon kami sa hirap— Gusto niya na dapat lahat pinaghihirapan gaya nang laging sinasabi sa amin ni tatay.

Naglakad pa ko nang ilang minuto sa dalawang maliit na iskenita at nakarating na ko sa bahay namin— agad akong pumasok at dun ko naabutan si nanay na nagtatakal nang mga asin sa plastic.

Claiming His Doll (SLOW UPDATE - ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon