UNA

4 0 0
                                    

Naranasan mo na yatang magdesisyon ng isang bagay na hindi ka sigurado?
Desisyon na ang masaya sa kaniya, habambuhay na ginhawa.

Ganyan naman tayong nagmamahal... Iiskip natin yun negatibong bagay mula sa nagpapayo. Sumaya lang tayo.



Second year college ako nung tumigil ako mag- aral. Sapat naman ang binibigay na pangangailangan ko pero hindi yon ang problema.

Nasa kalagitnaan ako ng pagdurusa dahil may nahuli ako. "He cheated on me" Oo kita ng dalawang mata ko kung paano niya inakbayan at hinalikan ang isang babaeng malapit sa lugar nila. Pinagpalit sa malapit!  Nasabi ko nalang.

"Let me explain." sabi niya ng makitang na nahuli ko siya sa mga kababuyan niya.

"Explain what? Jomes i saw everything, nakita ko na yon makakapagpaliwanag sa isipan kong martir. Sayang lang ang mag iisang taon na tayo! Anong dahilan!?" bahagya akong kumalma bagama't nagagalit ako.

Sino ba naman ang matutuwa sa gagong 'to!

" Lagi kasi tayong nag- aaway! Then cinocomfort niya ako, siya lagi kong nakakausap kada nag- aaway tayo!"
Nanlaki ang mata ko sa dahilan niya.

Seriously?

I slap him! Very very hard. Tipong magkaka stipneck siya! Gagu ba you!

"Sino ba ang karelasyon mo sa'min dalawa? At kada nag aaway tayo imbis na ako ang kausapin mo, siya pa niyayakap mo? Baliw ka ng talaga!."

Ramdam ko ang galit sa sarili ko, tumalikod na ko at umatras. Tatlong oras ang biniyahe ko makita lang siya sa Araw na mahalaga sa kaniya.

Kaso ako ang nasorpresa sa napaka-engrabong palabas. Gusto kong pumalakpak. Sumigaw at kumanta ng todo. Tipong wala kana! Wala kana. Kasi nilandi kana.

Sa sobrang pagod ko, hindi ko na pinansin ang kapatid kong kanina pa naghahantay sa'kin..

"Ate what happen? Mugto mata mo?" tanong pa niya. Pero pinahinto ko lang siya sa pagpigil sa bibig niya gamit ang isang daliri ko.

Gets niya na 'yon na gusto kong mag-isa.

Bagsak ang katawan kong nilapag nalang ang gamit sa sahig.

Hindi ako naniwala sa instinct ko. Sana pala hindi ako nagbigay todo.
Bigla kong naisip si  Minon, kung paano ko binalewala ang nararamdaman niya.

Hindi ko naman masisi ang sarili ko, dahil torpe at napakamahiyain niya. Pero pag naaalala ko yon oras na umiyak siya sa harap ko, at inamin niya na mahal niya ko, naiinis ako.

Pa'ano kong nagagawa nasaktan ang taong ito, sa kabila ng lahat ng sakripisyo niya. Si Minon ang aking kababata, na kahit hindi ko napahalagahan, nagpaparamdam parin ng pagkapursigido.


Pagtapos noon... Lumipas ang araw, buwan at taon.

Bumalik ang isang matagal kong kaibigan galing sa probinsiya nila.

Hindi naman madali maghilom ang nasaktan puso. Pero inisip ko na ayokong mabuhay sa nakaraan. Lalo pa't naging isang masamang bangungot yon.

Hindi ko na din nacontact si Minon simula noon. Naging busy siya pag - aaral bagama't medyo malapit lang naman siya sa lugar namin.


Natawa pa ko kay Tita Isabel Mommy ni Minon, non time na hindi daw niya makausap ng matino ito. Ang hirap daw basahin ang ugali. Ang laki daw ng epekto ng nangyaring non. Hindi ko na rin ipinaalam kay Minon na niloko ako ng lalaking kinaiinisan niya.


Nang tumigil ako ng pag- aaral, nagisip na muli akong bumalik sa kolehiyo, nagsabi ako sa sponsor ko. Si Tita Ria na mag- aaral na ko ule.

"Ano nakapag-isip kanaba ng matino?" pabirong sabi nito.

Napangiwi ako. " Oo naman, kaso gusto ko mag Computer Science, ayoko sa medical field tita. Alam mo naman mahilig ako sa mga computer! Kaya pagbubutihin ko." sabi ko. Natawa siya.

Supportive tita parin talaga siya.

"Oo na sige, sa susunod na taon mag- enroll kana. Balita ko nanliligaw sayo yun anak ni Oner. Ayos lang naman na sagutin mo yan, kaso mag- aral kapadin ng ayos." mahabang habilin nito.

"Oo na Tita, naku magsisimula kang manermon, kilala na kita. Haha!" natawa din siya tsaka nag paalam dahil may trabaho na siya.

Lumabas lang ako sandali, at naghantay sa kapatid ko. Bali 3 kami sa bahay. Tita ko kapatid ni Mama ko at kapatid kong babae. Medyo mahabang kwento bat magkakasama kami. Pare- pareho kami kasi nag aaral at nagtatrabaho naman si Tita Jenny sa gabi. Every saturday nag- aaral siya. Pareho kami ng course na kinuha.

Sa katunayan nga matatapos na siya. Ako kasi CS talaga nais ko. Nakialam lang yun papa ko sa course ko. Hehe. .


Bigla akong nagulat sa Vibration ng Phone ko.

Nagtext pala si Freddy, manliligaw ko na kababata ko nga din. Matagal na talaga siyang may gusto sa'kin. Kaso dati hindi ko talaga siya matypan. Kasi grabe naman kasi ang titig ako ang naiilang sa pinag gagawa niya.

Pero nagulat ako non bumalik siya, isa na siyang gwapong binata na may machong katawan at gwapong muka. Mabait at masunurin. May pagkamatigas ang ulo, pero nasa personalidad na niya kasi yon.

"magkita naman tayo." sabi niya sa text. Napangiti lang ako. 2 buwan kasing nakalipas na naramdaman ko na crush ko siya.

Tapos nag crush back naman, nahiya lang ng bongga.

"Sige saan?"

"Sa subdivision niyo malapit, may sasabihin ako." sabi pa niya sa text.

Medyo nakaramdam ako ng kaba. Pero umoo din ako. At tsaka naligo at nag ayos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HOW DO YOU HEAL A BROKEN HEART?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon