2

57 2 1
                                    

A/N:

Comment your reaction :)

Maaga akong gumising ngayon, tama nga sila may buhay ako at dapat wag kong sayain 'yon. "Good morning Lola Mi." masaya kong bati kay Lola Mi


"Okay ka na ba, apo ko?" Tanong ni Lola Mi "Okay na po ako Lola Mi. Don't worry malakas na ako ngayon." sabi ko. Pagkatapos kong kumain ng almusal ay nag-ayos muna ako bago pumasok sa school. Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom ko. May tumitingin sakin at may nagpaparinig din.As if naman sisikat sila.Ang chismosa. "Ly!" napalingon ako "Good morning Andrea!" masaya kong bati. Napatingin ako sa katabi ni Andrea, si Recka. Alam kong galit parin siya sakin ang tanga tanga ko kasi. "Good morning recka!" tumango lang siya. Sa ngayon? Ang aayusin ko muna ang friendship ko. "Recka, I'm sorry. Napaka-immature ko. Sana mapatawad mo ako." sincere kong pagkasabi "Ly, sorry din. Nasamapal kita. Sorry dahil ako ang kumuha ng first-person-who-slapped-Ly" napatawa ako "Ang joker mo talaga." natatawa ko namang sabi "Ohh! Yan na pala si Ly." napatingin ako sa side ko "Hi, guys!" masaya kong bati. Napansin 'ata ni Kurt na may hinahanap ako "Si lider? May date daw ehh." nagulat ako. Napa-"ahh" nalang ako.

"Miss de Guzman pinapatawag ka ng Principal." tumayo ako at lumabas na ng kwarto namin. Habang naglalakad ako papuntang principal may nakita ako. "Sana hindi ko nalang nakita." mahina kong bulong sa sarili ko. Nang makarating ako sa Principal office ay kumatok muna ako. May nagbukas sakin ng pinto at "Jake?" tanong ko "Hi!" ngiting bati ni Jake sakin "Pasok ka Miss de Guzman." rinig kong sabi ng principal namin. Pumasok ako "Umupo ka hija." sinunod ko naman ang sinabi ng Principal namin "So Ikaw 'ung girlfriend ng anak ko?" nanlaki ang dalawa kong mata sa narinig ko. Ano daw? Girlfriend? "Girlfriend?" tumango si Principal. Tinignan ko si Jake at nagtama ang tingin namin. "Ah-ehh Ma, alis na po kami. May pupuntahan pa po kami. Bye!" hinila ako ni Jake palabas ng Principal office "Teka nga." tinanggal ko ang pagkahawak niya sa wrist ko "Anong gir-" hindi ko naitapos ang sasabihin ko nang bigla nyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya "Shh..baka marinig ka ni Mami." mahina niyang sabi. Dinala niya ako sa field "Oh pwede mo na akong sigawin." sabay tinanggal niya ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko "Ewan ko sayo Jake. Ano tong pinasok ko? At anak ka ng princial?" tanong ko "Oo, anak ako ng principal. Sorry Ly, pati ikaw nadamay. May pupuntahan kasi ako ngayon ehh ayaw akong payagan ni Mami kaya sinabi ko na may date kami ng girlfriend ko. Sorry." tinignan ko si Jake "Okay." tumalikod na ako at hahakbang na sana ako nang "Bwesit! Isama mo nga ako Jake kung saan ka man pupunta." naiinis kong sabi sakanya "Easy lang,  tara?" sumunod nalang ako sakanya kaysa naman dumaan pa ako dun. Ayaw ko silang makita, umabsent lang ako sila na kaagad ang magkasama? Grabe ha! "Dahil ba sa kanila kaya ka sasama sakin?" napatigil ako. Sinamaan ko siya ng tingin. Makuha ka sa tingin Jake Cruz! "Sorry." mahina nyang sabi. Huminga ako ng malalim at sinabing "Wala kang kasalanan." Napabuntong-hininga siya at naglakad nalang. Sinundan ko naman siya nang makarating kami sa parking lot "Sakay na?" nagjo-joke ba to?Tinignan ko siya ng Seryoso-ka-pre-look "Oo. Oh eto suotin mo yan." may hinagis siya sakin.Sinuot ko naman sabi niya eh "Angkas na." umupo na ako. Paside nga lang nakapalda kasi ako. Hiya naman legs ko eh. Nang paandarin na ni Jake ang motor niya ay bigla ko nalang siyang nayakap. "Ay sorry." aalisin ko na sana ang kamay ko na nakayakap sakanya nang bigla niyang pinigilan "Wag. Sige yakapin mo lang ako." sinunod ko nalang siya. Mahal ko pa buhay ko kaya ayaw ko pang mawala sa mundong'to.Nakarating kami sa place na-BAR? "Ba't tayo nandito?" naguguluhan kong tanong sakanya.

"My friend invite me." sagot niya. Hinubad niya na ang suot niyang helmet at ganun din ako. "Okay." Tanging nasabi ko. Naglakad na siya papunta sa entrance ng Bar. Sumunod nalang ako sakanya ginusto ko namang sumama sakanya ehh. "Sino 'ung friend mo?" curios ako ehh "Si Bryan, sila ang may-ari ng bar na 'to." ginala ko ang tingin ko.Ang ganda. First time ko lang pumasok sa Bar. Well, bata pa kasi ako. "Good afternoon po sir."  May bumati kay Jake isang lalaking naka formal attire "Si Bryan?" tanong ni Jake dun kay kuyang naka formal attire "Samahan ko na po kayo." sumunod naman kami ni Jake kay kuyang naka formal attire. "This way po sir." pumasok na si Jake kaya sumunod naman ako. At err..sana hindi nalang ako pumasok. Pinatalikod ako ni Jake.Salamat naman alam ni Jake na ayaw kong makita 'yun "Oh Musta pre?" rinig kong bati ng lalaki. Siya siguro si Bryan. "Okay naman pare." sagot ni Jake "Ohhh.Sino yan? You're girlfriend?" rinig kong tanong ni Bryan ba 'yun "Hindi pre." naiilang na sagot ni Jake "So akin yan?" ano daw ? humarap ako sa Bryan na 'yun at I regret sana hindi nalang pala pero wala na ehh nagtama na ang paningin namin. "FYI, hindi ako bagay para ibigay lang." mataray kong pagkasabi "Palaban ha." tumayo si Bryan at lumapit sakin. Hahawakan sana ni Bryan ang kamay ko nang tinabig ito ni Jake "Wag mo siyang hawakan.Kay Jared 'yan" tinginan ko si Jake na gulat "Jared? Boyfriend mo si Jared??hmm.." tinignan niya ako head to feet. "May taste din pala ang Jared na 'yun." hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko si Bryan. Nagulat siya at nagulat din si Jake.Napahawak si Bryan sa pisngi niya "Thank you sa gift babe!" sabi niya at hinalikan ako sa may pisngi. Tila na istatwa ako sa ginawa niyang paghalik sa pisngi ko. Urgh! Kainis!

Dare vs LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon