3

46 2 0
                                    

Present

"Nandito na sila!" sigaw ni Jake. Napatingin ako sa side ko, halatang pagod na siya. Hinawakan ko ang mukha niya "Inaantok ka ba?" tanong ko sakanya.Umiling lang siya. "OH MY GOSH! " napangiti ako.

Nandito na siya "Andrea" tawag ko. Lumapit ako sakanya at niyakap siya "Kayo talaga.PDA kayo dito!" sumimangot si Andrea "Hahaha. So kami pa ang PDA dito?" tanong ko

"Biro lang. Si Recka wala pa?" tanong ni Andrea habang tumitingin sa mga bisita nila "Wala pa." sagot ko.Bumalik ako sa table namin ni Jared. Umupo sa tabi ko si Jared at ang fiance naman ni Andrea katabi ni Jared.

"Grabe girl~ lalo kang gumanda." sabi ni Andrea na hindi makapaniwala. Ako Gumanda? Ehhh!!

"Natural na akong maganda" proud kong sabi. Masaya kaming nagkwekwentuhan ni Andrea ng biglang sumigaw si Kurt "Ohh! Andyan na pala sila." nakita naming papalapit sa pwesto namin sina Recka at her husband na si Rupert. "GIRLS!" tawag samin ni Recka,tumayo kaming dalawa ni Andrea at sinalubong ng mahigpit na yakap si Recka. Hmm~ Amoy Paris "Musta Paris?" biro naming tanong ni Andrea "Ay Ganun.Paris lang hindi ako." natawa kaming tatlo sa pinaggagawa namin.Parang bumabalik lang kami noong teenage life pa namin.


Flashback

Ly's POV

"Ano ginagawa mo dito?" tinanggal niya ang shades na suot niya. Ba't lalo siyang gwumapo?Nakakainis tuloy "Bakit masama bang ma-miss ka?" tanong niya. Seryoso niya akong tinignan sa mata "Nagkamali ka nang pinuntahan." sabi ko at akmang isisira ko na sana ang pinto nang pinigilan niya ito "Ganyan ka ba mag-welcome ng visitor?" tinignan ko siya ng masama "You're still the same.The same person I love." napatigil ako. Nasisiraan lang siguro 'to "Umalis kana Jared." seryoso kong sabi "Bakit? Dahil hindi ka pa ba handa na makaharap ako?" umiwas ako ng tingin. Nagsitulo na ang mga luha ko. Traydor. "I'm sorry sa ginawa ko. Pero sana Ly maniwala ka sakin kapag sinabi kong Mahal kita kasi mahal na mahal kita." napaiyak ako sa sinabi ni Jared.

"Bakit ganito? Ilang buwan na tayo hindi nagkikita pero hanggang ngayon bakit mahal na mahal parin kita?" tanong ko sakanya. Mas lalo akong napaiyak nang makita kong may namumuong luha sa mga mata niya, umiiyak na din siya. "Kasi ako lang ang lalaking nakatadhana sayo." kahit umiiyak ako nakayanan ko pang ngumiti. "Kung hindi ko lang nalaman ang totoong rason kung bakit ka umalis baka hanggang ngayon hindi pa kita kayang harapin." tumingin ako sa mga mata niya.

"Ly, alam kong nagsimula lang ang lahat na 'to sa Dare game nyu. Pero noon pa talaga akong may gusto sayo. Sabihin natin duwag ako.Oo napaka-duwag ko kasi hindi ko nasabi sayo kung gaano kita kamahal. Masaya ako nung ikaw ang lalaro ng Dare game nyu at ako ang biktima nyu. Masaya ako 'nun. Akala mo biro lang 'ung mga sinabi ko sayo sa tawag, hindi. Mahal kita at gagawin ko talaga ang lahat para maging quits tayo. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya nang maging magkaclose tayo. Pero napaisip ako baka hanggang friends nalang siguro tayo.Kasi kapag kasama kita hindi kita nakikitang nakikilig sa ginagawa ko. At nung naging busy ako sa basketball. Hindi ko maiwasan hindi magselos. Kasi nung wala ako sa tabi mo may pumalit, Si Jake. Akala ko kayo kaya pinabayaan ko nalang kayo. Hindi naging kami ni Marie, actually ginamit niya lang ako kasi nagseselos siya sainyo ni Jake. Mahal niya si Jake hindi ako. Ginamit ko din siya kasi sabi niya may gusto ka daw sakin at ginamit ko nga siya para magselos ka. At nung nasa Bar. Gusto ko nang tulakin siya kasi alam kong naiilang ka.I'm sorry Ly, sana mapatawad mo ako." parang ayaw magprocess ng mind ko sa lahat ng sinabi ni Jared.

Hinawakan niya ang pisngi ko,pinunasan niya ang luha kong kanina pa tumutulo. Naiintindihan ko naman ang lahat ng sinabi ni Jared pero ayaw lang talaga magprocess ng mind ko at tila na pipi ako. Pero may isa akong bagay na gustong gustong sabihin sakanya

Dare vs LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon