38

3.2K 128 1
                                    

🔥🔥🔥Chasing Hell🔥🔥🔥
Chapter 38: The Revelation (Part 1)
Allison's Point of View
Dugo...
Nakita ko ang pagpatak ng dugo mula sa kanyang kamay nang basagin nya ang babasagin na baso gamit ang kanyang kamay. Nanatili ang kanyang naguguluhang mata sa akin, hindi alintana ang dugo sa kanyang kamay.
"What? Tell me, I heard it wrong."
I saw pain in his eyes while saying those words. Hindi ko nagawang makasagot dahil hindi ko mapigilan ang hikbi sa aking bibig at kung may anong nakabara sa aking lalamunan.
Malabo na ang mata ko dahil sa kapal ng luha rito ngunit mas nangingibabaw sa akin ang hapdi. Ang hapdi sa loob na sa ikalawang pagkakataon ay nasaktan ko na naman sya.
"Allison. Tell me please..."
"L-Lux... Hindi mo ako nakilala bilang Allison. I introduced myself as Samantha."
Nanatili ang pagkakunot ng kanyang noo ngunit hindi katulad ng kanina ay malinaw na nakikita ko ngayon sa kanyang mata ang sakit at hapdi. Ibinabalik ko ang nakaraan na matagal na nyang ibinaon.
Mahina itong natawa bago tumingin sa kanyang kamay. Napatakip ako sa aking bibig nang ipakita nya sa akin ang mga bubog sa kanyang kamay.
"Hindi ko maintindihan ngunit," nanginig ang kanyang kamay bago binagsak sa sahih ang mga bubog. "Nasasaktan ako. Mas masakit pa sa dumudugo kong kamay. Bakit?" Kinagat nito ang kanyang labi para pigilan ang kanyang emosyon.
Halos manlambot ako nang makita ang panunubig ng kanyang mga mata. Oh, fuck this life! I hate my life. I hate myself for hurting this man. Hindi ko na ba maitatama ang mali ko? Yes, I think.
"But, I still don't believe you." Mahina itong tumawa muli. "Imposibleng naging secretary ka kasi si Samantha ang kauna-unahang naging secretary ng Hell University and please... Don't use her name." Nakita ko ang pagdaan ng galit sa kanyang mata.
Oh, God! Paano ko ba ipapaintindi sa kanya? Kaya nya bang intindihin? Siguro, oo. Maiintindihan nya ako ngunit hindi nya ako mapapatawad.
"Three newbies," banggit ko na ikinatigil nya. "Hanz, Winzy, Samantha." Naging mas matikas ang kanyang mata nang banggitin ko ang pang huling pangalan.
"Sa tingin mo, mapapaniwala mo ako? Malamang na ginamit mo lang ang skills mo para makuha ang mga impormasyon na ito. Stop this shit. Huwag na huwag mo nang babanggitin ang pangalan nya."
Mariin kong pinunasan ang mata ko at kahit papaano ay nakaramdam din ako ng galit sa mga sinabi nya.
Siyananaman...
"Ganon ba?" Tanong ko. "Pero, may alam akong hindi mo alam at kami lang ang nakakaalam." Ngumisi ako.
Pumikit ako ng ilang segundo habang inaalala ang kasalanan ko sa kanila. Isa lang ang tumatakbo sa aking isipan sa mga sandaling ito, 'pag katapos ng gabing ito ay mag-iisa na lang ako.
Nawala na sa akin ang pamilya ko. Nawawala na sa akin ang kapatid ko at mawawala na sa akin ang lalaking 'to. Paano ko pa ba haharapin ang bukas? Shit. Kailangan kong maging matatag.
"Hindi na ako interesado." Malamig na sambit nito bago lumapit kay Ace na pinapatahan si Zein na humahagulgol.
I'm sorry... I really am.
Hindi ko gustong maglihim sa iyo. Nabigo kita, kapatid ko. Hindi mo na ako mapapatawad, alam ko. Pero sana, mapatawad mo si Ace.
Si Ace na nadamay lang dahil sa akin... Salamat. Salamat kasi hanggang dito, sa pinakamasakit na bahagi ng pagtatapos ng mga sikreto ay prinotektahan mo pa rin ako. Habang buhay akong magpapasalamat sa'yo at tatanawin ko itong utang na loob. Salamat... Salamat, Alas.
"Alas, 'di ba may sikretong daan dito palabas?" Tanong nya kay Ace na hindi kumikibo. "Nakalimutan ko na kung saan e. Makakalimutin na ba ako? Wala na kasi akong matandaan dahil..." Tinuro nya ang dibdib nya. "Sa sobrang sakit, wala na akong maalala dahil punong-puno na ang nararamdaman ko." Pumiyok ito na naging dahilan para kapusin ako sa hangin
Kahit hindi sya nakatingin sa akin ay alam kong konti na lang ay babagsak na ang luha nya. Gusto kong tumawa, humalakhak. Nakakatawa na gusto ko ng tapusin ang buhay ko para tumahan na ang sakit na nararamdaman ko ngunit hindi maaari.
Naging duwag na ako at hinding-hindi na ulit ako magiging duwag para takasan ang problemang ito. Tama na ang kasalanan ko.
I've had enough. Kailangan ko na lang tapusin ito.
"Alas. Ilabas mo na ako. Pakiusap. H-Hindi ko na kaya."
Umiling si Ace at tinulak nang bahagya si Raze palayo sa kanya. "Listen to her first. Pagkatapos ng lahat ay ako ang maglalabas sa'yo." Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mata ni Ace habang nakatingin sa kanyang kapatid.
Tumingin sa akin si Raze na nanlilisik ang mata. "Ano pa ba ang dapat kong pakinggan? Kasinungalingan lang lahat ng sinasabi nya. She's a fuckin' great liar. Sa sobrang galing nyang magsinungaling ay napapaniwala na nya ako." matigas nyang sambit.
Napangiti na lang ako sa sobrang sakit ng mga salitang binitawan nya.
"If you think, I'm a liar. Then, please. Makinig ka sa mga kasinungalingan ko."
Tumagilid ang ulo nito at ginulo ang kanyang buhok. Ngumuso ito kay Ace bago muling tumingin sa akin.
"I'll give you 5 minutes."
Sa loob ng limang minuto ay magagawa kong ipaliwanag ang lahat ngunit hindi ko alam kung ilang taon bago nya ako mapatawad o kung mapapatawad nya pa ba ako. Still, It's my chance.
"Hindi aksidente ang pagpasok namin sa Hell University." Pag-uumpisa ko.
Ngumisi si Raze sa akin dahil sa sinabi ko.
"Lahat ay planado. Lahat ay aking plano. Papasok at palabas ay hawak ko." Naging interesado ang kanyang mata. "Ang Hell University ang naging unang project ko bago tuluyang mapasali sa grupong kinabibilangan ko ngayon." Bigla kong naalala ang mga panahon na 'yon.
'Yong mga panahon na nalugmok ako sa problema kasi akala ko hindi na ako makakapasok at hindi ko na maaabot ang pangarap ko. Nakakatawa na dahil sa pagiging desperada ko ay nakagawa ako ng mga pangako.
"Winzy. I used her dad. Ginamit ko ang kanyang ama para mahikayat syang sumama sa akin. Ipinangko ko na tutulungan ko syang mabawi ang kanyang ama sa mga sindikato 'pag tinanggap nya ang alok kong sumama sa akin dito... Sa Hell University." Kumirot ang puso ko. "Pero, nabigo ako. Hindi ko nasagip ang kanyang ama." Humagulgol ako nang maalala at makita ang walang malay nyang ama.
"Dahil hindi mo sya tinulungan..." Nagulat ako nang marinig ang boses niya sa aking likuran. Nakatayo si Winzy na umiiyak. Nasa tabi nya si Hanz na pinapatahan ito. "Hindi ba, ate? Nagsinungaling ka lang?" Tanong nya.
Umiling ako at lumapit sa kanya.
Hindi ito lumayo o gumalaw man lang sa kanyang kinatatayuan. "I tried, Winzy. God knows, I tried to save him." Sinubukan kong ipaliwanag ngunit tinabig nya ang kamay kong sana'y hahawak sa kanya.
"You didn't."
"I did!"
"But why?! Bakit sya namatay?"
Bigka kong naalala nung sinubukan kong iligtas ang kanyang ama. "Nailigtas ko na sya, Win." bulong ko.
Nanlaki ang kanyang mata at halatang naguluhan.
"Nailabas ko sya, Win. Ngunit bumalik sya. I fucking tried to stop him, ngunit mas inisip nya ang mga perang naiwan nya." Humagulgol ito sa mga sinabi ko. "Sa pagkakataong 'yon ay hindi ko na sya nailigtas. Nahuli sya, sinubukan ko pang muling iligtas ang ama mo ngunit dumating na ang mga isang batalyong armadong lalaki. I was just newbie that time. Hindi ko pa gaano kabisado ang paghawak ng baril." Umiling ako nang maalala ang mga sumunod na nangyari. "Tinangkang manlaban ng ama mo..." Umiling na lang ako dahil hindi ko na kayang magkwento dahil masakit na.
Nakita ko naman kay Winzy ang pagngiti kaya alam kong kahit papaano ay naintindihan nya ako.
"I'm sorry, Win. Hindi ko naibalik sa'yo ang iyong am---" Natigilan ako nang yakapin nya ako.
"Ate... Ate, sorry. Akala ko... Akala ko, pinabayaan mo sya." Humagulgol ito. Nanginginig ang kanyang katawan. "Hindi ko alam na ganon pala ang nangyari." bulong nito.
Napangiti na lang ako. Salamat at kahit papaano ay may nagagawa pang yumakap sa akin. Akala ko, pandidirian na ako ng lahat.
"Tapos na ang limang minuto mo."
Kumalas ako kay Winzy at tumingin kay Raze na nakatingin sa amin.
"Kuya..." Nag-aalalang sambit ni Ace. "Please... Tapusin na natin." pagmamakaawa ni Ace.
Hindi ito nagsalita kaya ako na naman ang nagsalita.
"Si Ate Samanth---"
"Ate?"
Tumango ako. "Kakambal ko si Ate Samantha. Nawalay sya sa amin nung bata pa sya. Ako ang unang nakatagpo sa kanya ngunit hindi ko sya agad pinakilala." Sabi ko. "Ipinangako ko sa kanya na 'pagkatapos namin sa Hell University ay ipapakilala ko na sya sa amin." Tumingin ako kay Hanz. "Sumama sa kanya si Hanz." Bulong ko.
Wala man lang itong emosyon.
"Then, why are you claiming yourself as her?"
Lumunok ako nang mapagtanto na malapit ko nang sambitin ang sikreto naming tinago ko. "K-Kasi, hindi lang tatlo ang pumasok sa Hell University. Apat kami." sagot ko.
"Parang hindi ko na ata gusto ang kapupuntahan ng kasinungalingan mo? Can we stop it?"
"No." Matigas kong sambit. "Inumpisahan ko na. Hindi lang si Ate Samantha ang nakasama m---"
"I said, stop!"
"Kasi nakasama mo rin ako! Nagpalitan kami! 'Pag lumalabas ako ng Hell University para magreport sa labas ay sya ang nakakasama mo."
"Fuck! Please, stop there..." Pumatak ang luha sa kanyang mata. Umiling ito at tinuro ang kanyang dibdib. "Pinapatay mo na ako." pumiyok ito.
"I'm sorry..." sinubukan kong lumapit ngunit sya na naman ang lumayo. "Baby plea---"
"Don't call me that way you fucking liar! Lumayo ka sa akin."
Oh God!
Ang sakit...
Kahit na nasasaktan na ako nang sobra ay sinubukan ko pa ring ipagpatuloy. "Mas madalas mo syang nakasama kesa sa akin. Hindi ko inakalang mahuhulog sya sa'yo." Napaluhod ako nang tuluyan na akong manghina. Hindi na kinaya ng tuhod ko ang sakit. "H-Hindi ko inakalang mahuhulog ka rin sa kanya. Huli... Huli na nung nalaman ko... Nalaman kong mahal mo na rin sya nung mga panahong... Nahulog na rin ako sa'yo." humagulgol ako matapos sambitin 'yon.
Wala akong ibang marinig ngayon kundi ang mga hagulgol namin. Si Raze... Si Zein... Si Winzy... Binalot namin nang hagulgol ang bahay na ito.
"Darling, stop crying..." Pagpapatahan ni Ace kay Zein.
Maswerte sila sa isa't-isa at masaya ako para sa kapatid ko.
"Samantha... Baby, I'm sorry." wika ni Raze na nakatingin sa itaas. "Ginagambala ka na naman namin." bulong nito.
"Lux, mahal kita..."
Tumingin sya sa akin at pinahid ang kanyang mata. "Hindi kita mahal. I never loved you. It's only Samantha... Sa.man.tha... Not. A.lli.son." Matigas nyang sambit.
Tangina. Ang sakit. Nakakamatay ang sobrang sakit.
"Dahan-dahan naman, Raze." Babala ni Zein. "Isipin mo rin naman si Ate Alli---"
"Bakit? Ako ba naisip nila? Ginago nila ako! Pinaniwala nila ako sa mga kasinungalingan! Ginawa nila akong tanga at ako namang si gago, paniwalang-paniwala."
"Kuya, huwag mong sigawan si Zein."
Shit! Nagkakalabo ang lahat dahil sa akin. Tangina naman. Ako na nga ang dahilan kung bakit ito nangyayari tapos ako pa ang magiging dahilan nang pagkawasak ng mga relasyon nila.
I don't derserve to be happy...
"Tapos ka na ba?" Tanong sa akin ni Raze. Muling tumulo ang dugo sa kanyang kamay na nakakuyom. "Tapusin mo na para isahan na lang ang sakit." Nanginig ako nang maramdaman ang sobrang lamig ng kanyang boses.
"Makasarili ako. Hindi ko hinayaang makuha ka ng kapatid ko. Binali ko lahat ng plano. Sinira ko ang lahat. Trinaydor ko ang kapatid ko." Bulong ko.
"Bitc--- Damn!" Mura nya.
"Nung gabing dapat ay magkikita kayo, ikinulong ko sya sa kwarto namin." bulong ko. Nagtangis ang kanyang bagang dahil doon. "Ako ang pumunta dito." Iginala ko ang bahay na ito.
"Ako ang nakipagkita sa'yo dito. Ako ang nakasama mo magdamag. Ako 'yong hinalikan mo hanggang maging hubo't hubad na tayo. Tayo... Tayo ang magkasama sa saya nung gabing 'yon... Hindi si Samant---"
Napahawak ako sa aking pisngi nang maramdaman ang mahapding pisngi ko na galing sa palad ni Raze.
He slapped me.
Nanlaki ang mata nito dahil sa ginawa nya. "Shit... I-I a-am sor--- Damn!" Sinuntok nya ang sahig at narinig namin ang paglagapak ng kamao nya roon.
Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ako...
Masakit? Sapat ba ang salitang 'yon sa nararamdaman ko?
But, I know... I deserve more than one slap... Still... Sobra-sobrang sakit ang nararamdaman ko.
-
-
-
TO BE CONTINUE.

hell univirsity chasing hell season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon