"Oh my Gad! Artista!" Hiyaw nang isang bakla napa nga-nga sa kanyang nakita. "Asan mare?!" Tanung naman ng payat na dalagang naka pekpek shorts. "Ayun! Ayun!" Sagot naman nya.
Para bang bigla nalang nag slow motion ang mundo nila habang papalapit ng papalapit sa kanila ang isang binatang napaka kisig.
Makisig na lalake? Teka nasan na ba checklist natin?!
Sexy Jaw-line, check!
Matang nakakalunod kapag tinignan ka, check!
Ilong na matangos na pangarap nang mga pango, check!
Rock hard na katawan with
6-pack abs check na check!
Aba makisig nga, anyway moving on pag daan ni lalaki biglang hinimatay si palita ang babaeng payatot, nag papapansin sa lalaking ngayun nya lamang nakita.
Sinakyan naman ni kuya ang trip ni ate sabay tanong "are you alright?" Ang lalim ng boses ni kuya! Medyo seductive na medyo husky.
Nag tititili si baklita sa gilid habang nag simula namang magtanung si palita "anung pangalan mo pogi?" Sabi nya habang nag be-beautiful eyes.
Medyo nan diri si lalaki sabay ngisi ng pilit "names Bogart" hinawakan niya ang kamay ni palita at dahan dahan syang inikot nito na parang isang prinsesang isinasayaw ng isang prinsipe. Parang nasa cloud 9 si babae ngayon lang sya naka kilala ng ganiti ka poging lalaki at duma-damoves pa sa kanya. "Medyo cute karin pala" ingit na ingit sa gilid si baklita habang tinititigan silang dalawa.
Tumalikod si lalaki kay baklita habang hawak hawak nya naman sa bewang si babae na nasa kanyang harapan. Nag katinginan ang mag kumare, bakas sa muka ni babae na tuwang tuwa sya naka thumbs up naman ang kanyang kaibigan na masaya para sakanya.
"Anu number mo?" Nagulat si babae "ah eh uhhh teka 09 may papel ka sulat ko para sayu" hindi siya makapaniwala may kumagat na isda talaga sa kanya! "I'll memorize it" sagot naman ni Bogart sa babae, "baka naman makalimutan mo ha, 09********* ayan sige nga ulitin mo sakin" naniniguro talaga si babae hindi niya na papakawalan si kuya ulam daw eh. "Trust me" seryosong tinignan ni Bogart ang babae sabay ngiti "I have to go but I'll call you later alright?" Na tulala nalang si Palita di parin maka paniwala sa pangyayare sabay dating ng isang lalaking naka motor. "Bye miss wait for my call ok?" Todo ngiti si babae sabay sabing ok kay lalaki, dali dali namang sumakay si bogart sa motor. "Nakuha mo ba?" Tanung ng lalaking kasama ni Bogart. "Oo bilisan mo bàgo pa yun maka halata" bulong naman ni bogart. "Ingat pogi hintayin ko tawag mo!" Sigaw ni babae habang papaalis sina Bogart.
"Hay grabe ang pogi pogi nya mare ka inget ka!" Sabi ni baklita. "Oo nga eh ay teka naka silent phone ko baka tumawag di ko marinig mainis di na uli umulit!" Maya mayay pinag papawisan na si palita. "Uy Anyare sayo? Takang tanung ni baklita. "Mare... Yung walet ko... Yung phone ko... Nawawala!!!!"
Hindi na nakapag pigil si babae at humiyaw sa galit "BOGART!!! BUMALIK KA DITONG MAGNANAKAW KA!"
Ayan po si Bogart isang batikang mag nanakaw na ginagamit ang kanyang itsura upang makapang linlang ng kapwa, hindi nga pala Bogart ang tunay nyang pangalan kundi Borge Arthur Martinez. Yun lang ang binigay na palayaw sakanya ng mga tropa nya. Ni hindi niya naman talaga kailangan mag nakaw upang mabuhay sa totoo lang mayaman na sya, mayaman na mamayaman. Sadyang malakas lang talaga ang trip nilang mag trotropa. Nang minsan pa ngay nag shoplifting pa sila sa SM department store ng mga relo and as usual si Bogart ang front man nila. Habang ni lalandi ni Bogart ang mga sales lady ay sya namang hakot ng mga kasamahan nya sa mga relong trip nila. Mga mag trotropang sabik sa gulo at nag hahanap ng thrill yan sina Bogart.
"Bogart pare, sama ka sakin bukas may nature tripping kami nina Paeng Mt. Banahaw sarap dun tagal mo naring gustong mag hiking diba?" Tànung ni Darius ang lalaking nag angkas kay Bogart kanina.
"Ayus yan pre ah kelan ba yan? May mga chix ba kung wala di nako sasama" daing ni Bogart sabay subo sa pizza supreme na binili nila gamit ang pera ng babaeng kanilang nabiktima kanina.
"Pupunta ba kami duon kung wala? Kaya nga kailangan ka namin duon" Napaisip ng bahagya si Bogart at umiling "Sige na nga muka namang mag eenjoy ako eh". Mày date sana sya bukas kasama si Divine ang katangitanging bàbàeng niligawan nya na hindi parin siya sinasagot. Pero ayos lang naman sa isip isip nya, tutal kaya niya lang namàn niya ito nililigawan ay dahil sa isang pustahan na matagal pa naman ang deadline.
"Oh bukas ng alas sinko kita tayo sa may bus terminal ah" sabay ngisi ni Darius. "The hell ang aga naman" inis na sagot ni Bogart. "Ganyan talaga parang di ka naman nag fifield trip dati" pa asar na sagot ni Darius. "Oo na, oo na bàsta siguraduhin mong may chix ah, sagot mo naren pamasahe ko ah". Dagdag naman ni Bogart. Napa iling si Darius ngumiti at umo-o nalang kày Bogart.
Kring! Kring!
"Teka nag riring cellphone ko" lumayo saglit si Darius kay Bogart at sinagot ang cellphone nya.
"Ano may nahatak kana?" Sabi nang lalaki sa kabilang linya. "Opo meron napo tiyak matutuwa kayo sa dala ko bukas". Masayang sagot ni darius.
"Mabuti, itataas natin ang rango mo bukas depende sa dala mo".
Sambit ng kausap nya sabay baba ng telepono. Bakas ang ngiti sa muka ni Darius sa kanyang narinig dali dali naman syang bumalik sa kinauupuan nya kanina. "Oh sino nàman yun you looked so happy talking over there". Tanung ni Bogart.
"Ah wala yung chix na sinasabi ko sayo nag dala pa nang isa pang chikas" pangising sagot ni Darius.
Napangiti naman si Bogart sa kanyang kaibigan, di niya namalayan na siyay nabihag na pala ng kanyang sariling pàgnanais ng laman na magiging mitsa ng kanyang buhay.
------------------
Yeah prologue palang o kung anuman mag sisimula ang storya n3xt time pag sapit ng ka boredan at sinabayan nang kàsipagan. Anung klaseng kulto kaya ang kakain sa ating bida? Hmmmm... Sa totoo lang di ko rin alam nantok na ko tanungin ko nlàñg imagination k9 bukàs good morning! :D
BINABASA MO ANG
Ang Mata ni Bogart
FantasyDisclaimer: hindi ito comedy napag tripan lang namin ng kapatid ko title haha ---_--- It started that day when he least expected it. niyaya siya ng tropa nyang si Dylan mag nature tripping, ngunit hindi pala basta trip ang napuntahan nya.... siya pa...