Chapter 12

3 1 0
                                    

AALIS na sana ako ng may biglang humarang at pinigilan ako ng isang matipunong braso na siyang humapit sa beywang ko at sinimulang sumayaw. Unti unti ring pinagapang ang kanang kamay niya papunta sa balikat ko at naramdaman ko hinawakan niya ang pwet ko ng kanyang kaliwang kamay. Gusto kung magpakawala ng malulutong na mura at itulak ito palayo pero sa hindi maipaliwanag na dahil tila wala akong kakayanan na itulak ito basta-basta dahil nanatili ang gulat sa buong katawan ko at unti- unting nilamon ng panghihina ang buong katawan ko. Bago pa marating ng kamay niya ang ibang bahagi ng katawan ko bigla nalang itong humandusay sa sahig.

Nagulat ako ng makita kung sino ang may gawa nun ng makitang hawak hawak ni drake ang kwelyo ng damit ng lalaking humipo saakin.

"Pare, sa susunod huwag kang basta basta nambabastos ng babae. kung gusto mong pigayahin ang sarili mo, maghanap ka ng kwarto at magsarili ko. huwag kang mandamay ng inosente babae o kahit sino mang babae para sa kalibugan mo." sabi ni drake at nilingon ako ng may matang nanlilisik.

nakakatakot ang awra at ang mga mata ni drake ngayon parang hindi siya ang drake na kilala ko, ibang iba siya ngayon.

"D-Drake----" hindi na ako pinatapos ni drake sa mga iba ko pang sasabihin dahil bigla nalang niya akong hinila palabas sa bar. Pero bago pa kami makalabas na hagip ng mga mata ko si dana at halatang nagaalala ito saakin pero halata ring nagpipigil ng ngiti. Everyone's shocked to see drake holding my hand, walang nakapagsalita. Hindi ko alam kung sa gulat dahil sa pambubugbog ni drake o dahil sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"D-drake san mo ba ako dalhin?." natataranta kung sabi. "atsaka saglit lang naiwan ko ang cellphone at bag ko sa table namin."

walang tugon si drake sa mga sinabi kom I cleared my throat when I realized na wala talaga siyang balak sumagot at bumalik sa table namin. Gusto ko pa sanang magprotesta pero huli na dahil nakarating na kami sa parking lot ng Bar.

tinignan kung mabuti ang mukha ni Drake at masasabi kung nagpupuyos ito sa galit. "drake anong gagawin natindito?" mahina at maayos na tanong ko dahil baka may masabi akong ikagagalit lalo ni drake-- mas lalong naging gwapo si drake nagayong galit ito, ang mga mata niyang nagaalab---- Nakuu! ikapapatay na nga ng buhay ko ito kung ano ano pang sinasabi at pang pupuna ko pa kay drake.

tinignan niya ako sa mga mata para akong matutunaw sa paraan ng titig niya. "Manhid kaba talaga o ano----"

"Thank you!." pigil ko sa mga iba pa niyang sasabigin. "Thank you! dahil kung hindi dahil sayo baka nabastos na ako sa loob. "

tinitigan ko ang mukha niyang nakatitig saakin. Sa huli huminga siya ng malalim at ilang oras pa bago nagsalita. "I'm sorry also, sa susunod magiingat ka huwag ka basta basta nagpupunta sa ganitong lugar hindi bagay sayo." He looked at me "teka,  bakit kaba  nandito?."

I smiled at him. "Wala naman talaga akong balak na bumalik pa sa bar. Kaya lang naman ako nandito dahil inimbitahan ako ni kleah. I was bored kaya pumunta ako." I don't know pero bigla akong naging komportable kay drake dahil lang siguro ito sa pagligtas niya sa akin---oo dahil lang don at wala ng iba.

"Here" sabi ni drake sabay lahad saakin ng cellphone at bag ko. paano napunta sakanya ito? sa pagkakaalala ko naiwan ko ito sa table namin ni dana ah.

"paanong nasayo ito?." I looked  at him shocked.

"Kinuha ko kanina."

I looked at him and smiled. "Thank you ulit, pero kailangan ko ng umuwi dahil maghahating gabi na, baka nag-aalala na sila papa dahil ang paalam ko lang bago maghating gabi."

"Hatid na kita." Alok niya saakin pero agad ko ring tinanggihan.

"Huwag na, magtataxi nalang ako nakakahiya na." I said

"I insist! baka mapano kapa dyan sa daan."

"Hindi na kailangan, nakakahiya na."

pagtatanggi ko kay drake dahil ayoko talaga  sobrang nakakahiya na at ayokong mapalapit kay drake at maging isa sa mga babae niya.

"sige na! tinanggihan mo na nga akong ihatid ka sa nung sa mall tapos ngayon rin?." he said in a  disappointed tone.

"O-Okay sige !. "

"Okay!   kunin ko lang motor ko." he smiled at me. "Hintayin mo nalang ako rito. "

Mukhang hindi ko na talaga mapipigilan to masyadong mapilit si drake. tinanggap ko nalang ang alok niyang ihatid ako dahil mukhang wala akong masasakyan dahil may laman ang karamihan na dumadaan na taxi.

I texted Dana na uuwi na ako dahil baka hanapin ako at baka mas malala baka ipahanap pa sa pulis kapag hindi ako nakita.  Hindi rin nagtagal, dumating si Drake sakay ng kanyang motor at huminto sa harap ko.

"ito isuot mo, for safety." sabay abot ng helmet saakin.

tinanggap ko ang helmet at umangkas na para makaalis na kami, hahawak na sana ako sa likod ng lumingin si drake.

"Kahit ka ng mahigpit baka mahulog ka .... saakin."

hindi ko masyadong narinig ang huli niyang sinabi dahil napakahina na ng pagkakasabi niya.

"what did you say?"

"kumapit ka kako. "

"Hindi yung isa mong sinabi. yung huli."

"Wala naman akong sinabi guni-guni mo lang yun. "

"parang meron, Ang hina mo kasing magsalita. feeling mahinhin?"

"Kumapit kana lang. " natatawang sabi ni drake at ibinalik ang tingin sa harap.

mahigpit akong humawak sa dulong bahagi ng motor niya na nasa likod ng puwitan ko. nagtatakang tinignan ko si drake dahil hindi pa kami umaalis kahit na nakakapit at mukhang  handana na naman siya na umalis. pero mas lalo lang na humigpit ng lumingon si drake.

tinignan ako ni drake at halatang nagtataka ito.   "What?" i said.

tinignan niya lang ako at kinuha niya ang mga kamay kung nasa likod at ipinulupot sa baywang niya. "There."

dahil sa ginawa niya sobrang lapit ng mukha ko sa likod niya at amoy na amoy ko ang mabangong pabango niya hindi ko maiwasang itanung sa isip ko kung anong gamit niyang pabango at sobrang bango nito, parang may kakaiba sa sistema ko kung bakit hindi ko mapigilang amoyin siya.  dahil sa ginawa ni drake napakabilis ng tibok ng puso ko, parang gustong kumuwala sa loob ng katawan ko.

nagumpisa ng umusad si drake habang mahigpit na nakayakap parin  ang mga braso ko sa kanyang baywang parang mas lalong bumagal ang takbo ng oras, may kung ano sa sarili ko na parang gustong gusto ko ang pakiramdam ng nakayakap sa kanya, pakiramdam ko napaka payapa ng paligid, isa rin sa mga pakiramdam na nararamdaman ko na parang kahit anong mangyari alam ko na safe ako sakanya at hindi niya hahayaang may mangyaring masama saakin habang nandyan siya sa tabi ko. hindi ko alam kung ano yun at paanong nakaramdaman nalang ako bigla ng ganitong pakiramdam,














THANK YOU FOR READING!💚

The Heartthrob Guy who stole my HeartWhere stories live. Discover now