ISANG matalim na tingin ni dana ang sumalubong saakin ng makarating ako sa lugar pabotirong kainan namin.
"Where have you been? buti namn at sinipot mo ko? Baka may dinadate kana dyan a na hndi mo sinasabi? magsabi ka ng totoo caitlyn faith sino yung lalaki mo?" sabi ni dana na may kasama pang irap.
sa halip na sagutin ko ang mga tanung ni dana sinawalang bahala ko nalang, naupo ako at inumpisahang kainin ang mga pagkaing inorder niya kanina.
tinitigan ako ni dana na para bang hindi siya titigil hanggat hndi ko sinasagot ang sangkaterbang tanong niya.
"Tumigil ka nga dana! Pwde isa isang tanung lang? mahina ang kalaban, Investigator kana ba?." inirapan ko nalang. "una nasa school ako habang naghihintay ka, pangalawa sisipot namn ako tlga ako, sorry nakatulog lang talaga ako don sa garden diko namalayan ang oras. Okay na? nasagot na tanung mo? pwde ko ng ituloy tung pagkain ko?."
isang ngiti ang inaasahan kung tugon ni dana pero ng tignan ko siya isang matalim na tingin ang isinukli nito, parang may gusto pang malaman at hndi kumbinsido sa mga sagot ko. "Ano itong kumakalat na balita?" sabi ko na nga bat may itatanung pa ito.
"What?" inosenteng tanung ko.
"magkasama raw kayo ni drake kahapon sa basketball stadium?"
I took a deep breath and rolled my eyes. "wala kaming ginawa ron, gusto niya lang daw ako ako makausap ng pribado."
nagulat ako ng biglang tumayo si dana at lumipat ng upo sa tabi ko. "Anong pinagusapan niyo? akala ko ba ayaw mo kay drake dahil sa heartthrob siya at maraming nalilink sa kanyang babae? unti nalang iisipin kung inaagaw mo si drake saakin."
tinignan ko si dana na parang walang buhay . "Duh! sayo na yang si drake. pake ko ron! nagsorry lang si drake dahil don sa pagbuhos niya ng tubig sa akin sa cafeteria."
"Yun lang? Walang kiss?" tinignan ako ni dana na may nakakalokong ngiti .
"ew! Duh syempre wala!." inirapan ko lang ito "pero nakapagtataka bakit magsosorry saakin si drake? sa lahat ng nagawan niya ng kalokohan bat saakin lang siya nagsorry? feeling ko tlga may something, may plinaplano yun. "
nabilaukan si dana ng marinig ang mga tanung ko. "Ayos ka lang? Hinay-hinay kasi huwag magpakababoy rito." Umayos ito ng upo.
"Alam mo ikaw ang dami mo talagang nasasabi pagdating kay drake, bat dika nalang thankful bruha ka dahil sayo pa nagsorry si drake, malay mo pinagsisihan na niya yung ginawa niya sa cafeteria" biglang nagseryoso ang mukha at tono ng boses ni dana. "Always remember faith "people change" kahit sino may karapatang magbago, miski yung mga taong nakagawa ng malalaking kasalanan pwedeng ng magbago, kahit nga yung mga nasalikod ng rehas pwdeng magbago, si drake pa kaya! miski ikaw pwdeng magbago pati ang tibok ng puso mo pwedeng magbago, mamaya si drake na pala ang tinitibok nito"
"yeah people change pero hndi ganun kadaling magbago ang isang tao,it takes time. Yung kay drake talagang nakakapagtaka alam nating pareho na hindi ganun ang isang drake buti sana kung ibang drake yun pwde pa, pero siya yung drake na heartthrob sa school. And FYI hindi titibok itong puso ko kay drake itaga mo sa bato. " biglang nagtaas lahat ng balahibo ko dahil sa mga pinagsasabi ni Dana.
"Tignan natin mamaya niyan umiiyak kana saakin dahil kay drake. U-ulitin ko ang matagal ko ng sinabi sayo Caitlyn Hindi natin kontrolado ang puso natin kaya hndi natin alam kung kailan ito titibok at kung kanino ito titibok."
napakaseryoso ng tono ng pananalita niya parang siguradong sigurado itong ma-i-inlove ako kay drake, atsaka tinawag niya akong Caitlyn hndi niya ako tatawagin sa first name ko kung hndi ito seryoso, para siyang manghuhula kasi sa tono ng boses niya parang siguradong sigurado siya.
kinikilabutan tlga ako sa babaeng to. Isang katahimikan ang isinukli ko sakanya ayoko ng madugtungan ang mga sasabihin niya dahil talagang hindi ko kinakaya, tumataas pa ang lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa babaeng to.
Tahimik kaming kumakain pero hndi talaga mawala sa isip ko kung bakit ang isang drake magsosorry saakin at may chocolates and flowers pa to parang manliligaw lang ang dating. Kung hindi lang kami parang aso't pusa baka iisipin kung may gusto ito saakin.
urrrggghhh! He's getting into my nerves!
"Hoy! kung nagsasalita lang ang pagkain baka pinagsalitaan kana ng hndi maganda niyan, baka nga rin kanina pang tunaw yan sa kakatitig mo." hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatulala sa pagkain ko.
"Wala! may iniisip lang ako."
"huwag mo masyadong isipin si drake, napaghahalataan ka kasi.HAHAHAHA."
mas lalo lang akong nairita, nakakairita ang mga pinagsasabi ni dana pero mas nakakairita ang tawa niya, ang lakas lakas kung tumawa pinagtitinginan na tuloy kami.
never! hinding-hindi ako magpapahalik at hnding-hindi ako mai-inlove sa asungot na lalaking yun. Pu-puti pa ang uwak bago mangyari yun. Hinding-hindi talaaaaaggaaaaa itataga ko yan sa bato.
Thank you for reading!💚
YOU ARE READING
The Heartthrob Guy who stole my Heart
Fiksi RemajaSapat na bang makita ni Faith ang ibang pagkatao ni Drake para sa totoong Pag-ibig?