CHAPTER 1

4.5K 224 136
                                    

CHAPTER 1

MARAH POV

MAYA'T MAYA ang paroon at parito ko. Pinagmamasdan ko ang aking kaibigan na si Roanne habang nilalaro nito ang aking anak na si Maria Caine. Nakaupo silang dalawa sa sahig habang naglalaro. Gabi na, pero ayaw pa rin matulog ng anak ko.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Humuhugot pa ako ng lakas ng loob. This is it!

Naupo ako sa couch saka tumingin sa kanya. Kinakabahan ako sa magiging reaction niya kapag nalaman niya 'yong nagkita kami ni Kyro sa Germany. Ilang araw ko din tong pinag-isipan matapos akong umuwi ng Pinas. Alam ko kasing malalaman din niya in the future dahil walang lihim na hindi mabubunyag.

"Friend," mahina kong tawag sa kanya habang pinaglalaruan ko ang aking mga daliri.

"Ano ba 'yon, Marah Valencia?" Naiinis na tanong niya sa'kin kasama pa ang buo kong pangalan. "Kanina ka pa hindi mapakali."

Lumunok ako. "May sasabihin ako sa'yo."

"Don't tell me may naka-one night stand ka na naman?" Tanong niya nang hindi lumingon sa'kin. Nakikipaglaro pa rin siya sa anak ko.

Ngumuwi ako. Ang bilis niyang mabasa ang isipan ko. "Parang ganoon na nga!"

Nanlaki ang mata niya nang humarap siya sa'kin. "May naka-one night stand ka na naman sa Germany?" Gulat na gulat ito.

"Parang gan'on na nga!" Alinlangan na sagot ko.

"Sino na naman?" Taas ang kilay na tanong niya. "Hulaan ko. Hari? Mafia? O baka drug lord? Naku! Sinasabi ko sa'yo Marah kapag drug lord 'yan malilintikan ka talaga sa'kin!"

Napahilamos ako ng mukha. "Ano ka ba?! Hindi naman drug lord." Kailan pa naging drug lord si Kyron? Pero kung sakaling maging drug lord si Kyro, okay lang, mesherep nemen siya.

Erase. Erase. Ano ba tong iniisip ko? Galit dapat ako sa kanya? Galit ako sa kanya kasi hindi niya kami pinili ng anak niya? Galit ako sa kanya kasi pinili niya ang maluwag na pempem kesa sa masikip na pempem?

"Eh, Sino?"

"Siya pa rin," mahina ang boses kong sagot habang hindi makatingin ng diretsyo sa mga mata niya.

"Ano? Hindi kita marinig?"

"Siya pa rin," naulit na sagot ko.

"Hindi talaga kita marinig," wika niya. "Ang kulit kasi ng anak mo!" Kinukulit kasi siya ni Mariah ng dede. "Doon ka sa mama mo manghingi ng dede, wag sa'kin. May dede ako pero walang gatas." Bumaling ulit siya sa'kin. "Ano nga ulit ang sabi mo?"

Napakamot ako sa batok. Ang bingi talaga ng kaibigan kong to.

"Sabi ko siya pa rin," mahina kong bigkas.

"Ano nga ulit 'yon?" Sinundot ng daliri nito ang kanyang tenga. "Makapaglinis nga ng tenga. Anong sabi mo?"

"Sabi ko siya pa rin!" Malakas kong sigaw sa harapan niya. "Bingi naman nito!"

Sumigaw din ito. "Anong siya pa rin?!"

"Huwag mong lakasan! Mabibingi ang anak ko! Baka magaya pa siya sa'yo!" Balik na sigaw ko sa kanya.

Hindi niya sinunod ang sinabi ko. Pasigaw pa rin ito. "Sino kaya sa'tin ang naunang sumigaw?!"

"Hoy! Kung ayaw n'yo tumulog. Magpatulog kayo!" Sigaw ng kabitbahay namin.

"Bwesit ka! Ikaw na nga 'tong nakikinig! Nagrereklamo ka pa!" Sigaw ni Roanne.

"Hoy, tumigil ka nga," suway ko sa kanya. "Nakakahiya sa kapitbahay."

Tempting With Prince 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon