Pia’s P.O.V.
Narinig kong nagri-ring and phone ko.
Ano ba yan! Sino ba ang tatawag ng ganito kaaga?! Ang sarap pa ng tulog ko eh! Leche!
Kinapa ko ang phone ko sa gilid ng unan. Nakasanayan ko na kasing katabi ito matulog eh. Kumbaga, I can’t live without my phone by my side. Hihihi. Back to the mysterious caller.
Sinagot ko ang phone ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.
“Yo” tipid kong sagot sa kabilang linya. Eh sa inaantok pa ako eh. Paki niyo ba.
“Piaaaaa!!!!” sigaw ng boses sa kabilang linya kaya bigla kong naihagis ang phone ko.
Shocks! Nakakatuliling yun ah!
Agad akong bumangon ng marealize kong naibato ko pala ang phone ko.
Huhu! Humanda sa akin kung sino man ang tumawag na iyon! Ng dahil sa kaniya..!
Ibinalik ko ang phone sa tapat ng aking oh so pretty ear at handa na sanang bulyawan ang taong nasa kabilang linya ng mapansin ko ang caller I.D. ni Jabbie na nakarehistro sa screen.
Bruha to ah! Aga aga eh nambubwisit. Psh!
Well, I met Jabbie when we were still in highschool. Actually siya lang ang nag-iisang bestfriend ko, except syempre kay Jazz na kababata ko. We were both in third year high school with same section. Transferee kasi siya and luckily dahil naging seatmate ko siya doon na nagsimula ang kwentuhan then boom! BFF na kami.
“Ano nanaman bang topak mo ha Jabbie?! Alam mo ba kung anong oras pa lang at kung makapangbulabog ka akala mo samin bampira na gising pa?!” ako
“Haha! Good morning din Bhessy!” sagot naman ng bruha.
“Ano bang kailangan mo at ang aga mo kong iniistorbo?” tanong ko sa kaniya habang papahiga na sa malambot kong kama para maituloy na ang naudlot kong pag-tulog.
“Grabeng mood naman yan Pia! Aayain sana kitang pumuntang mall. I’m just a concern citizen. Buong summer nagkulong ka lang jan sa kwarto mong puno ng weird stuff—”
“FYI Jabrica Archangel! Those weird stuffs you are referring to have names! They are called A-N-I-M-E! They’re not just stuffs, okay?” I cut her obviously pissed.
How dare she insult my anime collections! Amp! Mwehehe. I love that Bhessy of mine but I love my anime collectibles more J
“Fine! Fine! Whatever you call them but for goodness sake Pia Sanchez! Get out of your cage! Ang putla putla mo na ah! Try mo namang lumabas sa lungga mo. Wala naman sigurong masama kung masinagan ka ng araw di ba? And besides, pasukan na next week. Kailangan na nating bumili para sa darating na pasukan” she complained.