Prologue :

17 0 0
                                    


"Sana pala noon palang lumapit na ako sa kanya at sinabi na kilala ko siya. Hindi yung nagpapanggap lang ako na walang alam habang nakatingin sa kanya sa malayo" animong pinagsisisihan ang desisyong ngayon niya lang napagtanto na dapat ginawa na niya noon pa lamang.

"Pre, maaaring nagsisisi ka ngayon,pero sa tingin ko tama lang ang ginawa mo kasi iba ang sitwasyon ninyo, magkaibang magkaiba at hindi mo pedeng idaan nalang lahat sa emosyon mo. Darating din ang tamang oras para sa inyo, maniwala ka sa'kin pre" seryosong sabi ng matalik nitong kaibigan na si Alejandro.

Siguro nga darating din ang oras na matatanggap ko na  ang mga katotohanan. At pag nangyari iyon, di ko na sasayangin pa ang oras na nalalabi sa buhay ko para tuluyan ka ng mahalin at kalimutan ang nakalipas na nag aagwat sa ating dalawa.

"Salamat pre, pasensya na sa abala" pagpapaumanhing sabi ng binata sa kanyang matalik na kaibigan.

"Ayos lang pre, matagal tagal mo na akong naistorbo kaya sanay nako hahaha" birong aniya ni Alejandro sa kaibigan.

Nginisian niya lamang ito.
Maya maya pa ay tumayo na ang binata mula sa kinauupuan at nagpaalam sa matalik na kaibigan at dumiretso na palabas mula sa kinakainang restaurant.

Sumakay na siya sa kanyang kotse at walang paligoy ligoy na nilisan ang lugar.

Aantayin kita, at sa oras na yon sisigiraduhin kong buo na ang loob ko para mahalin ka at tuluyan nang nakalimutan ang nakaraan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mi Maestro, Mi AmorWhere stories live. Discover now