Mahal kong Den,
Taong 2020 ang taon kung saan ako nagising sa katotohanan na kailangan ko palang tanggapin ang mundong ibabaw sa kadahilanang ibat-iba ang opinyon ng bawat isa sa isang sitwasyon o bagay katulad ng ibabahagi kong kwento na magpapaalala sa akin na hindi ibig sabihin na taglay ko ito ay may karapatan na akong gamitin ito. Sa pagkakaalala ko, unang beses ko itong itinanong sa Google na siyang laman ng kaalaman at karunungan, naitanong ko lang naman and isang bagay na bumabagabag sa akin habang nag-aaral at nang dumating ang bakasyon nagkaroon ako ng pagkakataon na matuklasan ito, itinanong ko na "What if you hear music when nothing played?". Alam ko Den na ikabibigla ko ang isasagot sa akin at tama naman ako dahil sobra akong nabigla at buo ko namang pagkataong tinanggap ito, ayon sa resulta ako ay isang psychic o clairaudience, ibig sabihin pagtaglay mo ito makakarinig ka nang mga boses o tunog na wala namang nagsasalita o nagpapatugtug, hindi lang ako nabigla sobra rin ang aking tuwa Den, dahil hindi ko akakalain na naiiba ako, napatunayan ko na hindi pala pare-pareho ang mga tao may naiiba rin pala, kumbaga hindi naiisip ng iba kong ano ang mga naiisip ko, sa sobrang galak nagbasa ako patungkol sa mga psychic pinuno ko rin nang mga psychic symbol ang kwarto ko upang lumakas ang taglay kong kapangyarihan, ang dami kong ginawa nag yogang umiikot, nakikipagsalita sa hangin upang malaman nang mga hindi nakikita na nararamdaman ko ang kanilang presensya, hindi rin ako kumain nang mga ipinagbabawal na pagkain upang lumakas ang psychic energy halos dalawang linggo ko itong ginawa, wala namang nangyaring higit sa inaasahan ko, sa ikalawang pagkakataon humarap uli ako sa Google at tinanong ulit kong paano kung nakakarinig ka nang mga tunog kung wala namang nagpapatugtog, ang resulta ikinalito ko dahil sinasabi na ang ganitong karanasan ay senyales na isang kang henyo mataas ang IQ at higit kang naiiba sa mga average people, sa kadahilanang umabot na sa 100% brain capacity ang taglay ng utak ko. Nakakarinig raw ako nang mga tunog dahil na irerecall ko ang mga naririnig kong tunog katulad nang pagbabalik tanaw kung nagsusulit ang pagkakaiba lamang boses ng isang tao, bagay o hayop ang nagsisilbing memorya ko kumbaga na develop ang auditory memory sa utak ko. Sa sobrang tuwa na magagamit ko ang auditory memory sa maraming bagay lalo na sa pag-aaral, gumawa ako nang paraan na maalagaan ang aking utak, kumain ako ng masustansiyang gulay at prutas na nagbibigay sustansiya sa utak na isang tao. Nakinig rin ako ng mga subliminal affirmation at binaural beat upang higit na maproteksyonan ang utak ko sa mga maingay na motor o matinding tugtugan sa radyo at malakas na volume ng TV. Sa sobrang pagtutok sa isang bagay unti-unti kong napapansin na marami na akong hindi nagustuhan unti-unting nag-iba ang pananaw ko at lumayo sa realidad, naging masaya ako sa pakikinig sa aking utak umabot sa punto na hindi ko na maipagkakaiba ang tugtog at ang mga naririnig ko, minsan naisip ko na tunog ng totoong instrumento talaga ang naririnig ko at hindi sa utak nanggagaling. Sa huling pagkakataon tinanong ko ulit aking tanong nagbabasakaling madagdagan ang aking kaalaman, lumabas ang resulta na ikinalungkot ko dahil hindi kapangyarihan o naiiba ako kundi nababaliw, mayroon akong auditory hallucination, ang mga naririnig ko ay hindi patungkol sa psychic o pagiging henyo kundi may parte sa utak ko na nasisira sa pagdaan ng panahon, kaagad akong pumunta sa doktor at ipinagtapat ang aking pinagdaanan, neresitahan ako nang gamot, lumipas ang ilang taon gumaling ako at pumasok sa trabaho bilang maging isa sa mga nagbibigay counselling sa mga tao na nakararanas ng mental disorder. Alam kong sa lahat ng aking pinagdaanan may mga bagay tayo na hindi maipaliwanag lalo na kung nililito tayo nang panahon, masasabi kung lubos kong tinanggap ang siensya kesa sa mga ritwal o kahenyuhan ang mahalaga pinili ko ang buhay ng nakakarami o ang pagiging normal.
Nagmamahal,
Leila