Ayos ang naging first day ko kahit na Late ako. Eh kasi naman bukod sa transferee ako, kalilipat lang namin kaya di namin alam na nagtra-traffic dito sa may school tuwing umaga kaya ayun nalate ako.
Tuesday ngayon. Nagsimula ang mga klase.
Math.Filipino.Social studies.English.ICL?
Ano yun? Ay nvm tanong ko na lang mamaya
*Lunch
"Sinong gwapo sa classroom?" Pag oopen ni Cheska ng topic (siya yung una kong kaibigan sa room)"Hindi ko alam." Nagsmile ako sa kanya
Sino bang gwapo sa room??? Hahaha
"Kita mo yung kinukulit ko kanina? Si Dannie? Yun crush ko. Ikaw ba may crush ka na dito? Hahaha." Ang cute ng isang 'to. Ang friendly friendly pa niya
"Siguro naa-attract lang ako sa kanya ewan ko di ko alam"
"Sino??" Pagtataka niya
"Kaklase natin e. Alam mo ba yung Operation: Break the Casanova's heart ata yun? Basta yun."
"Oo. Sino siya?" Gusto niya talagang malaman hahaha
"Para kasi siyang Casanova, yung si Robin ba yun?" Pagbubuking ko sa kanya
"Ehh? Si Robin??" Parang di siya makapaniwala
"Haha. Oo pero naa-attract lang naman di ko crush :)"
***
Pagtapos ng Lunch, nakita ko ang sched na ang sunod na subject ay ICL. Ano yun? Di ko alam yun ala
"Uy.. ano yung ICL?" Tanong ko kay Cheska nasa unahan ko lang naman siya e.
"Indipendent..teka nakalimutan ko yung C basta Learning yung L. Alam mo ba yung gagawin?" Sagot niya
"Hindi e. Ano bang gagawin kapag ICL Time?"
"Eto yung 1hr time natin na pwedeng mag aral, maggawa ng assignments, Projects, at kung anu ano pa. In short eto yung free time natin kaya pwede mong gawin lahat ng gusto mo" Sagot niya sakin, Haba ng sagot niya hahaha
"Ahh. Sige salamat" yun lang pala yun pero yehey! ICL time hahaha
Nagsimula na ang oras. Dumating na rin si sir Topher
"Class eto ang gagawin niyo. I'll give you this small paper then you'll put your Name and your Birthday"
Nagsimula na akong gawin ang akin.
Jovell Mae
February 10,****Nang matapos ako, ipinasa ko na sa unahan. At Laking gulat ko ng lapitan ako--Lapitan ako ng kaklase kong si Robin
"Uy Jovell paggawa mo nga ako" Utos niya sakin
"H-Ha?" Natatameme ako
Naku pasalamat tong lalaking to at tahimik pa ako, kundi nabatukan ko na to dahil sa katamarang magsulat. Dali dali naman ng pinapaggawa di pa magawa -_-
I have no choice kase ayokong tanggihan ang isang to baka mapahiya pa ako.
"Di ako marunong mag lettering" palusot ko sa utos niya
"Okay lang kahit simple basta ipaggawa mo ako. Robin Nathan tapos October 9, **** "
"Sige" Hayy. Oh well, nagstart na akong gawin yung utos niya
Matapos kong gawin ang utos ng hari, Binigay ko na sa kanya ang pinagawa niyang activity sakin. Naupo na ako sa aking upuan ngunit na-bigla ako at nagulat nung isigaw niyang...
"YES! Meron na ako, lagyan ko pa to ng By Jovell e!"
Grabe nakakahiya! Sobra!
After naming ma-dismiss, pumunta kami ni cheska sa 2nd floor, dun kasi yung section ng bestfriend niya.
Siksikan. Nagkalat ang mga estudyante sa corridor maliit lang kasi ang corridor dito.
Pagkatapos mag usap ni cheska at ng bestfriend niya, bababa na sana kami ng stairs pero sa di inaasahang pangyayari, makakasalubong namin si Robin
Act normal lang ako ng biglang... ayan na magkakalapit na kami then--
"Hey classmate!" Bati niya sakin na may kasabay na paghawak sa balikat ko
Nagsmile lang ako sa kanya at patuloy na naglakad. Nagkatinginan kami ni Cheska
OMYYYY! hindi ko alam ang magiging reaction ko :")
"Ayiii. Si Jovell!" Pang aasar niya sa akin
"Ano?? Hahaha"
"Binati ka ni Robin!!!"
"Hahaha alam ko?" Pero yiiieeee binati niya ako woooo!
Ansaya saya! Binati niya ako as in tumingin siya sa eyes ko and..
Hey classmate..
Hey classmate..
Hey classmate..
Yiii. Infairness ang gwapo niya pala! :">
BINABASA MO ANG
BAD TIMING
Teen FictionIsang storyang Unique. Siguro may mga bagay na common. Pero lahat may twist! Bakit kasi lagi na lang kaming Bad timing? :( Destined ba kami o Pati ang destiny Paasa na din? :( PS: True story po ito. Kaso may mga part na scripted na or yung gawa...