Chapter 19

6.7K 230 75
                                    

Midnight Kiss

Kunot noong napamulat ng mata si Gianna, sunod-sunod at malalakas na katok ang nagpagising sa kanya. Nakabusangot ang kanyang mukha nang tignan niya ang oras sa kanyang telepono. Seryoso ba ang taong nasa labas? 6:30 AM palang pala ng umaga eh.

Kakamot-kamot siya sa kanyang ulo habang kinakapa ng kanyang dalawang paa ang tsinelas na mukhang nasa ilalim pa ng kanyang kama. Nang mahanap nya iyon ay humikab pa sya bago unti-unting naglakad palapit sa pinto ng kwarto nya.

Sino bang matinong tao ang mambubulahaw ng masarap na tulog niya? Malaman lamang nya na wala namang katuturan ang rason ng taong nasa labas para gisingin siya ng ganito kaaga ay sisiguraduhin niyang makakatikim ito ng mag-asawang sampal.

"Heto na, sandali!"   nanggigigil na bulyaw nya sa taong nasa labas ng kwarto nya.

"Good morning my infantem puella!"   Dominic is smiling widely habang nakabuka ang dalawang kamay, animo'y mangyayakap.

"Huwag kang lalapit sakin Dominic,"   nanlilisik ang kanyang mga mata.

"Ano bang kailangan mo para gisingin ako ng ganito kaaga?"

"I miss you,"   he paused for a moment.

"I miss you so much my infantem puella!"

"Ano, miss mo ako? Huy Dominic magkasama pa tayo kagabi, may bonfire pa nga eh."

"Anong magagawa ko kung namimiss ko ang girlfriend ko?"   ngumuso ito.

"G-girlfriend?"

"Yeah Gianna, my infantem puella. Don't you remember about the bet last night?"

Natulala siya sandali sa napakagwapong mukha nito, pagkaraan ay agad din siyang nabalik sa kanyang sarili. Bakit nga ba nakalimutan nya ang tungkol sa bet? The fudge, magkarelasyon na nga pala silang dalawa ni Dominic. Bakit ang malas-malas niya?

"Teka nga Dominic, ano bang ipinunta mo rito?"

"Gaya ng sabi ko kanina, I miss you. Kaya nagpunta agad ako rito para makita ka."

"Tumigil ka nga, malandi ka."   umirap muna siya bago ito tinalikuran.

"Sandali may naalala ako Dominic,"   aniya bago humarap muli rito.

"What is it my Gianna?"   nangingiting tanong nito.

"Bibigyan pa nga pala kita ng mag-asawang sampal."

"Mag-asawang sampal?"

"Oo, inabala mo iyong tulog ko para lang sa wala kaya marapat lang na makatanggap ka ng sampal from my precious hands."

"Speaking of your precious hands, they're too special to be hurt. Masasaktan ka lamang my infantem puella."   he winked, sya naman ay napaawang ang labi.

"Masasampal na talaga kita!"

Inis niyang inangat ang kanang kamay sa ere, at nang lalapat na sana ang kanyang palad sa kaliwang pisnge nito ay mabilis nitong hinuli ang kanyang kamay, hinila sya nito palapit then his right hand snaked on her waist. Sumikdo kaagad ang puso niya.

Nanlalaki ang kanyang mga mata nang mapatitig siya sa napakagwapong mukha ni Dominic. Totoo pala ang mga napapanuod niyang palabas sa TV na bumabagal ang bawat galaw at maging mga naririnig niya kapag nasa ganito siyang sitwasyon. Ang tibok ng puso niya ay malinaw niyang naririnig na halos bumingi sa kanyang pandinig. Isn't her heart has defect, mukha ngang hindi na gumagana ng ayos ang puso nya. Kailangan na nya yata ng heart donor, iyong hindi mapapabago ng isang lalaki ang bilis at lakas ng tibok ng puso nya.

SO Series 1; COLLISION OF HATRED HEARTS (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon