Chapter 26 (SPG)

7.9K 183 30
                                    

Sinful Night

Hindi maintindihan ni Gianna kung bakit palaging nakasunod sa kanya si Ken, he's always asking her kung may kailangan ba siya o kung may iuutos siya. Even Dominic is always keeping his eyes on her, isn't it weird? The three lunatics at maging si Blaire ay nagtataka narin dahil sa ikinikilos ng dalawa.

It's been one week nung malaman nilang may naging alitan between Dominic and Ken, until now wala siyang kaalam-alam kung ano ang naging dahilan ng alitan ng dalawa. Since then on, hindi na tumatanggap ng ano mang utos si Ken mula kay Dominic. It is very weird right?

"Gianna, can we talk?"   hindi na niya namalayan ang biglaang pagpasok ni Blaire sa silid niya.

As usual nakataas na naman ang isang kilay nito habang matalim na nakatitig sa kanya, mukhang may nais na naman itong sabihin na hindi maganda sa kanya. Bumuntong hininga siya bago umupo mula sa pagkakahiga niya sa kanyang malambot na kama.

"Anong pag-uusapan natin Blaire?"

"Do you have an affair with my boyfriend?"   diretsong tanong nito na ikinunot ng noo niya.

"Sa lahat ng maaari mong itanong sakin Blaire, ang tanong pa na iyan ang naisip mo?"   she chuckled in disbelief.

"Just answer me directly Gianna. Do you have an affair with Ken?"

"None."

"Sinungaling! Pareho kayo ni Ken na nagsisinungaling sakin! Kung sa bagay, hindi naman kayo aamin sakin."   umiwas ito ng tingin at nangingilid na ang mga luha nito.

"Blaire, will you please tell me what is wrong? Sa pagkakaalam ko ay wala naman kaming itinatago sayo ni Ken na anumang sekreto."

"May relasyon kayong dalawa. Iyon ang ideya na pumapasok sa isip ko ngayon Gianna."

Sandali siyang natahimik at natulala sa maganda ngunit malungkot na mukha ni Blaire. Hindi agad siya nakasagot dahil sa matinding pagtataka, pero nang makabawi ay marahan siyang tumawa bago tumayo at nilapitan ito. At first ay lumalayo ito sa kanya pero pinilit niya itong pa-upuin sa kama niya na bahagya ng magulo.

Hindi kasi siya dalawin ng antok kahit malapit nang sumapit ang hating gabi. Kaya naman nagpagulong-gulong siya sa kama. Sakto namang dumating ito para magtanong ng ganoong bagay, hindi man lang nito ipinagpaliban ang pagtatanong para bukas nalang siya tanungin ng kung ano-ano na wala namang katuturan.

"Please tell me the truth para hindi ako nagmumukhang tanga Gianna!"   puno ng hinanakit na sabi pa nito.

"Saan mo ba nakuha ang ideyang iyan Blaire? Ken and I are just friends."

"Friends lang ba talaga o with benefits pa?"

"Come on Blaire!"   she hissed.

"Hindi ako katulad ng ibang babae na naiisip mo. Hindi ko sayo aagawin ang boyfriend mo. I'm happy for you and for Ken, one more thing Blaire I have Dominic and I'm contented."

"Kung ganoon bakit palaging nakabuntot si Ken sayo? He's always asking you if you want something or need something. He's always looking for you."

"About that thing, hindi ko rin alam."

"Is he falling in love with you?"   puno ng sakit ang mga mata nito na tumitig sa kanya.

"That is impossible, he loves you."

"Paano kung wala na pala ang pagmamahal na iyon dahil napalitan ng pagmamahal para sayo? Gianna, noon pa man ay napapansin ko na ang malagkit na pagtitig sayo ni Ken. The way Dominic look at you are the same with Ken!"

SO Series 1; COLLISION OF HATRED HEARTS (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon