JANE'S POVPagkatapos aminin sakin ni Billy o ni Daniel ang lahat lahat ay pumunta ako kela Chienna, katok ako ng katok sa pinto nila. Kaso walang nagbubukas ng pinto.
Alam niyo yung pakiramdam na, kung kelan kailangan na kailangan nyo ang isang tao tsaka naman sila wala sa tabi mo.
Ang sakit...
Wala kong mapagsabihan ng nararamdaman ko. Di ko naman pwedeng itago nalang to habang buhay.
Kaya wala na kong choice... Kinuha ko ang phone ko
"Hello? "
" Hello, Lester? Pwede ba tayong magkita? "
____
SETH'S POV
" Uy, Okay ka lang ba? " Tanong ko dun sa babae.
" Oo, okay lang chalaga ako. " Sabi nung babae.
Tss. Di pa nga siya okay.. Halata naman eh
Kailangan ko ng bumalik sa bar. Lagpas ten minutes na oh. Baka ratratin ako ni Billy nyan jusme.
" Uhm, pwede bang ituro mo sakin kung saan yung hotel mo? "
" Aba'y, bakit ko naman shashabihin shayo kung shaan ako nakatira. Shira ka ba? Baka nakawan mo lang kashi ako eh. " Sabi niya.
" Sa tingin mo nanakawan kita?! Tss. Ikaw na nga tinulungan ikaw pa mangbibintang.. " Then boom! Nakatulog na. Hay nako. Siguro naman okay lang sakanya na sa hotel muna namin sya matulog diba?
Kinarga ko siya papunta sa hotel namin. Jusme, pinagtitinginan kami. Kahiya.
Hanggang sa elevator... Pinagtitinginan kami nung mga oldies. Jusko.
" Asawa mo? " Tanong sakin nung isang matanda.
" Ay hindi ho. "
" Girlfriend mo? "
" Ay hindi po. Kaibigan ko lang siya. "
" Eh saan mo siya dadalhin? "
" Ah sa mga kaibigan niya. Kasi ho lasing na lasing po siya eh. "
" Ay, napakabuti mo namang kaibigan. "
" Salamat po. " At saktong bumukas ang elevator. Hays, mga pakielamerong matatanda. Ay joke lang po.
Buti nalang at tulog na tong kasama ko
" Hays, ang bigat naman nito. " Bigla naman akong kinurot.Ay nagising.
" Naririnig kitang siraulo ka!" Napatawa nalang tuloy ako.
Nang makarating kami sa unit inihiga ko kaagad siya sa sofa. Nag-iwan narin ako ng letter para sa kanya.
Bumalik ako ng bar.
Habang naglalakad ako papuntang bar may mga taong nagsisitakbuhan.
Linapitan ko yung isang lalaking tumatakbo.
" Ah Kuya, bakit po nagtatakbuhan yung mga tao?"
" Nagkaroon ng pagsabog sa bar kanina. Sumabog daw yung mga wirings dun tapos nagkasunog. " Ay shit. Si Billy nandoon.
BINABASA MO ANG
FanGirl Zone(KATHNIEL)
FanficDati Fangirl ka lang niya. Dati, Pangarap mo lang siya. Ngunit ngayon, Nagiba na… Tunghayan ninyo ang istorya ni Jane Santos. From Being a Fangirl into a Girlfriend of Billy Fernardez.