Simula.

661 9 0
                                    

Nagmamadaling bumaba ng trycicle si Sam dahil huli na siya sa klase at 8:30 am pa ang first period niya.

Kanina pa niya tinatawagan ang kaibigan niyang si Sebastian pero hindi nito sinasagot ang kanyang tawag, ring lang ng ring ang cellphone nito.

Naiinis na dinial niya ulit ang numero ng kaibigan, "Kapag hindi mo pa talaga sinagot 'to, makakatikim ka sakin," bulong niya sa sarili habang nagmamadaling maglakad papasok sa gate ng paaralan nila. First year college na siya, ganoon rin ang kaibigan niyang si Seb. Siya ay kumukuha ng Bachelor in Secondary Education major in Social Studies samantalang Engineering naman ang kay Seb.

Pareho silang 8:30 am ang first period pero hindi sila pareho ng klase, tinatawagan niya lang talaga ito kasi alam niyang hindi ito magigising sa alarm niya at sigurado siyang malelate na naman ito.

"God Seb, first day of school nasan kana ba ha?" ungot niya habang hinihintay nitong sagutin ng binata. Tiningnan niya ang relong pambisig at nakita niyang tatlong minuto nalang at magta-time na, sa M204 pa ang classroom niya, nagmadali siyang umakyat ng hagdan at sinagot din ng binata ang tawag nito.

"Good morning Sam," bati ni Sebastian sa kanya at bigla nalang nangunot ang kanyang noo.

"Nasan ka? Magtatime na ha, nasa school kana ba? Bwisit---!"

"Hep hep hep oo nasa school na ako haha kararating ko lang din actually, hindi ko lang napansin ang tawag mo, sorry," putol niya sa dalaga.

"Oka—shhit!"
May nabangga siyang lalaki saktong papaliko siya ng daan at naramdaman nalang niyang may malamig sa may palda niya.

"Oh God!" napaayos siya ng salamin at nagsimulang punasan ang basa niyang palda, hindi na niya inalintana ang mga sinasabi ni Seb sa kabilang linya, binaba niya ang kanyang phone at inis na tiningnan ng masama ang lalaking nasa kanyang harap.

"What? I'm not sorry 'di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo," sambit ng lalaki sa kanya.

Napasipol ang lalaking nasa likod ng kaharap niya. "Damn man, that's baddass of you." Narinig niyang bulong nito dito.

Napakurap kurap siya at napatanga kasi ang gwapo este nakakabadtrip ang inasal ng kanyang kaharap.

"Aren't you gonna say sorry? Hindi ka rin naman tumitingin sa sinadaanan mo ah!" Pinunasan niya ang sarili gamit ang kanyang panyo. Sa sobrang inis, kinuha niya ang mineral bottle na hawak nito na kalahati nalang ang laman at binuhos niya rin sa slacks ng kaharap.

"'Yan para quits na tayo." Inirapan niya ito saka dali daling umalis dahil saktong tumunog na ang bell hudyat ng simula ng klase.

Nanigas sa kinatatayun si Mikael dahil sa ginawa ng babaeng 'yon sa kanya. Nag isang linya ang kilay niya at tiningnan ang basa niyang slacks nang naramdaman ang lamig ng tubig doon.

"G*ddam woman, pagbabayaran niya to," inis na sambit niya tsaka dali daling bumalik sa dorm para magpalit. Sakto namang may isang oras siyang vacant bago ang susunod na klase.

"Ang malas malas naman, first period na first period nabasa pa uniform ko," ungot ni Sam pagkapasok sa classroom buti nalang wala pa ang Prof nila.

"What happened to you?" tanong ng kaibigan niyang si Phanie ng makita nito ang basa niyang pambaba.

"Nakakainis yung lalaking yon, 'di kasi tumitingin sa dinadaanan, ayan tuloy, bwisit!" sagot niya kay Phanie.

May sasabihin pa sana ang kaibigan ng biglang pumasok ang matandang babaeng prof nila. "Good mo--ning class," bati nito sa kanila sa kakaibang accent.

Sabay-sabay silang tumayo at bumati sa Prof nila "Good morning ma'am."

Nangunot ang noo ng prof nila, "Come again? Is that how you pronounce 'goodmorning?"

US1: The One That Got Away (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon