XXX

4.6K 95 40
                                    

Thank you for reaching December Smoke's last chapter! here's to treasuring Beadel before its too late, hehe.

awesome14yow I got chu.


PS: Epilogue will be written on Beadel's point of view.

-------------------------------------------------------------------------------------


"Good morning naman, nag change address ka na ba?"


Nilingon ko si Tots pagkasabi niya non. Inirapan lang siya ni Beadel at saka dire diretsong naglakad papunta sa direksyon ko. She towered over me, dahil nakaupo lang ako at ayaw pakawalan ni Jia.

Mahigpit na nakakapit sa braso ko.


"Good morning mahal," bati niya at humalik sa noo ko.


Ngumiti lang ako, pinagmamasdan siyang hawiin ang sariling buhok at saka inilibot ang tingin sa paligid. Bumaba ang tingin niya sa 'kin at nagtaas ng kilay sa katabi ko.


"Ano pang inaantay mo Julia Melissa? Alis d'yan," taboy niya.

"Jhoana oh!"


Hinampas ko naman siya sa hita at pinanlakihan ng mata. She doesn't seem to care, pursigidong patayuin ang pinsan niya sa tabi ko. Ana rolled her eyes, mukhang sanay dahil sa araw araw ba naman na nandito sila palagi na lang na ganito ang tagpo.

Umiling ako at binulungan si Jia. Mukhang halos ayaw pa niyang pumayag nung una kaya sinuhulan ko ng panibago, binulungan ko ulti.

Natawa naman siya, kaya tumango. Jia detached herself from me then, hinarap niya si Ana.


"What? Alis ka d'yan," taboy na naman niya.

"Ssshhh," awat ko. I opened both of my arms as if welcoming her. "Dito, dito dali."


Tumaas lang ang kilay nya, not getting my point! Ugh! Umatras pa 'ko kaya nagkaroon ng space sa pagitan ng mga hita ko. Tinapik ko 'yon at inaya siya.


"Sit here baby," I told her.


Tumango naman siya at mabilis na umupo sa pagitan ko. Tinaas niya pa ang dalawang kamay nya, so I can freely held her from the back. I look like back hugging her.


"Aso, amputa." Tawa ni Tots. "Aso ka? Gago anong breed mo Beadel? Isang tahol nga."


Tawanan lang sila Ana at Jia dahil mukhang nakapuntos sa pang aasar si Tots.


"Aso naman pala," dagdag ni Ana, muncher her cookie. "Nice 'yan at least you could be my favourite animal."

"Kasi animal ka. Hayop ka." Pang aasar pa ni Jia.


Sumabog ang tawanan kaya pati ako natawa na rin! Mukha namang hindi sila pinapansin nitong isa kaya kinurot ko 'yung kamay niyang naglalaro sa 'kin.

December SmokeWhere stories live. Discover now