XVII

4K 121 41
                                    

"Alam mo, pakiramdam ko may sakit ka talaga Jho. Nung unang tulog natin dito, kinabukasan halos ayaw mong bumangon, ngayon lulugo- lugo ka. Hindi ba nga gusto na nating matapos 'to?"

Tahimik kong nilingon si Ara habang inaayos ko ang manggas ng suot ko. Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa pagtali na lang ng buhok ko kahit pa nagsisi tayuan pa mga baby hair ko, wala naman kasi akong hair clip dito.

"Jho, pwede ka namang i-excuse kung hindi mo na kaya. Ako bahala sa medical certificate mo, Dad can handle that for sure."

Saglit ko pang pinasadahan ang suot ko atsaka napatitig sa mugto kong mata. So this is how it feels like... to be able to see her again after a very long time. Umiling ako kasi ayaw kong maalala na umiyak lang ako buong gabi, pagtapos paulit ulit na maglaro sa utak ko 'yung pano nya ko titigan.

"Kaya ko Victonara." Sagot ko at naglakad na palapit sa kanya para sabay na kaming lumabas. "Tinanghali na naman ako, nakakahiya na kila Nanay."

"Hindi naman sila galit though, actually sobrang concern sila sayo that even Cole went here to check on you first thing in the morning kanina."

"Ha?" gulat ako sa narinig ko. "Nagpunta si Cole? Hinanap ako? Anong sabi?"

"Kailangan mang hampas Jhoana?" Pinaningkitan niya ako ng mata habang himas ang brasong hinampas ko. "Nagtatanong kung kamusta ka, specifically you so sinabi kong masama pakiramdam mo tutal mukha naman talagang malapit ka ng trangkasuhin."

Wala sa sariling napasapo ako sa noo. "Nakakahiya. Gaga ka, hindi mo na lang ako ginising!"

Tumigil sya at madali akong hinarap. "Gigisingin pa ba kita e mukhang buong gabi ka umiyak?"

Pagtapos niyang sabihin 'yon, agad syang dumiretso malapit kila Tatay para tumulong sa pag ani, abang dumiretso ako sa kubo kung saan nag aasikaso si Nanay madalas ng pananghalian para sa lahat.

Naabutan ko syang abalang naglalapag ng mga plato, kaya mabilis akong lumapit at nagmano.

"Hindi ka na kumain kagabi, hindi ka pa nag almusal. Ayos pa ba ang pakiramdam mo, anak?"

Tumango lang ako dahil ayoko ng tingin na pinupukol niya sa akin. Nagsimula naman na syang magkwento kung paano ako makakatulong sa bukid kahit hindi ako tumulong sa pag ani.

"Tumulong ka sa pag salansan ng delivery sa Bayan. Huwag kang magbabad at mukha kang matutuluyan ng sakit." Paalala niya. "Kukuha ako ng gamot, inumin mo pagkatapos mong kumain anak."

Tahimik akong nagpatuloy tumutulong na maglapag ng mga plato habang lumilipad sa kung saan ang isip ko, nang mapansin kong biglang nag umpukan ang lahat sa isang gilid, kasabay ng paghinto ng magarang sasakyan.


"Andyan na sya," narinig kong bulong ni Nanay sa gilid ko. "Halika't bumati tayo kay Ma'am."

Gustong gusto kong pumalag sa pagkakakapit sa akin ni Nanay, pero nakita ko na lang ang sarili kong palapit sa kung nasaan sya. Hindi ko alam kung normal pa bang para akong kinakapos sa pag hinga dahil sa sama ng pakiramdam ko o dahil sa andyan na naman sya.

Saglit na dumaan sa'kin ang paningin niya bago niya tuluyang ilibot ang tingin sa lahat ng andito. Nagkaron lang tuloy ako ng pagkakataong mas titigan siya. I knew she's something the moment I had her before, pero hindi ko naman akalaing mas naging 'iba' yata siya ngayon.

Stand out sya sa lahat, bukas ang dalawang unang botenes, habang nakapamulsa. Pinapayungan siya ng bodyguard sa gilid niya, habang babad kaming lahat sa initan dahil papalapit na ang tanghaling tapat.

December SmokeWhere stories live. Discover now