AYMR: Chapter 1

176 2 0
                                    

---

We were both young when I first saw you.

---


***

"Bakit ka naiyak?" Isang batang lalaki ang nagtanong sakin habang hawak-hawak niya ang panyo na ipapamunas niya sa mga luha ko.

Nasa garden ako ng bahay namin dahil sa pagtatalo namin ni Dad. Ayaw kasi ni Dad na makipag laro sakin at mas importante pa ang business niya kesa sakin.

Inabutan ako ng panyo ng isang batang lalaki at umupo naman sa tabi ko. "Hindi ako marunong magpatahan pero may ginagawa si mama para patahanin ako." Nakangiti lamang siya sakin at di ko mapagkakaila na gwapo nga siya. Maputi siya at matangkad. Ayon sa observation ko may lahi siya dahil hindi pangkaraniwan ang kulay ng mga mata niya.

"Ano iyon?" tanong ko naman sa kanya. Hindi ko alam kung bakit iyon ang tinanong ko sa kanya at kung bakit ko siya kinausap kahit na hindi ko pa naman siya kilala.

May dimple siya. Ang ganda niyang ngumiti dahil lubog na lubog ang dimple niya. Nagulat ako sa mga susunod na pangyayark. Hinawakan niya ang baba ko at inilapit ang mukha niya sakin.

Ngumiti siya sakin at biglang uminit ang mukha ko. Unti-unti niya pang inilapit ang mukha niya at nagdampi ang aming mga labi.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

***
Aya's Point of View

"Aya, kelan ka pa ba gigising?" Ang ingay naman, nanaginip pa ko e. "Kapag di ka pa bumangon diyan, hahalikan na kita." Makabangon na nga. Ang ganda-ganda pa ng panaginip ko e kahit pang bata ang panaginip ko.

Pero bakit parang totoo ang nangyari? Pero imposible naman yun dahil wala namang hahalik sakin. Teka ano ba itong naiisip ko puro kamanyakan.

"Eto na nga babangon na." Tumayo na ako at tiningnan ang oras. Maaga pa naman... 8:30 pa lang naman.

Teka 8:30 na?! Kumaripas ako ng takbo para buksan ang pintuan. "LUKE BAKIT DI MO KO TINAWAGAN?" Bungad ko sa kanya. Napailing na lamang siya sakin dahil sa sinabi ko.

"Aya Rose, bakit di mo ba i-check iyong phone mo. Tingnan mo kung ilang beses kitang tinawagan." Nakapoker face lang siya habang nagsasalita.

Kinuha ko naman ang phone ko at...

sht 100 missed calls?

Ngumiti na lamang ako sa kanya dahil sa nakita ko. Nagkibit-balikat siya at pumasok sa bahay ko. Hays, naninisi pa kasi ako ng iba. Ano na?

***

Setting: AK University

Pumasok na ako sa classroom namin at nakatingin halos lahat ng tao sakin. Gulat na gulat sila na para bang may multong pumasok sa room.

"Hey Luke, tama ba itong pinasukan natin?" Baka naman mali kami ng room na pinasukan? Bigla akong natakot sa mga tingin nila sakin. Bakit parang kinikilabutan ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Are you my Romeo? (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon