***
"Juliet."Sobrang bigat ng aking pakiramdam dahil nagtangkang magpakamatay si Romeo ngayon. Hindi ko lubos maisip na gagawin niya iyon. Hindi ko alam kung ako ba ang nagkulang at kung ano ba ang dapag kong gawin para solusyunan ito. Sa totoo lang, blankong-blanko ang isip ko dahil sa nangyari.
Sobrang bigat ng nararamdaman ko at para bang kahit anong minuto ay tutulo na ang luha ko. Romeo, bakit mo nagawa 'yon?
Nakatingin lamang ako sa kanya habang akay-akay ko siya. Papunta kami sa apartment namin upang magpahinga. Alam kong pagagalitan nanaman ako ng tatay ko dahil nagkita nanaman kami.
Tutol ang mga magulang namin sa relasyon namin ay ginagawa nila pareho ang paraan para magkahiwalay kami. Naiisip ko pa lamang ang pinagdaanan namin, hindi ko na maiwasang mapaisip kung tama ba itong ginagawa namin.
Napailing na lamang ako sa iniisip ko at binaling ang aking atensyon kay Romeo. Hindi pa rin siya naimik simula kanina. Hawak-hawak ko ang baril na gagamitin niya sana upang magpakamatay. Mabuti na lamang at nakapunta ako agad sa kanya. Kung hindi, hindi ko na alam ang mangyayari sa buhay ko.
Kung wala si Romeo wala ako at kung wala ako wala si Romeo.
Nangangatog ang tuhod ko dahil sa lamig sa labas at dahil na rin sa bigat ng inaalalayan ko. Basang-basa kami pareho dahil sa sobrang lakas ng ulan sa labas.
Madilim ang paligid, kasing dilim ng nararamdaman namin pareho. Ako na takot mawala siya at siya naman na gusto ng mawala para hindi na ako mamroblema.
Alam ko na ginagawa niya iyon dahil sa akin pero hindi niya ba naisip ang mararamdaman ko kapag nalaman ko na nagpakamatay siya? Hindi ko kaya... hindi ko kakayanin.
Sariwa pa sa ala-ala ko ang mukha niya kanina habang hawak-hawak ang baril na nakatutok sa ulo niya. "Rome. " kahit na ilang tawag ko sa kanya, nakatungo pa rin siya at walang imik.
Source: Pinterest
Binuksan ko na ang pinto ng apartment namin at inalalayan si Rome na umupo na muna. Alam kong pagod na pagod na siya sa nangyayari sa buhay namin and I'm glad na nasa tabi ko pa rin siya kahit na ganito.
Inalalayan ko siyang umupo sa sofa namin. "Rome, nandito na tayo." Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil ang dilim ng paligid. Tanging ilaw lamang sa labas ang buhay kaya hindi ko masyado maaninag ang mukha niya.
"Kukuha muna akong tubig. " Aalis na sana ako sa harapan niya ngunit pinigilan ako. Nanginginig pa rin ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Are you my Romeo? (On-Going)
Fiksi PenggemarAng istoryang ito ay patungkol sa babaeng nagmahal ngunit hindi sinuklian. Ngunit gumawa ang tadhana ng paraan upang magkahanap siya isang kasintahan. Si Julienne Rose Tanner a. k. a AYA ay ang nag iisang anak ng pinakamayaman na businesssman dito s...