With A Smile 1

4 1 0
                                    

"Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?!"tsk.here we go again another lifetime SERMON na naman

"Ate nakikinig ako.Di mo kailangang sumigaw"inis na asik ko sakanya

"Beatrice GROW UP!di ka na bata ok!you're 25 year's old for pet sake!pero kung gumawa ka ng kalokohan napaka isip bata mo pa din!"ang hirap magkaroon ng kapatid na TEACHER sermon dun,sermon dito.Psh

"Ate di ko nga kasalanan yun sila ang nagsimula ng gulo.Binigay ko lang naman ang gusto nila ha!anong masama dun?"pinandilatan naman nya ako ng mata

"Ma buang na ako saimo bay!di ka ba marunong mag timpi ah at pinatulan mo pa yung mga basagulero dyan ha!Hoy Beatrice mag ayos-ayos ka nga!pangit sa babaeng nakikipag away!lalo na sa mga lalaki pa"tinalikuran ko na lang sya at pumasok sa kwarto ko.


"Hoy!Betty Tilapia bumalik ka nga dito!kinakausap pa kita"i raised my middle finger.Ayokong tinatawag ang nickname ko.Ano ba naman kasing pumasok sa isip ng Mama at Papa ko at Betty Tilapia pa ang nickname ko,bat mukha ba kong tilapia ah? Dali dali akong tumakbo papasok sa kwarto.Alam ko na kasi ang gagawin nya babatuhin nya ako ng enerolang ginagamit nya tuwing gabi.Buti sana kong malinis eh ang panghi-panghi naman.

Kinuha ko ang first aid kit na nasa drawer ko.Kumuha ako ng cotton at betadine,nilagyan ko ang sugat ko sa tuhod at sa mukha.Bwiset na Dimakulang yun di makulang kulang gusto talaga akong hamunin oh ayon tinakbo sa ospital dahil pilay pilay na.Yan ang mga nakukuha ng mga hambog.Akala siguro nila porket babae ako di ko kayang bigwasan sila.Alagang B-meg kaya to.

"Betty Tilapia buksan mo ang pinto at may naghahanap sayo!"
Bumangon ako at inis na binuksan ang pinto.

"Ano ba ate!pede ba wag mo kong tawaging ganun ang sagwa,di bagay sa mukha kong maganda"kumunot ang noo nito at humalakhak ng tawa.Nakaka-asar na talaga

"Wait!San banda?ah sa kuko ba ha?"

"Pede ba ate wala ako sa mood para makipagbiruan sayo"

"Kailan ka ba naging good mood ha?kung ibang tao ang makakakita sayo iisipan nilang galit ka.Mukha mo kasi parang parati na lang galit HAHAHA"Dahil sa inis,isasara ko na sana ang pinto ng mag salita ulit sya

"Oh teka lang!maya ka na maging monster mood baby tilapia.May naghahanap sayo si Reeze nasa baba"hahablutin ko nasana ang damit nya dahil sobrang naaasar na ko sa pagtawag nya sakin sa baduy na pangalang yun ng nagtatakbo ito patungo sa kwarto nya at tumatawa pa.Akala nya siguro di ako makakaganti sakanya.

Pagbaba ko nadatnan ko si Reeze na nasa kusina at kinakain ang CHOCOLATE KO!Dali dali akong tumakbo para iligtas ang chocolate mula sakanya pero huli na,naisubo na nya ito.

"Sorry!bespren nagutom ako eh tsaka ang tagal mong bumaba"wow so ako pa ang may kasalanan ganun?

"Bilhan mo ko ng chocolate!Akin yun eh!"asik ko sakanya.Pero ang gaga tumawa pa.Ano bang kasalanan ko at napapalibutan ako ng mga taong may sayad!

"Kasalanan ko bang nagutom ako,Betty tilapia!at saka napano yang mukha mo?bat may dalawang black eye ka?HAHAHANagmukha kang panda"

"Nakipag away ako kay Dimakulang.Ako ang nauna nong chocolate na yan tapos bigla nyang inagaw,kaya ayun dinala sa ospital dahil sa ginawa kong pagsapak sa kanya.Tapos ngayon kakainin mo lang!aba bilhan mo ko ng bago!"inakbayan naman ako neto

"Ayoko nga bat ako ang bibili?sisihin mo tong tyan ko oh sya ang kumain non!"humalilhik pa sya..

"Pede ba umalis ka na nga!ano ba kasing ipinunta mo dito?"

"Hulaan mo"

"Di ako si Madam Awring para hulaan ang sagot mo.Kaya diretsuhin mo na ako,magpapahinga pa ko.Istorbo ka talaga!"

"Bespren naman eh di na mabiro.Meron kasing Motor Race sa kabilang bayan sali tayo!Para naman may pera tayo!"

"Oo na sige na!para tumigil na yang bunganga mo"

"Yes!oh ayan ah pumayag ka na.Wala ng bawian yan bespren ah!mamaya puntahan na lang kita dito!babushhh.....And thank you sa chocolate bespren"binato ko naman sya ng tsinelas at ayun sapol sa ulo nya.Binelatan nya lang ako at tumakbo palabas ng gate.

Pumasok na ako sa bahay at tumungo sa kwarto ko.Humiga ako ulit sa kama at tumingala sa kisame.

Maraming tao ang ayaw sakin,dahil sa ugali ko raw na mahilig sa basag ulo.Ano bang pakielam nila eh ganito na talaga ako.Well nagkaganito lang naman ako ng mawala ang magulang ko.Si Ate na ang tumayong ina at ama ko.Dalawa na lang kami dahil matagal na ding patay ang lolo't lola ko,may kamag-anak naman kami pero ayaw ko sakanila ang plaplastic eh ng nabubuhay pa ang mama at papa ko wala silang ibang ginawa kundi humingi ng tulong samin,humingi ng pera kahit malaking halaga pa.Binibigay naman nila mama ang gusto nila.Magaling lang pag mag kailangan.Namatay ang magulang ko dahil sa car crash.Lahat ng gulo pinasok ko.Halos parati akong pinupuntahan ng Ate ko sa baranggay.Kahit parati akong sinesermonan ng Ate ko eh mahal ko yun kasi sya na lang ang natitira sakin.

Si Reeze naman childhood bestfriend ko.Kahit minsan isip bata sya eh mahal ko yun dahil nong mawala ang magulang ko sya ang nandyan para icomfort ako.Halos lahat alam nya sakin.Wala kaming tinatagong sikreto sa isa't isa.

Ayos naman ang buhay namin.Si Ate teacher sya isang sikat na university.Ako naman may sarili akong Bake Shop na galing pa sa magulang ko.Ako ang inatasan ni ate na mamahala nong Bake shop kasi busy sya sa eskwelan.

"Baby tilapia!aalis na ako!buksan mo nga tong pinto!"

"Oo na umalis ka na"

"Ang highblood mo masyado!andun yong bp sa kwarto baka ma highblood ka!HAHAHA"inirapan ko na lang sya.Nakakapagod makipag asaran sa mahilig mang-asar psh.


Pagkaalis ni ate naligo na ako para sa race mamaya.Di ko pinaalam sa kanya kasi panigurado di nya ako papayagan.



With A Smile (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon