With A Smile 2

0 0 0
                                    

Brooom~Brooom

Inihanda ko ang mga kamay ko sa pagpihit ng hawakan sa motor ko.Ang mata ko'y nakatuon sa daraanan.Halos lunok na lang ako ng lunok ng laway.Lahat ng kalaban ko ay puro mga kalalakihan.Nasa gilid naman si Reeze at nanunuod.

"1 2 3 go!"

Pagkasabi ng announcer ay dali-dali kong pinaharurot ang motor ko.Napangiti ako ng ako ang nangunguna sa labanan.Bale lima kaming naglalaban.

Pinatagilid ko ang sarili ko ng muntikan na akong banggain ng kalaban ko.Aba't hinahamon ata ako ng damulag na to ah.

"Ho'y damulag.Wag kang maduga!"nanggagalaiti kong sabi sakanya.Tiningnan naman ako neto ng masama na para bang di nya nagustuhan ang pagtawag ko sakanya.

Patuloy pa din ang labanan.Ang pangatlo kong kalaban ang nanguguna sa ngayon.Kong di ba naman ako binangga ng damulag na yun,edi sana ako nanguguna.Bwiset.

Mas lalo kong pinaharurot ang motor ko.Ramdam ko ang lamig na bumabalot sa katawan ko gawa ng hangin.

"Kaya mo to.Malapit ka na"bulog ko sa sarili ko.Mas lalo kong binilisan ang takbo ng motorsiklo ko.

□□□□□□

Pigil hininga kong hinubad ang helmet na suot ko.


"Yeyyy bespren ang galing mo dun ah!Akalain mo natalo mo sila.Ako nga kanina eh.Hirap na hirap talunin ang mga yun!"


"Ako pa ba?Wala yata tong pinapalyahang labanan"


"Bespren!ang hangin na nga.Mas lalo mo pang pinapahangin"

Inirapan ko na lang sya.At pumasok sa loob ng tent para sa mga kalahok.Kinuha ko ang bag ko at isinuksok ko sa wallet ko ang napanalunan kong 10'000 pesos.

Isinukbit ko ang bag sa likuran ko at hinawi ang kurtina ng tent.Paglabas ko nasa gilid ng poste si Reeze at hinihintay ako.Naka limang hakbang pa lang ako ng may marahas na humablot ng balikat ko.

"Lakas din naman ng loob mo noh!"kunot noo ko syang tiningnan.Ah!heto yong damulag na nangdaya sakin kanina.

Nginisian ko sya ng nakaka-aasar.

"Bakit napipikon ka?....Dahil ba sa ..natalo kita?"hinawakan nya ang balikat ko at idiniin ito.Napangiwi ako dahil sa higpit ng pagkakahawak nya.


"Ako ang dapat na nanalo bubwit!..Kong akala mo palalampasin ko yun,pwes nagkakamali ka!"halos ipikit ko na ang mata ko dahil sa laway nya na tumatalsik sa pagmumukha ko.

"Wag mo kong hahawakan damulag"iwinaksi ko ang kamay nya sa pagkakahawak sa balikat ko.


"At pwede ba bago ka magalit dahil sa kadahilanang natalo kita pwes di ko na kasalanan kong mas..magaling ako sayo"akmang susugod nanaman sya ng marahas kong nahawakan ang hintuturo nya sa kamay at pinilipit ito.Kahit babae ako pumapatol pa din naman ako sa matataba noh.

"Wag ka ding lalapit sakin damulag..Natatakot ako sayo"

"Ganun nga!matakot ka bubwit!dahil lahat ng tao dito..takot sakin"

"Psh.Natatakot ako dahil sa mabaho mong hininga.Pwede ba damulag,kong may oras ka magsipilyo ka ha!Amoy poso negro na kasi yang bonganga mo"ngumiti ako sakanya at tumalikod na.Inuobos nya lang ang pasensya ko.

"Bat ang tagal mo?kanina pa nangangalay tong paa ko oh"


"Wala..tara na,pagod na din ako"


Pagdating ko sa bahay linock ko ang mga pinto.At tumungo na sa kwarto ko.Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama.

Di na ako nag atubili na magbihis dahil sa matinding pagod.

Ipipikit ko na sana ang mata ko ng biglang may tumawag sa cellphone ko.Di ko na tiningnan kong sino man ang tumawag at sinagot ito.

"Hello!"

"Baby Tilapia galit ka na naman?"napairap na lang ako

"Ate ano ba?!bat ka ba tumatawag?Natutulog na yong tao eh"inis kong sabi sakanya.

"Oo na..Di ako makakauwi ngayon..May tinatapos ako sa faculty.Ikaw na muna bahala dyan ah!i lock mo ang pinto"

"Ate tapos na okay!na lock ko na"

"Mabuti naman kong ganun!"inilayo ko ang cellphone sa tenga ko.Ang lakas ng boses,akala mo bingi ang kausap.

"Pwede ba ate hinaan mo ang boses mo.Ang sakit sa tenga!"

"Bakit ikaw ang lakas din naman ng boses mo ha!pinagsabihan ba kita?"aba't pinilosopo pa ko ah.

"Sige na bye"

"Teka la-"inend ko na ang call.Pagod na ako at gusto ko na lang na matulog.Ipinatong ko ang cellphone ko sa study table ko at tumalakbong ng kumot.

Ipipikit ko na naman sana ang mata ko ng may tumawag na naman.

Padabog kong kinuha ang cellphone ko.Nang-aasar nanaman yun si Ate at di na nakakatuwa.

"Hello ate ano naman ba.Natutulog na yong tao!isto-"di ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may sumagot sa kabilang linya.

"Ang galing mo kanina..Congrats nga pala"kumunot ang noo ko.Teka boses lalaki sya.

"Sino ka?"

"Di naman na mahalaga kong sino ako..again congrats kanina"ibinaba nya ang tawag.Aba't bastos ah.

Pero di ko alam kong bat biglang bumilis ang tibok ng puso ko.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

With A Smile (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon