Chapter 5: First Encounter

398 215 131
                                    

MIA'S POINT OF VIEW

Narito ako sa harapan ng isang ospital. Malapit ng matapos ang visitation hours. Agad akong pumasok sa loob nun as a nurse bilang pandisguise ko. Pinakita ko sa guwardiya ang aking ID at agarang pinapasok ako dun. Napakatanga man lang, hindi ba siya familiar sa mga empleyado dito sa ospital? Well anyways ang importante eh nakapasok na ko.





Kailangan kong matapos agad ito kase magagabi na rin at gusto ko munang makapagpahinga. Hinanap ko kung saan banda ang clinic niya sa loob ospital. Hindi ko alam kung ano ang magiging kahihinatnan nito pero kailangan kong dalhin ang laban sa labas ng ospital. Nasa kondisyon na rin naman ako ngayon. Hindi ako pwedeng magpatalo sa isang isinumpa ni Lord.





"Dra. Edelweiss S. Montemayor, oh isa ka pa lang surgeon ah. I wonder..." baka wala siya at may operasyon siya ngayon. Piste, wala nga.




"Hey."




"Anak ng tinapang may kulangot sa pwet!" piste talagang kabute 'to! Aatakihin ako sa puso eh!





"Anak ng tokwa naman oo GA! Bakit mahilig kayong mangulat?! Nenerbyusin ako sayo at hahighblarin eh!" asik ko sa kanya. Next time, mas tatalasan ko na talaga ang pakiramdam ko. Babanatan ko talaga ng wala sa oras. Aba may gana pa talaga siyang tumawa sakin? Nababaliw na yata.





"Yung mukha mo kase, nakakatawa. Hahaha! Para kang nakakita ng multo!" hinawakan pa niya ang kanyang tyan. Napansin ko naka pangnurse siya ngayon. What so ibig sabihin nakikita siya ng mga tao?





"Yep. Wala lang, bakit? Ang pogi ko diba? Napapalingon sila sa kagwapuhan ko. Hahaha!" napakahangin din naman pala.





"Alam mo, kung wala kang maitutulong sakin ngayon para mapadali 'tong gagawin ko, umuwi ka na kay Lord, audience ka lang naman eh. Wala kang kwenta bwiset ka." Inirapan ko na lang siya at agad na umalis sa clinic. Hahanapin ko pa ang operating room na yun. Arrrgh!





"Kaya nga diba nagdisguise din ako bilang isang taong nurse para paganahin ang charms ko. For how many years, ngayon lang ulit ako nagpakita sa mga people. Hello, this ospital is so big for you and for sure mainipin ka pa naman, I know you girl, baka magwala ka pa dito." nauna siyang lumakad papunta sa nurses' station. Aba for the first time tutulungan niya ako? Really?





"Fourth floor, sa left wing side ng building sa pinakadulo nandun siya. Malapit na rin matapos ang ginagawa niyang operasyon. Tamang tama, walang katao tao dun sa taas." Napabuga na lang ako ng hangin, I guess this is it. Hinawakan niya ang aking kamay kaya napalingon ako.





"Just be careful. I don't want to see you hurt." He was concern. I can see it in his eyes. Napaiwas na lang ako ng tingin at kumaway patalikod. Kinausap ko siya sa aking isipan.



Her Secret Identity (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon