"Hooyyyyyy"malakas kong sigaw kaya napatigil sila sa pagsisigawan.Tumingin silang lahat samin.Mga dipungal !nakuha pang magsabong dito sa loob ng classroom.San nila nakuha yung mga manok nila?
"Anong lamang? Puti ba o Pula?"tumingin naman sila ng nagtataka saamin.
"Huh?"saad ni Jake.
"Diba nagsasabong kayo? Ang sabi ko ano na ang lamang puti ba o pula?"Lalong silang nagtaka sa sinabi ni Gin.
"Hinde kami nagsasabong."nagtaka kami at napatingin kay Gin.
"Aysus,nag aabutan pa nga kayo ng pera"Saad ni Gin na nakapagpatawa kay Jake.
"Pumupusta kami"Saan naman?Kung hindi sa sabong ehh saan?Lumapit kami sa kanila at tiningnan kong anong pinagkakaguluhan nila.Nagulat kami ng makita namin ang isang babae na sakal sakal ang isa pa naming kaklase.
"Babae?"takang tanong nila Vince.
"Hoyy! Anong babae!Anong ginagawa mo dito?!"sigaw ko dun sa babae pero hindi niy padin binibitiwan si Luki.
Lumapit ako at kinapitan siya sa braso.Medyo nagulat naman siya at tumingin saken bago tumingin sa braso niya na hawak ko.
Napatingin din ako un at nagulat ng may sugat ito at dumudugo kaya binitawan ko ang braso niya.
"Bitiwan mo siya"utos ko sa kanya.Pero hindi pa din siya nagpatinag.
"Bitiwan mo sabi siyaa!"sigaw ko sa kanya kase mukhang nahihirapan ng huminga si Luki.Pero parang wala siyang naririnig.
Hinde ko na napigilan ang sarili ko at hinablot siya kaya napabitiw siya sa pagsakal kay Luki at natumba sa sahig.Napalakas ang paghablot ko sa kanya kaya mapapatumba talga siya.
"Hiro!"sigaw ni Vince at lumapit dun sa babae para tulungan siyang tumayo.Pero hindi ito nagpatulong.
"Anong nangyayare dito?"tanong ko sa kanilang dalawa.
"Yang kaseng babaeng yan sinuntok ako "pagtuturo niya dun sa babae pero hindi man lang ito umimik.
"Ikaw babae bakit mo siya sinuntok?"tanong ko sa babae.Tumingin siya saken ,at sa mga mata ko pa talaga.
"Gusto ko."maikli niyang saad kaya kumunot ang noo ko.
"Cool"bulong ni Gin.
"Hinde ka dapat nanununtok ng kung sino sino ,kahit pa gusto mo lang!"sigaw ko sa kanya.
"Sino ba siya?"tanong niya saken.
"Ano?!"balik na tanong ko din.Napakunot naman ang noo niya dahil don.
"Bingi ka din ba katulad niya?"sabay turo kay Luki.Nagtawanan naman ang buong section dahil dun.
"Pft! Hahahahah.Ang astig niya"hanga naman tong si Gin.Ehhh hindi naman astig yan.
"Ang sabi ko sino ba siya?Diba sinabi mo na hindi dapat ako manuntok ng kahit na sino sino? So sino ba siya? Para kilala ko na siya at hindi ko na masuntok."mahabang paliwanag niya.Kaya naman nagtawanan na naman ang buong section.Pinapainit ang ulo ko netong babaeng to.
"Hahahahaha talo ka Hiro"bulong ni Rae saken.Tinabig ko naman ang mukha niya sa sobrang inis.
"Ang yabang mo ahh!"sigaw ko sa kanya.Pero ngumiti lang siya.At aktong aalis.Ng pigilan ko siya.
"Hoy! Bakit aalis kana agad ? Hinde pa tayo tapos! "malakas na sigaw ko sa kanya.Napatigil naman siya at takang tumingin saken.
"Bat ako aalis?"Nagsisi ako na pinigilan ko pa siya .Badtrip tong babaeng to.
"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya.
"San? Sa room na to o sa school na to?"apaka pilosopo .Tangina,kundi lang to babae.
"Dito sa room ,anong ginagawa mo dito? Room to ng mga lalaki at bawal dito ang babae."paliwanag ko.
"Ahh talaga?room to ng mga lalaki bat may babae? "tinuro niya ang sarili niya kaya medyo nagtaka ako.
"Bawal ba dito babae? Bat nandito ako?So? Hinde bawal."Nakangiti pa at tila nang aasar.Iniinis talaga ako netong babaeng to.
"Gago kaba?"naiinis na tanong ko sa kanya.Lumapad ang ngiti niya.
"Matagal na akong gago"medyo nagulat ako dun pero hindi ko pinahalata.Nagtaka ako ng umupo siya sa bakanteng upuan.Pati na rin ang ibang kaklase namin saka yung mga kaibigan ko.
Makikipaglandian pa ata tong babae na to sa mga lalaki dito.Napakalandi niya.Bawal talga dito ang mga babae dahil common sense naman puro mga lalaki kami rito.
"Hoyy! Babae! Umalis ka dito"nagtaka nman siya dahil sa pagpapaalis ko.
"Bakit ako aalis?"tanong niya.
"Diba obvious?Puro lalaki kami rito at bawal ka dito."naiinis ko pa ring saad sa kanya.Pero hindi man lang siya tumayo sa kanyang kinauupuan.
"Ehh ano kung lalaki kayo,babae naman ako ahh"putangina! Gagong babae.Natawanan muli ang mga kaklase namin at napapahiya na ako.
Magsasalita na sana ako ng biglang dumating ang aming guro.Kaya umupo na lang ako sa aking upuan.Hinde ba makaintindi tong babaeng to.
YOU ARE READING
Make You Mine
RandomMag isang babaeng nagngangalang Yukihime Kaori Fujimaya.Tanging siya lang ang nakatira sa kanilang bahay.Ginawa niya ang lahat para siya ay mabuhay.Sa kabila ng kanyang kalungkutan ay may mga taong anjan parin para sa kanya.She's a gangster princess...