Kabanata 3

17 4 0
                                    

Kabanata 3

Dumaan ang sabado at pumasok ako sa aking trabaho bilang waitress sa isang resto.

Malapit lang ito sa mismong apartment na tinutuluyan ko dahil nasa mismong syudad ako nakatira. Hindi ko lang magamit ang bike ko sa ngayon dahil sa patuloy na pag ulan ng yelo at ang mga bus at sasakyan ay nahihirapan din dumaan kaya naman naglakad ako pagpasok.

Bumukas ang double doors ng resto at agad kong sinalubong ng ngiti ang dalwang mag asawang medyo may edad na. Magkahawak sila ng kamay at inaalalayan ng matandang lalaki ang kasama niya.

I can't help but be amaze by their relationship. With truest feelings that never fades through time.

"Welcome, Ma'am and Sir." I showed my sweetest smile and bowed in front of them for courtesy. "Table for two?"

Tumango ang matandang lalaki at iginaya ko naman sila bakanteng upuan sa may gilid ng glass window.

Dahil sa weekends at winter ay marami kaming naging customer kaya naging busy rin kaming lahat na mga staff.

Ngunit kahit ganoon ay naeenjoy namin ang trabaho namin at nakakapagsilbi kami sa mga tao.

When my shift was done, chineck ko ang phone ko para tumingin sa oras. Saktong alas otso na ng gabi.

May text messages rin na naiwan doon mula kay Eito at Ari na hindi ko binuksan. Simula nang insidenteng iyon sa clinic nung isang araw ay hindi na nila ako tinigilan sa pang aasar kay Kamiyama.

Always told them that it was nothing pero hindi sila naniniwala sa akin.

Well, choice na nila yun. It's up to them kung ano gusto nila isipin.

"Thanks for your harwork." Nagpaalam na ako sa mga kapwa ko workers sa resto. Mag OOT ang iba at sasamantalahin ang pagkakataon na maraming customers. At ang iba ding mga part timer student ay tumanggi muna kagaya ko.

"See you tomorrow, Cheri!" Kumaway ako kay Keyana bago lumisan sa resto.

Nagsimula na ako maglakad at tinahak ang mayelo na daan.

Naipaliwanag ko na sa manager ko na hindi ako makakapag overtime dahil next week na ang pre finals namin at kailangan ko mag aral.

Pumayag naman siya at ginoodluck ako sa mga exams ko.

Mag aalas nuwebe na nang makauwi ako sa apartment ko. Nanginginig ako sa lamig kahit makapal na ang jacket ko at kada paghinga ko ay nagprproduce ito ng usok.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng apartment ko nag mapansin ang isang kape na nasa paper cup at box ng pagkain sa sahig. Nakabalot iyon sa plastic. Muntik ko pa masipa dahil sa madilim.

Nakalimutan ata ng may tagapagbantay na buksan ng ang ilaw sa hallway. At dahil nasa dulo ako ay mas madalim ang pwesto ko.

Nang damputin ko ang kape ay mainit pa iyon at mukhang kabibili lang.

Luminga linga ako sa paligid kasi baka namali lang ng lagay ang taong naglagay dito. Pero wala akong nakitang tao.

Sakto namang kumalam ang sikmura ko sa gutom. Hindi pa nga pala ako kumakain.

Binuksan ko ang pintuan ng apartment ko at hinubad ang sapatos ko at inilagay ito sa sa shoe rack. Dinampot ko na ang mga pagkain na nakalagay sa sahig.

Kung sino man nag iwan na ito dito, maraming salamat! Pagpipray ko ang kabaitan mo!

Papasok na sana ako nang makarinig ako ng kalabog sa tabing pinto ng apartment ko. Ang pintuan ay bahagyang nakabukas, bukas ang ilaw at may sapatos pa ito na nakaiwan sa labas ng pinto. Mukhang kapapasok lang rin ng may ari.

When The Cherry Blossoms Bloom (Seasons Trilogy #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon