Kabanata 5

18 3 0
                                    

Kabanata 5

Lunes ay maaga natapos ang klase namin dahil sa maagang pagdidismissed ng mga guro. Kaya ang uwian na alas sinco ay na adjust ng alas tres.

"First day ang Gen-Math at English Lit. " Ani Eito at dinistribute sa amin ang printed schedule ng exam kasama ang mga handouts sa iba't ibang subjects. Kumpleto na ako sa mga handouts kaya naman si Arianne lang ang binigyan niya.

"Thank you." Kinuha ko ang schedule ng exam at ipinatong iyon sa table ng kwarto ni Arianne na siyang pagrereviewhan namin.

Now, what subject will I teach them first?

"Eito, pataasan tayo sa exam!"

"Pababaan ata iniika mo?"

"You're impossible! I'm sure and confident na matataasan na kita ngayon. Thanks sa notes ni Ari. Medyo nagegets ko na ang Math!"

"Nasabi mo na yan dati pero nataasan pa kita."

"One point lang naman!"

"Talo ka pa rin."

Nareview ko na ang saved picture ng schedule kagabi bago ako matulog at hindi naman pala namin kailangan mag overnight dahil this time, sa umaga kami naka schedule at marami kaming bakanteng oras sa hapon.

Kaya naman kaninang umaga, nagmeeting agad kaming tatlo at ipinaliwanag ko sa kanila na after exam kada araw simula tuesday, ay irereview namin ang pang kinabukasan na exam para hindi sila maguluhan kapag sabay sabay ang subject na nireview.

Pumayag naman sila kaya naman after kami madismissed ng maaga ay dumiretso na agad kaming tatlo sa bahay nila Arianne.

Walang tao sa bahay nila nang makarating kami. Ang panganay na kapatid niya ay nag out of town kasama ang mga ka workmates neto at mga magulang naman niya ay parehong nasa trabaho. Yon ang sabi niya kanina.

Nagkakasama lang sila tuwing hapunan at umagahan.

"Let's start." Tumikhim ako dahil napansin ko na panay ang kain nila ng chips at mukhang nawalan na ng balak mag aral.

Uunahin ko na ang Gen-Math dahil doon sila nahihirapan.

Arianne pouted and put down her chips. Si Eito naman ay kumuha pa ng last chip at ipinasok sa bibig.

Binuklat ko na lamang ang handout at sinimulan ang pagtuturo sa kanila ng mga nilesson sa pinakamadaling paraan.

"Ang dami!" Reklamo ni Ari nang maibigay ko sa kanila ang papel na may mga problems. Fifty items ang mga iyon at sinigurado ako na wala akong kinaligtaan
na topics.

Geometry, Statistics and Introduction of Algebra ang cover ng exam sa final term. Kahit ang mga ito ay ngayon lang nila nalaman dahil nga lagi silang tulog sa klase.

"Seryoso naman yung isang 'to. Kala mo talaga.." Baling naman niya kay Eito na tahimik nga naman ay nagcoconcentrate sa pagsasagot.

"Will you shut up? Nangongopya ka lang ata, e."

"Aba't--"

"Guys, mamaya na kayo mag-away."

Pagktapos nila magsagot ay hinayaan ko sila magreview sa English Lit. Unlike math, wala itong mga problems and stuff kaya nagbasa na lang sila. Ginaya nila ang mga ini highlight kong mga importanteng detalye mula handout ko at ginaya nila yon sa kanila para mas mapadali ang pagrereview nila.

Habang chinecheckan ko naman ang mga papel nila ay tumunog ang phone ko dahil sa tawag. Nag eccho ito sa room at nagvavibrate naman sa wooden floor.

Hindi ko na kailangan mag isip.

Kilala ko na agad kung sino iyon. Wala namang ibang tatawag sa akin kundi si Ari, Eito at ang kapitbahay kong si Kamiyama.

When The Cherry Blossoms Bloom (Seasons Trilogy #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon