Ang unang pagkikita

0 0 0
                                    


Mam Aica andito na po tayo

Napabalikwas ako sa kinauupuan ko sa loob ng taxi ni Tatay Tony. Bumaba ako ng taxi at pinag masdan ang bahay na bumungad sakin.

Tatlong unit yung paupahan, maganda yung lugar at maliwalas yung paligid.

Halika mam Aica tignan mo yung bakanteng paupahan.

Sumunod ako kay Tatay Tony. May maliit na garahe at sa second floor yung bakanteng paupahan.

Mam Aica sya nga pala si Nanay Lita ang asawa ko...

Magandang araw po Nanay Lita..

Bati ko sa mukhang mabait at masayahing matanda.

Magandang araw din sayo iha. Ikaw pala yung sinasabi sakin ni Tony na naghahanap ng bahay. Halika iha tignan mo baka magustuhan mo...

Umakyat kami sa marmol na hagdan papuntang 2nd floor. Na gandahan agad ako sa desenyo sa labas ng studio type na unit my maganda kasi itong terrace na sakto para sakin.

Pagbukas ni Nanay Lita ng pinta, bumungad sakin ang maganda kulay ng loob ng bahay at tails na sahig. My maliit na sala at kusina,maliit na banyo at magandang kwarto, pwedeng pwede na toh sakin.

Iha maiwan muna kita saglit libutin mo lang tong bahay andyan lang ako sa kabilang bahay ipaghahanda lang saglit kita ng meryenda.

Ahh sige po Nanay Lita.

Pag baba ni nanay nag ikot ako sa loob. Palabas na sana ako ng may mapansin akong pinto sa bandang kusina, sa tingin ko parang laundry area yun dahil may sapayan at terrace din. Napalakas ang bukas ko ng screen door at nagulat ako sa sigaw ng isang lalaki.

Aarrayyy...

0.0

Napalabas ako ng laundry area sapagkagulat at tumambad sakin ang isang maputing lalaking puro tattoo
sa katawan.

Sorry sorry hindi ko sinasadya..

Humarap sya sakin at ngumiti...

Ikaw... : )

Ako... anung ako? :/

Ikaw yung babae sa airport...

Sa sinabi nyang iyon bigla akong napaisip.

Anu bang nangyari nung nasa airport ako?

May nagawa ba akong kasalanan sa sobrang pagkatuliro ko sa buhay?

o baka

Nakalimutan kong magbayad sa duty free?

nahihiwagaan ako sa lalake g toh

Finding Mr.LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon