Silly stupid look

2 0 0
                                    

Anu sa tingin mo iha..
ok na ba sayo yung bahay?

Tanong ni Tatay Tony sakin. Kasalukuyang nasa bahay nila kami at nag memeryenda. Sasagot na sana ako nang biglang pumasok yung lalaking nakita ko sa taas.

Nakangiti sya habang papalapit samin para saluhan kami sa meryendang hinanda ng mag asawa. Umupo sya sa tapat ko at nakangiting nakatitig sakin.

Tinignan ko ng walang emosyon sa mukha..

Ngumisi lang sya at nagbawi ng tingin.

Ayy mam Aica sya nga pala Justine ang apo namin.

Sabi ni Tatay Tony

Nakilala ko na ho sya kanina.. Napalakas po kasi yung pagbukas ko ng pinto sa laundry area at natamaan sya.. Sorry nga pla ulit.

Sabi ko ng nakatingin kay Justine.

Ahemmm
hindi mo ba tatanungin kung bakit kilala kita? miss....

Miss Aica.. Aica ang pangalan ko..

pagdugtong ko sa gusto nyang sabihin

Aba magkakilala na pala kayo ni Mam Aica?

Takang taka yung dalawang matanda. Kahit ako gusto ko rin magtaka kung panu nya ako nakilala..

Miss Aica alam mo bang nangalay ang balikat ko ng apat na oras sa pagtulog mo?

pilitkong inaalala yung sinasabi ni Justine

Tapos pagkagising mo ni hindi ka manlang nagpathank you sakin, buti na lang talaga ang cute mong matulog. Sa sobrang cute mo pinagkakamalan tuloi tayong mag jowa hahaha..

Naalala ko bigla na nakatulog pala ako sa flight habang papuntang pinas..

Sorry sobrang pagod kasi ako nun hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa balikat mo....

Heheehee ok lang pero kailangan mo kong ilibre..

Ilibre bakit para sa pagtulog ko sa balikat mo?

Hindi..
Para sa pag agaw mo ng ice coffee ko sa airport...

Nagtataka ako sa mga sinasabi nya..
Sobrang lutang ba talaga ako para hindi ko maalala ang lahat.

Nagtataka at natutulala naman yung dalawang matanda samin ni Justine..

Pero..
Ice coffee ko yun bakit naman ako kukuha ng ice coffee ng iba..

Natatawa sya habang nakatingin sakin.

Bago ka umupo sa tabi ko naitapon mo na sa basurahan yung ice coffee mo..
Panung naging sayo yung ice coffee ko.. Ang galing nga ehh nung kukuhanin mo na yung baggage mo kinuha mo din yung ice coffee ko.. Buti na lang cute ka kaya hinayaan n lang kita.

Sobrang namula ako sa mga sinabi nya.. Grabe ang dami palang nangyari habang pauwi ako ng pinas. Ang hirap palang magbyahe ng problemado ka.

sisisige ilibre kita ng ice coffee ipapadala ko kay Tatay Tony bukas.

sabi ko sa sobrang hiya ko..

Ngumiti lang sya sakin.

Ilang oras din ako nag tagal sa kanila at nagpasyahan ko na kunin na yung paupahan nila. Tutal mura lang naman yung bahay at maganda pa.

Pagtapos ng pag uusap nag paalam n rin ako para umuwi.

Kailangan ko magpahinga para naman mawala sa isip ko yung mga katangahan na ginawa ko..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding Mr.LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon