Kabanata 1

15 1 1
                                    

"Toni" tawag ni manang sa labas ng aking pintuan

"Toni ano ba mahuhuli ka na sa pamisa ng iyong ama ikaw nalang ang iniintay nila para makapagsimula"

"Antonia Savannah Montemayor, hindi ka ba babangon dyan ipapasira ko kay berting itong pintuan ng kwarto mo kung di ka babangon dyan.

Ayokong ayoko tinatawag sa buong pangalan ko eh.

Paulit ulit ang katok ni manang sa aking pintuan halos hindi na nga katok yon parang dabog na. Ngunit naalimpungatan ako ng maalala ang isang bagay.

"Shit"

Ngayon nga pala ang pamisa ni daddy para sa pagbubukas ng bagong building sa eskwelahang pagmamayari namin.

"Gising na ako manang wag mo na pong kalampagin ang pinto."

"Bilisan mo, at tayo nalang ang iniintay nila bumababa ka na agad ha ipapahanda ko na kay berting ang sasakyan."

"Daming sinasabi." pabulong kong sinabi ng papasok ako sa walk in closet kompara kumuha ng isusuot na damit at ang napili ko ay isang floral dress na cream at cream colored stilletos ko.

Nakatapos na ako sa pagpaligo at magaayos na ako ng mukha ko. I've been doing this for a long time since high school palang ay tinuruan na ako ni mommy kung paano ayusin ang sarili kung sakaling may mga ganitong event inilugay ko ang buhok ko na kulot sa dulo at umaalon pagkatpos ay naglagay ako ng light color eye shadow at liptint.

"Okay, I'm done lets go manang." Sabi ko habang binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at aambang lalabas na ngunit narinig kong tumunog ang aking telepono na naiwan ko sa may lampshade sa tabi ng kama ko.

Nakita kong si mommy ang tumatawag. Agad kong sinagot ito.

"Antoni-"

Di ko na pinatapos si mommy ay sumagot na agad ako.

"Andyan na po mom" sagot ko habang pababa sa hagdan.

"Bilisan mo at magsisimula na ang misa mabuti at wala pa sila gov at ang ibang panauhin para sa opening andito kami ng daddy at kapatid mo sa unahan." tuloy tuloy na salita ni mommy.

Ayoko talagang pumunta doon dahil mabobored lang ako mas gugustuhin ko nalang na magbasa ng libro dito sa bahay kesa pumunta doon pero kailangan dahil nakakahiya naman kung hindi sisipot ang papamanahan ng eskwelahan.

"Okay po" maikli kong sagot.

Nang nakita ako nila manang na nasa sala na ay inalok muna nya ako ng pagkain ngunit tumanggi ako.

"Paguwe na manang tinawagan na ako ni mommy at pinapapunta na doon." sabi ko habang inaantay si manang na galing sa kusina.

"tara na po manong berting inaantay na po tayo nila mommy doon" sabi ko kay kuya berting habang binubuksan ang pinto ng sasakyan.

"Tara na lucille malelate na tayo sa seremonya" si manang ang tinutukoy nya.

Lumabas na si manang lucille at sumakay sa unahan ng sasakyan katabi ni kuya berting matagal na silang katulong dito sa bahay actually hindi na katulong ang tingin namin sa kanila kundi pamilya na rin dito sila sa bahay nagbabagong taon at pasko kaya malapit na din sila sa amin.

Nang nakarating sa eskwelahan ay sinalubong ako ni Zach dahil natanaw na nya ang aming sasakyan.

"You're late again, napupuyat ka sa kakabasa mo ng libro" sabi ng kapatid ko.

"That's the only thing that can give me peace" sabi ko sa kapatid ko.

Ipinagkibit balimit nya lang iyon.

MISSED UNKNOWNWhere stories live. Discover now