11

32 2 0
                                    

"Juice pa po?" umiling ako at tahimik na tinuloy ang pagkain.

Walang tao sa mansiyon pagkarating ko. Dahil nasa America si Mommy ay tanging pamilya lang ni kuya Galvin, mga kasambahay at bantay ang naiwan sa mansiyon. Ngunit wala ngayon.

Umalis ang asawa ni kuya Gavin kasama ang dalawang anak. Plano ko sanang hintayin si kuya kaso alasingko na ay wala pa rin. Alam ko'y maaga ito umuwe tuwing huwebes.

Ang plano pagkonsulta sa kapatid ay mukang maantala. Gustuhin ko mang bumalik rito sa mga susunod na araw ay alam kong ikasisira lang ng mood ko at ng taong narito.

Minabuting bisitahin muna ang dating kwarto at kumuha ng gamit para ilagay sa condo. Hindi sapat ang gamit na naiuwe ko dahil biglaan. Ayaw ko namang bumili dahil alam kong 'di ko yun madadala pabalik at marami pa akong gamit na hindi pa nagagamit.

King size bed, the big mirror on the side, the walk in closet. Hindi ko na sinilip ang malaki kong comfort room na may malaking bathub.

Nahiga ako habang hinahayaan ang kasambay na magimpake sa isang malaking maleta ng mga damit ko.

Nagbuntomg hininga ako. Hindi man lang ako nakaramdam nang pangungulila sa kwarto ko kahit pa halos buong buhay ko'y dito ako namalagi.

Sumunod saakin pababa ang kasambahay nang lumabas na ako dahil tapos na sila. Natigilan ako sa pagbaba ng hagdan nang makita ang magiina.

"Tita Lei!" sigaw ni Shikaina, ang bunsong anak ni kuya.

Sinalubong ako nito nang yakap kaya lumuhod ako at niyakap pabalik. Naramdaman ko naman ang patak nang halik sa pisngi na gawa ni Louie.

"Don't grow up too fast, Louie." nakangusong sabi ko na inilingan lang bata. Ang galaw at tindig nito ay katulad ni kuya.

"Tita Lei, let's play!"

"Shikaina, maglinis ka na muna ng katawan." sabi ni Maricar, asawa ni kuya.

Ngumiti ako bata at tinanguan 'to. Umiling naman siya,"Aalis ka na, eh!"

"Bawi si Tita. I have things to do."

"I want to play and dress up with you!" maktol nito.

"We will. Babalik ang tita, okay?" nakangiti kong sabi saka kiniliti. Tumatawa 'tong tumango at umalis na.

Napaayos na ako nang tayo nang umalis na ang mga bata.

"Si kuya?"

"Over time." walang emosiyong sagot nito.

"Kung babanggitin mo ang pagdalaw ko sabihin mo, tatawagan ko na lang siya."

"Tawagan mo dahil 'di ko babanggitin."

Hindi ko na 'to pinansin at dumiretso na papuntang pinto. Pinagbuksan ako ng isang guard habang ipinapasok sa likod ng sasakyan ang maleta ko.

"Pakilagay na lang sa condo at pakibaba ako sa Naxos." sabi ko pagkaupong-pagkaupo ko sa loob ng sasakyan.

Tahimik lang ako habang naglalakbay ang isipan.

Dumaan na ang ilang taon pero hindi man lang nabawasan ang galit saakin ni Maricar. Hindi ko siya masisi. Ako ang pinakatulay para matuloy ang kasal nilang dalawa ni kuya.

Kuya is inlove with her right from the start. I bet before she knew about his existence. Maricar had a boyfriend and serious about their relationship.

When both of the families decided to pair them, Maricar wasn't please. Ang araw na sinabing nakatakdang ikasal sila ay ang araw na dapat sasabihin niyang may boyfriend na siya.

Claiming MisfitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon