12

29 2 1
                                    

"Where are you?"

"Napakademanding naman ng tanong mo. Sa condo pa pero papunta akong Nirvana. Birthday ng isa kong kakilala."

"Let me gate crush." sabi ko at hinawi ang buhok sa balikat.

Iritado ako ngayon sa loob ng sasakyan dahil kay Dion. Si Dion lang naman nakakapagpairita saakin ngayon.

Matapos kasi nitong sumama sa mga kapitbahay niyang nagtawag at makalipas ng dalawangpung minuto ay may pumuntang babae.

"Tao po? Hello?"

Natigilan ako sa pagiikot sa munting bahay ni Dion nang marinig ang tawag.

Narinig ko ang tunog ng gate at bago pa ako makarating sa screen door ay may nagbukas na noon at sumilip ang isang babae na may magigsing buhok.

Pinagmasdan ako nito mula ulo hangang paa.

"Yes?" tanong ko.

"A-ahh.. Ikaw 'yong bisita ni Dion? Ikaw lang ba?" sabi nito habang tinitignan pa rin ako. Hindi ko alam kung pagkamangha o panghuhusga ang nasa mga mata.

"Ako lang. Nasaan na ba siya?"

Umayos na 'to nang tayo at kumapit sa screen door saka ngumisi saakin.

"Naroon siya kala Kagawad Jun at nageenjoy na kasama nila Jennilyn."

Tinutukoy siguro 'yong babaeng nagtatawag kanina. Hindi niya kasi kaboses yung kanina kaya sigurado akong hindi siya 'yon.

"Matatagalan pa ba?"

"Siyempre. Nagkakasiyahan na, e."

Lumapit ako sa mesa at kumuha ng ubas saka kinalahatian nang kagat.

"Nandito ako para sabihing umuwi ka na raw."

Nahinto ako sa pagnguya at napatingin sa babae. Come again?

"Busy na kasi siya roon kaya umalis ka na daw. Wag mong kalimutan isara ang pinto." ngiting sabi nitong halata namang plastic.

Mabilis kong dinampot ang cellphone at tinawagan si Hernan.

"Farah?" sagot ng kabilang linya.

"Trace my location, Hernan. Sunduin ako rito." sabi ko saka binaba ang tawag. Nakataas naman ang kilay noong babae.

Sinasagad at sinusubok talaga ni Dion ang pasensiya ko.

Tumango-tango ako."Talaga? Sinabi niya 'yon?"

"Oo nga. Kaya umalis ka na."

"Oh? Sinabi mo lang o ni Jennilyn?"

Nanlaki ang mata nito at agad hindi nakabawi. Tss, Liar.

"Nasaan si Dion?" ulit ko.

"Wala nga! Busy. Umuwi ka na dahil nagiinuman na sila." asik nito at handa nang umalis.

"Sige. Aalis na ako." sabi ko kaya napatingin 'to saakin ulit.

"Sabihin mo rin sa kanya na nagbago na ang isip ko." saka kumuha ulit ng ubas at kumagat ng kalahati. Hindi naman kumibo ang babae at naghihintay lang ng kasunod kong sasabihin.

"Next time na lang ako makikipag sex sakanya."

Literal na bumagsak ang panga ng babae dahil sa narinig.

"A-ano? S-sino ka ba?"

"Sabi mo aalis ka na?" nilapitan ko 'to at hinawakan ang screen door. Bumitaw naman 'to at napaatras dahil sa paglapit ko.

Claiming MisfitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon