"Almost perfect for Ms. Ashford!"
Napaangat ang tingin ko nang isigaw yon ng announcer. Muntik na, perfect 10 na sana sya. Hindi yata maganda ang pagtingalang ginawa ko dahil parang mas lalo lang kumabog ang dibdib ko. Kinakabahan ako nang sobra pero I need to composed myself. We exert a lot of effort for this and all I need is to keep myself motivated.
Magagaling ang mga nauna at alam kong magagaling din ang mga magtatanghal pa. Sigurado akong kung gaano kapuspusan ang training at practice namin ay ganoon o higit pa ang ginawa ng iba. Lahat kami dito ay deserving sapagkat lahat kami ay nagsikap para dito.
Kaya ko kaya to?
Para kay Achill diba? Kaya kaya mo yan Dea!
"We're now back here at Mall of Asia Arena for our 18th SEA Games Gymnastics Competition!"
Napuno muli ng palakpakan ang buong arena. Lahat sila kanya kanya ng cheer, lahat kanya-kanya ng sinusuportahan. Napakaraming tao, iba't ibang lahi pero mas lamang ang mga Pilipino. Kailangan kong doblehin pa ang pagsisikap dahil ayoko namang madissapoint ang mga manonood. Kung tutuusin ay homecourt advantage na nga ito.
Nagsunod-sunod matapos na magperform ang mga kalahok na nakapila sa harapan ko. Napatingin ako nang mariin nang mapansing sa tuwing natatapos sila ay may isang grupo sa mga manonood ang kanilang binabalingan.
Lahat sila merong grupo na uuwian anuman ang maging resulta ng competition.
"Our next performer from Philippines, Ms. Dea Amore Benitez!"
Tumayo ako nang marinig ko ang pangalan ko. Kumpiyansa naman ako sa sariling kakayanin ko ito sapagkat ilang buwan ang iginugol ko dito kasama ang team para maging maayos ang performance.
"Go Dea!"
"Queen of Triple-Double!"
"P-H-I-LIPPINES!"
Nang marinig ko ang cheer ng team mates ko ay parang biglang nadagdagan ang kabang nararamdaman ko kanina.
Nag antanda muna ako ng krus bago ihanda ang equipments katulong si coach.
"You can do it Dea! We believe in you" sabi ni coach at niyakap ako nang mahigpit. Tumango ako at huminga nang malalim.
Luminga-linga pa ako para silipin ang mukha ng mga judges. Pamilyar na ang iba dahil naging judge na din sila sa mga nauna kong competition. Ang isa ay presidente ng sports commission, naging judge din sya sa competition ko sa Vietnam ilang taon na ang nakalilipas. Ang tatlo naman, bagamat hindi ko kilala ay pamilyar na. Kung hindi hurado ay miyembro sila ng komite para sa mga atleta ng gymnastics.
Iiwas na sana ako ng tingin nang makita ko ang isang lalaking nakapormal na mariin ang titig sa akin nga ba? Lumingon ako s paligid at baka hindi naman ako ang tinitignan pero malayo sa akin ang ibang kalahok dahil ako na nga ang magpeperform. Biglang sumikip ang dibdib ko at nahirapang huminga nang makita ko ang mata niya. Mga matang dating nagpapakalma sa akin, mga matang nagbibigay kapayapaan sa pagkatao ko.
Biglang naubos ang lakas na baon ko kanina para kompetisyong ito. Nanginginig ang tuhod na tumapak ako sa mat nang senyasan ako ni coach.
Inabutan ako ng powder ng isang staff para hindi ako dumulas habang nagpeperform. Nakailang buhos na yata ako pero parang wala paring epekto tsaka ko na lamang napansin na namamasa na pala ang kamay ko sa sobrang kaba.
Huminga ako nang malalim at tsaka pumosisyon para sa performance.
Nang marinig ko ang unang beat ng music ay kasabay na noon ang sigawan ng mga kagrupo ko. Huminga pa muli ako nang malalim at itiningala ang aking ulo. Ngumiti ako sa madla at ipinosisyon ang aking mga kamay.
BINABASA MO ANG
Sweet Escape
General FictionDea Amore Benitez. A gymnast who's aiming to go to the Olympics. It is her sweet escape in her cruel world. Like gymnastics, she has her ups and downs. Travis Klein Reyes. A ruthless businessman who entered politics for his love. Acting brave and to...