PLAYER

16 2 1
                                    

/WARNING\Lame and might be boring. I'm an inexperienced writer so please bear with me. I would like to hear your thoughts and opinions guys. Please support my stories.

--Ryan's POV

I have a girlfriend... A boring girlfriend to be specific. I don't need her anymore, but maybe I could play her heart for the moment. I like playing peoples heart, not only girls but aslo to gays. As if naman magkakagusto ako sa bakla.

Currently, I'm here at the bar, kasama ko ang tropa at iilang mga babae na galing lang din sa school namin. Yes, marami akong kinakasama kahit may girlfriend ako. Boring naman kasing girlfriend si Khate, nakakairita pa. Lagi nalang, "babe date tayo" "babe shopping tayo" "Ry gala tayo". Di nya man lang iniisip kung ano ang gusto ko, tss.

I felt a vibration from my pocket. I guess someone texted me. Bago ko pa basahin yung text, hinalikan ko muna sa labi ang babaeng nakapatong sa lap ko. I don't bother knowing their names, I'm only here to play dude.

*Ma-Kha-tee*
"Good evening Ry! Asan ka? Kumain ka na ba? Kung hindi pa, kumain ka na! Pag ikaw nilipasan ng gutom, wag na wag mong sasabihing di kita sinabihang kumain! Pero kung kumain kana, very good, aKo nALaNg saNa anG KiNAin mOeee! Wahahaha djk lang naman poo! Ingat ka ah, matulog ka nang maaga, wag magpupuyat, nakakasama yun. Cge cge! Good night babe! I LOVE YOU MUAH!" Putaaaaanginaa ang OA mag text, kala niya naman mahal ko siya. I really don't like her.

Wait, gusto kong pakiligin si Makhateee. WAHAHAHA! So I replied back. "Good evening din Khate ko! Nasa bahay lang po! Opo, kumain na po ako. HAHAHA! Wag kang mag alala baby ko, I will take care of myself, ayoko namang maging panget ang magiging Daddy ng magiging anak natin. And don't worry, someday kakainin din kita!!!" like I would, tsk. Matapos non ay pinatay ko na ang phone ko at uminom na ulit ng alak.

*********

Nandito ako sa cafeteria and nakita ko siya. Not Khate but her bestfriend, Jasmine. I liked her for three years now. Kaya lang naman ako pumayag na maging girlfriend si Khate ay para mapalapit ako kay Jasmine. Jasmine will be mine, sooner or later.

"Ryan! Ano ba?!" singhal sakin ni Jasmine. Ininom ko kasi yung tubig niya and I can see Khate being jealous. Awww, inggit ka babe? I'm loving this!

"Sorry naman! Akala ko akin ka eh." sabay silang nabulunan. Success!!! Napaka marupok mo Khate! Hahaha, kailan ka kaya susuko? "Oy, I'm talking to the glass ha, not you Mine." and again, I can see Khate. Hindi sya mukhang nagseselos, pero yung expression sa mukha niya ay naging blanko.

Biglang tumayo si Khate at lumabas sa cafeteria. Eto namang si Jasmine na napakamanhid, di man lang napapansin ang feelings ko, amp. "Ano ba kasi yan Ry! Sundan mo bilis!" aggrrh! Bat kasi ang manhid mo Jasmine!

Tumakbo ako palabas ng cafeteria at hinabol si Khate. I'm supposed to be the one being chased, not the other way around! "Khate! Khate, may problema ba?" sa wakas! Naabutan ko rin! Grabe! Ambilis tumakbo ni Khate! Biruin mong opposite ways ang cafeteria at field pero ambilis niyang nakarating sa field!

I was about to touch her pero umiwas siya "Tama na Ry! Akala mo di ko napapansin?! Yung mga titig mo kay Jasmine na para bang siya ang girlfriend at hindi ako! Yung pag inom mo kanina? Kagabi! Sabi mo nasa bahay ka lang. Alam mo bang bago kita itext, pumunta ako sa bahay niyo para bigyan kayo ng chocolates na dala ni ate, pero umalis ka daw... You lied to me... Tell me, girlfriend mo ba talaga ko o nilalaro mo lang ako?" napangisi ako nang makita ko ang mga luhang pumapatak galing sa mga mata ni Khate. Ows, I succeeded! Napaiyak ko si Khate!

"Oh, pansin mo pala eh. Bat di mo nalang sinabi? And for your information, never akong magkakagusto sa mga tulad mong boring! Akala mo minahal talaga kita? No! Si Jasmine ang gusto ko at wala kanang magagawa don. I'm only here to play your heart, not to love you. Alam naman ng lahat na player ako, pero pumatol ka parin! Yan harot pa!" lalo siyang napaiyak sa panduduro ko sa kaniya. Totoo naman eh. "Truth really does hurt, huh? Since alam mo na namang pinaglalaruan lang kita, why don't we stop this stupid relationship of ours? Shall we?" tinalikuran ko na sya para umalis na pero pinigilan niya ako. Uhhh! Ano pa bang kelangan niya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon