CHAPTER-9

21 2 0
                                    

SABRINA'S POV

Pagmulat ko ng mata, nagulat ako dahil nakita ko si Nicho nakalapit yung mukha niya sa mukha ko, konti na lang didikit na yung labi niya sa labi ko .

"Hala!! Nicho?!! pano ka nakapasok dito? "Tanong ko sabay upo at umusog ako habang naka-hawak sa dibdib ko .

"Aluh!!? , makahawak ka sa suso mo kala mo naman lalamasin ko, ngek ngek mo" sagot niya sa akin ng pabiro.

"Sige na oh! hawakan mo na bilis mo, bibilang ako ng sampu!, ten, nine, eight , seven, si--" tinakpan niya yung bibig ko.

"Tumigil ka nga Sab nag hihintay na satin sila tita Lilian at tito Arman kasama sila mommy at daddy nasa roof top sila for breakfast"

"Ayy shuta ka!!, ayana mag hihilamos lang ako !!" Pumasok na ako sa C.R kailangan ko nang bilisan kasi nag-hihintay na sila tita sa taas at malay ko bang may pa breakfast si mayora.

NICHO'S POV

Pag-kagising ko ng maga kinausap agad ako ni manong para sabihin na may pa breakfast sila mommy at daddy sa roof top ng hotel with Sabrina and her family. Pumunta ako sa room nila Sabrina dahil malapit lang naman tatlong room lang naman yung pagitan . Pag dating ko sa room nila Sabrina nakita ko sila tita palabas ng pintuan, tinanong ko sila,

"T-tita?, asan po si Sab?"

"Nanjaan sa loob nakahiga pa ginising ko nayan susunod na lang daw siya"

"Ahhh.. ok po ako na lang po gigising kay Sab"

"Ok sige sunud na lang kayo ha" sagot ni tita tsaka sila umalis.

Pumasok na ako sa kwarto nila tita at nakita ko si Sab nakahiga parin tsaka ko ito ginising at nagulat ito kaya tumakbo papasok sa C.R para mag hilamos, nag mamadali siya kasi hindi man lang daw siya sinabihan na may pa breakfast. Pag-kapasok nito sa C.R tsaka biglang nag ring yung phone niya na nakalagay sa table.

Nilapitan ko ito ng dahan dahan baka kasi narinig ni Sab yung ring ng phone niya, baka bigla siyang lumabas at makita niya 'ko na pinapake alaman yung phone niya. Pag-kalapit ko ay nakita ko ang pangalan ng tumatawag sa kaniya.

"Sino 'tong tumatawag na to" sabi ko sa isip ko kasi unregistered number.

"Hello?, Sabrina nandito ako sa labas niyo" sabi ng taong nasa kabilang linya. "Hello?" "Sab?".

"Nicho may tumatawag ata sa phone ko!!" Sigaw ni Sabrina .

"Ahhhh wala man phone ko 'yon" palusot ko sa kaniya. Tsaka ko pinatay yung call.

CALLER'S POV

  " Bakit kaya ayaw sagutin ni Sab?"

Ayaw sagutin ni Sabrina kaya susubukan ko ulit siyang i-contact .

NICHO'S POV

~RING~RING~RING~

Sino ba 'tong putanginang tawag ng tawag nato?. Nabubusit nako kaya pinatayan ko ulit siya.

CALLER'S POV

Nakailang tawag nako kaya naisipan kong mag text na lang at tsaka naisipan ko naring umuwi.

NICHO'S POV

Pag katapos kong i-reject ang tawag may pumasok na text galing sa parehong number .

TXT MESSAGE:
      
Good Morning Sab , sasauli ko sana ang naiwanan mong wallet dito sa bahay, tinawagan ko 'tong number na nandito kaya nakatawag ako sayo . Sana ay maulit yung pag punta mo sa bahay namimiss na din kita .

"Finding Label"Where stories live. Discover now