Siguro lahat nakaranas na na magkacrush or mainlove once in their life. Naranasan niyo ng maginvest ng oras at panahom para sa isang tao. Naisip mo na yung future na pwede kayo magkaron. AKALA mo siya na talaga magpakailanman hanggang sa dulo ng walang hanggan, kayong dalawa lang.
Pero sa di inaasahan na mga pangyauari mawawala siya sayo. Pwedeng bukas mahal mo siya ngayon hindi na. Pwedeng ngayon ang pangalan mo ang laman ng isip at puso niya pero bukas hindi na. Lahat ng AKALA MO kahit kailan nga hindi magiging parte ng realidad dahil hindi naman talaga kayo para sa isa't- isa.
Siguro pagkatapos nun wasak na wasak ka na. Yung tipong hindi mo na malalaman ang gagawin mo sa buhay mo dahil yung taong ginawa mong mundo, ay napunta lang din sa iba. Isipin mo na lang na hindi lahat ng tao nakatadhana na manatili sayo. May mga taong dadaan lang talaga sa buhay natin para maturuan tayong magmahal at masaktan. Hanggang duon na lang siguro kayo pero, may maiiwan siya sayong alaala na nagpatibay sayo.
Hindi lahat ng relasyon na natapos ay nakakasama. Minsan eto ang kailangan natin para maturuan tayo at mas patatagin tayo. Balang araw may magmamahal sayo ng higit pa sa pagmamahal mo sakanya. Makikita mo rin ito at iyon ay hindi lang isang AKALA
BINABASA MO ANG
AKALA: Ang Libro ng Pagibig at Buhay
De TodoDisclaimer: This is not a story!!! It is a book that is written to share the things everyone experiences. It is about love, happiness, pain , fear, anger it talks about you and me. It talks about the life we live. Love, AG