pangalawa

24 1 0
                                    

Dumaan ang mga araw at nagkaroon agad ng groupings bawat klase para sa gagawing activities. Karamihan sa mga yon ay kami ni Martin ang magpartner. Si Arthur ay nahihila ng ibang kaklse dahilan para maiwan ako at si Martin, kaya sa huli kami ang nagiging magkagrupo. Di ko alam kung sinasadya ba ng lahat na maging magkagrupo kami o gusto lang nila na mapaghiwalay kami ni Arthur.

"Huling taon na natin 'to. Pero gusto niyo kayo pa rin ang magpartner?" Sabi ng isang kaklase.

"Oo nga. Di ba kayo nagsasawa? Arthur, sakin ka na!" Ang kaklase kong lalaki.

"Yoko sayo! Gusto ko kay Martin!" Apila ng kaibigan ko.

"Di ka type niyan! Ako type kita!" Pang aasar ni Ronan.

Naghiyawan ang lahat kaya umingay ang klase.

"Stop it! Arthur at Ronan kayo ng dalawa." Saway ng prof namin.

Lalong umingay dahil sa sinabi ng guro.

"Di ko pa siya sinasagot Miss!" Kunwareng maktol ng kaibigan ko.

"Come to Daddy, Arthuro!" Si Ronan na tumayo pa at pinapalapit si Arthur.

Nagtawanan ang lahat maging ang guro namin. Lalo na noong lumapit nga si Arthur dito.

"Masunurin ka naman pala!" Si Ronan saka tumawa kaya nagtawanan na naman ang lahat.

Dalawang miyembro bawat grupo. Di ko panakikita ang dapat sana ay kagrupo ko. Di ko alam kung sineryoso ba niya ang pagtanggi ko noong huling paguusap namin. Naghahanda ako ng mga kakailanganin ng may mapansin akong sapatos sa harap ko. Si Martin  na seryoso ang tingin sa akin. Gustuhin ko mang umiwas ng tingin ay di ko magawa dahil nagugustuhan na mga mga mata ko ang maaliwalas na gwapong mukha niya.

"Hoy ano yan! Biko? Malagkit?" Si Arthur na nasa tabi ni Ronan.

Masamang tingin ang iginawad ko sa kaibigan kaya inirapan ako nito saka tumingin sa harap.

Di ko alam kung abala ang lahat pero wala ni isang sumubok na asarin kami ni Martin. Kahit narinig ng lahat ang pang aasar ng kaibigan.

Tinapik ko ang upuan ni Arthur sa tabi ko. Umupo naman ito saka inilagay ang gamit sa desk. Ganoon din ang ginawa ko.

Tahimik ang lahat habang nakikinig sa guro na nagbibigay ng instruction. Gagawa kami ng Feasibility na ipapasa sa huling araw ng klase. Mahabang panahon para magprepara kaya tingin ko ay magagawa namin ito ng maayos.

"So, anong atin?" Basag ko sa katahimikan niya.

"It's up to you." Parang walang ganang sagot nito. Nilalaro ang ballpen na hawak.

"Gusto ko tayo na."

Paangat siya ng tingin sa akin saka kumunot ang noo.

"Joke!" Nakangisi kong sagot.

"Don't.. fool around." Saka iniwas ang tingin.

"KJ." Bulong ko

"What?"

"labyu sabi ko." Habang nagsusulat ng kung ano sa yellow pad.

Nakita kong hinarap niya ang buong katawan sakin saka nagsalita.

"Don't make fun of me." Seryosong sabi nito. Medyo nakaradam ako ng takot. Takot na bumaon sa puso ko. Walang alinlangan akong tumango saka bumalik sa pagsusulat. Pinilit kong huwag manginig ang mga kamay habang nagsusulat para di niya mahalata.

"Sorry." Mahinang sabi ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng natapos ang buong araw. Di ko na masyadong inisip ang nangyare kanina at hindi ko na rin sinabi ito sa kaibigan. Mali ata na magfeeling close ako sa lalakeng 'yon. I know I shouldn't be like that. It's my fault. I realize, hindi lahat madadala mo sa lokohan para maging kaibigan mo at gumaan ang loob sayo. Nasanay ako na sa ganoong paraan nakakakuha ng kaibigan. Pero yung kanya, I think I flirt with him at hindi isang biro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You, SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon