Umpisa

8 1 0
                                    

Paano ba masusukat ang kasiyahan? Sa lakas ng tawa? Sa ganda ng ngiti? Sa kumikinang na mga mata? Sa Aura? Di ko na din alam. Naliliyo na ako sa dami ng pwedeng maging patunay.

Then how about being Sad and lonely?

Papalit palit ang tingin ko sa sketch pad at sa langit. Sinusubukan kong iguhit ang ganda nito. Mas madali kung itututok ko ang telepono ko dito pero mas piniling kong pahirapan ang sarili ko. Something I can treasure and be proud of, kung maganda ang kakalabasan.

The clouds is waving at me. Kahit ang langit napapasunod ni Daddy sakanya. They are waving at me. Saying "Hi, Sunshine!" I can see that, swear.

Tumulala ako saglit. Iniisip ang Ama kong maaga akong inulila. How I miss his hugs! Pinagpatuloy ko ulit ang pag guhit, avoiding any sad thoughts. I can't be weak. That's my promise to Dad.

"Babaitang walang talent, ano na naman yang ginagawa mo?"

"Nagpapanggap"

"Maging Leonardo Da Vinci? Kaloka ka te!"

"Maging Monalisa bakla ka!" Pumose ako saka tumingin sa kanya.

"Kung sabagay.. wala ka ngang kilay te!" Tatawa-tawang kumento ni Artuto.

"So, nakakaproud yun ha? Yang kilay mo nga sukat na sukat!" Inililigpit ko na ang gamit ko ng hilahin ni Arturo ang dulo ng buhok ko.

"Letse ka talagang babae ka! Nakawala ka ng confidence!" Habang tinitignan sa maliit na salamin ang peke niyang kilay.

"Char lang, Arturita! Maganda ka 'no!"

Tumakbo ang palayo sakanya saka siya humabol sa akin habang sumisigaw ng kung anu-ano.

Una akong nakarating sa class room kaya nagulat ako ng makita si Martin na nandoon na din habang habol ko ang hininga ko mula sa pagtakbo. Sumulyap lang siya sakin bago tumingin ulit sa librong hawak niya. Tahimik naman akong umupo sa upuan ko katabi ng kay Arturo.

"Hi Martin!" Si Arturo na malaki ang ngiti.

Umirap ako.

"Oh anong iniirap irap mo diyan?"

Di ako sumagot at hinayaan ko siyang umupo sa tabi ko.

"Let's bet?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Naghahamon sa gusto niyang mangyare.

"Paunahan makascore kay Martin"

Aba! Iba rin pala ang trip ng baklang 'to. Sa tunay na babae pa naghamon. Ngumisi ako ng malaki para maipakita sakanyang di ako papatalo.

"Deal, Arturito my sister"

Malaki ang ngisi naming dalawa saka tumingin sa tatargetin namin.

This is so exciting!

"Please wear a formal or Business attire next meeting. We will do some activies. Okay?" Habilin ng prof. namin bago lumabas ng kwarto.

"Okay!" Sagot ng lahat

Lunch break na namin kaya ang ingay na sa buong campus. Nagkakagulo na ang lahat na parang maypa relief goods si Mayor.

"Sinag, saan tayo kakain? Gutom na ko. Parang gusto ko ng Spaghetti pababa at pataas."

"Diyan na lang kila Manang Negi."

"Jusko! Everyday na tayo diyan! Wala na bang iba?" Reklamo ni Arthur. Palabas na kami ng campus ng makita namin ang target.

"Sundan natin 'yon." Suhestyon ko.

Malaki ang ngisi na binigay sakin ng kaibigan. Halata sa mukha ang excitement.

I Love You, SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon