Chapter 2

69K 1.6K 654
                                    

SUGAT-sugat ang halos lahat ng knuckles ni Elisse matapos niyang maglaba ng underwear ni Tyler.

Bakit kasi kailangan kusutin, eh? That man seems to enjoy making life difficult for her. Mukhang susulitin nito ang pagpapahirap sa buhay niya. She hates her grandfather and Robert Swift! Ang mga ito ang nang agrabyado sa pamilya Rodriguez pero siya ang ipinagbabayad. Lagi na lang pambayad ang papel niya sa buhay ng pamilya niya. But it's okay. This one is worth the sacrifice. Kaligayahan ng kapatid niya ang kapalit ng kaunting sakripisyong ito na nagsakripisyo rin naman sa kanila.

Nag-angat si Elisse nang tingin kay Tyler nang lumapit ito sa kanya. Umupo si Tyler sa tabi niya at inilapag ang medicine kit sa coffee table. Hinila nito ang mesa palapit saka binuksan ang medicine kit. He took out the wound cleaning solution and a small amount of cotton. Basta nitong kinuha ang kamay niya nang walang abiso.

"What are you doing?" He didn't respond. He just sprayed the cleansing on each of her knuckles. Pinunasan ng bulak at kapagkuwa'y topical antiseptic naman ang inilagay roon. Ang tanging nagawa ni Elisse ay ang titigan si Tyler sa mukha habang abala sa paggamot sa sugat niya.

Mestizzo. Maganda ang mga mata. It was hazel like his sister's, Sasahh. Makinis ang mukha. Parang makinis pa yata ang mukha nito sa kanya. Parang wala man lang pores. Sanaol close pores ano? Ang gupit lalaking-lalaki. Clean cut. Then may suot itong isang cross dangling earring sa kanang tainga. Ang mga labi... mapupula iyon. Iyon ang mga labing lumapat sa dunggot ng kanyang dibdib.

Bigla na lang nag-init ang kanyang mukha sa biglang naisip and it's weird dahil tila iba ang reaksiyon ng kanyang katawan sa dapat na maramdaman niya. The feeling is strange but she finds it good. Dapat takot. Nerbiyos. Nanginginig na dapat ang katawan niya dahil sa alaalala ng ginawa nito pero hindi... dahil kahit mismo nang araw na gawan siya nito ng kabastusan ay hindi nag-react ang katawan niya katulad ng reaksiyon niya sa asawa niya noon.

Maayos na kaya siya? Tuluyan na kaya siyang gumaling. Wala na siyang PTSD. Pupwede siguro. Matagal na rin ang bangungot na naranasan niya sa halimaw niyang asawa. Matagal din siyang nagpabalikbalik sa kanyang psychiatrist dahil sa tuwing napapanaginipan niya ang kahayupan ng asawa niya ay nagigising na lang siyang takot na takot. Nanginginig ang buong katawan at hindi makahinga. Isang taon na rin niyang hindi nakikita ang asawa niya pero hanggang ngayon ay ayaw siya nitong pakawalan.

"Huwag ka nang magkukusot. Gamitin mo na lang ang laundry machine." Inayos nito ang medicine kit at tumayo.

"Tyler." Nilinga siya nito. Bahagyang nakakunot ang noo. Sungit talaga!

"Kailan natin gagawin? I want to do it as soon as possible para makaalis na ako."

"Maghintay ka!" He said coldly before walking away. Sinundan ni Elisse ng tingin si Tyler na tinungo ang kusina. Sungit talaga! Nakakainis! Itinuon na lang niya ang atensiyon sa kamay at inihipan ang sugat.

Humiga si Elisse sa sofa at itinutok ang mata sa kisame. Gusto niya sanang sumama kay Adan sa Vegas. She's supposed to be enjoying her vacation with Adan but here she is, stuck with Tyler. But it's okay. Kaligayahan ng Kuya Eli niya ang kapalit. Her brother sacrificed his own happiness for them. Deserve nitong sumaya naman kaya magtitiis siya. Kahit ibenta pa niya ang kaluluwa niya sa demonyo gagawin niya. Nagawa na niya iyon. Nang pumayag siyang maikasal kay Winston ay daig pa niya ang nasa impyerno. Lagi siyang takot sa tuwing nakakaharap si Winston. Katakot-takot ang dinanas niyang kalupitan sa taong 'yon.

MATAPOS makapagluto ay inihanda na ni Tyler ang pagkain. Strip steak with garlic butter ang kanyang niluto. One of his family's favorite New York's dishes. Ito ang laging niluluto ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito na siyang natutunan din niyang lutuin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fatal Attraction 5: In Whose Arms I'll Stay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon