CHAPTER 1

20 0 0
                                    

College.

Ito yung pinaka kinakatakutan ko. 

Bakit?


 Kasi eto yung stage na dapat sure na sure ka na sa gusto mo. Nandun yung takot na, what if hindi ko makuha yung trabaho na gusto ko and hindi ako maging successful? What if hindi ko ma meet yung expectations nila sakin? Or baka naman expectations ko lang sa sarili ko. I don't know, I'm so afraid na ma disappoint ko sila lalo na ang sarili ko.


Pero, sa kabila nang mga takot na yun. Masaya rin ako na college na ako. Kasi matututo na ko maging independent by living on my own.


I'm Kinsley. Kinsley Marie Bautista, but my friends call me Kin. No Boyfriend Since Birth. Kasi naman laging Long Distance Relationship, yung tipong gusto mo siya pero malayong magka gusto siya sayo. Gets niyo? Alam ko na corny. Pero ganun talaga.


First year tourism student ako sa Berth University. Ang daming nagtatanong sakin kung bakit daw tourism. Sa totoo lang, hindi ko rin alam eh. Sometimes we can't really explain why we want something. Wala gusto ko lang. Hindi ba pwede yun? Hindi laging kailangan ng malalim na reason why you want something. Well, except sa job interview. lol


From: Jane

Kin! It's the first day of school bilisin mo kumilos okay? Let's meet sa lobby. May papakilala ako.


To: Jane

Good morning Ja! Yes "mom" nagbibihis na po. See you there! Ingat.


Jane and I met each other from a common friend. First time I met her was during orientation, ang tahimik niya. But, I was wrong, kasi nung napadalas na ang pagkikita namin biglang umingay. Nag sisi nga ako bakit ko ba naging kaibigan tong gagang to. Maliit lang si Jane, hindi siya ganun katangkaran. Maganda naman siya at ma appeal, manyak pa nga minsan. Pinaka gusto ko sa kanya is her long hair and big brown eyes. A lot of people are questioning her bakit daw siya nag tourism. Knowing Jane, she is so passionate about this job. Sa pagiging FA or kung ano mang trabaho ang mapasukan namin in the future. And for me, ayun yung pinaka importante. Yung PASSION.


To: Jane

Wru? Nandito na ko sa lobby. Ang dami ng students and I don't know anyone here. Hurry up!


From: Jane

Uhhm baka kasi bago tayo kaya wala kang kakilala?


"Pilosopo pa nga." bulong ko sa sarili ko habang naghihintay kay Ja.


Napalingon ako nang biglang may tumawag sa akin. "Kin! Sorry to keep you waiting hehe" hingal na sagot ni Ja.

Operation LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon