CHAPTER 3

12 0 0
                                    

Today's Saturday, and as usual puro orientation lang ginagawa namin ngayon. Last day na ngayon ng first week namin sa school. Pwede na ko umuwi sa bahay namin sa Manila after ng NSTP. Buti naman.

"Excited na ko umuwi sa bahay namin mamaya." masayang sabi ni Ana.

"Me too. Miss ko na luto sa bahay. Pag tayo nagluluto dito hindi makain eh." I chuckled.

From: Chloe

"Kin! Wait for me sa sakayan ng tricycle. Nakakahiya pumasok mag-isa sa Hall. Plsss! Labyuu."

Natawa ako habang binabasa ang text niya. Typical Chloe.

To: Chloe

"Good morning, Chloe. Sure I'm on my way there. Ingat."

Simula nung napag-usapan namin ni Chloe si Kenzo, naging close kami kahit ilang araw pa lang. Nung una kala ko ang tahimik niya atsaka sobrang mabait hindi makabasag pinggan. Yung tipong hindi siya makakapag bitaw nang mura o kahit tanga. Parang gusto ko na nga siyang sabihan dati na "Ang boring mo gago" kasi lagi siyang nag cecellphone kahit mag kausap kami. Wala naman siyang jowa. Pero katulad nang tinggin ko kay Ja nung una, nag kamali na naman ako. At dun ko napa tunayan na grabe ang judger mo Kinsley! Dahil the truth is, masaya kausap si Chloe. However, sobrang asar talo niya. Yung tipong asarin mo lang siguro damit niya magagalit na siya sayo. Ganun siya kaasar talo.


"Ana, una ka na. I'll wait for Chloe pa dun sa may kanto. Ingat." sabi ko kay Ana

"Sige ingat ka pauwi mamaya ah!" sabi ni Ana sabay takbo papunta sa school.


Pag pasok namin sa Hall ni Chloe, Ja and Megs were there already. When they saw us, they waved their hands signaling they reserved seats for us.


It's been how many hours since our orientation started. Naboboring na ko! Walang pumapasok sa isip ko naintindihan ko lang "NSTP" "ROTC" blah blah blah.


"Kasi naman bakit kailangan pa mag ganito," I sighed.

"Gaga para daw matuto kang ipaglaban yung relasyon niyong namamatay na!" bulong ni Ja sakin sabay tinggin kay Megs.

Natawa ako sa sinabi ni Ja. Kahit kailan talaga.

Bigla naman bumukas ang pinto at pumasok si Kenzo.

"Ano bang meron at laging late yang si Kenzo. Feeling important ah." sabi ni Ja habang naka kunot ang noo.


Pagkatapos ng napaka habang orientation sa NSTP, nagpa ikot ng attendance ang prof namin and asked us to choose between ROTC and CWTS.


Megs passed me the attendance to me and asked, "San ka sasali kin? Baka mag CWTS kami eh. I don't want to train in the field no! Mainit."

"Arte mo girl! Parang masaya naman ROTC ah," sabi ko sa kanya habang sinusulat pangalan ko.

"Mag ROTC ka na lang," sabay bangga sa siko ko. Napa tinggin ako dun sa nag sabi nun, nagulat ako nang makita kong si Kenzo pala yun sobrang lapit niyo sa akin nataranta ako hindi ko alam sasabihin ko. Parang malalaglag na ata panty ko.

"Uuhm..a-ano h-hindi ko pa kasi sure kung san ako sa-sasali." I stuttered. Tanga mo naman gurl!

"Para magkakasama tayo." dagdag pa ni Kenzo.

Parang gusto ko yun ah.

Hindi ako naka get over dun sa sinabi ni Kenzo sakin, kaya hanggang pag-uwi I was still thinking about it. Malay mo dahil dun sa pag sali ko sa ROTC mas maging close kami. Aarrghh! Di ko na alam. Sa sobrang desperada ko tinanong ko na parents ko hoping that they would allow me.


"Ma, pwede ba ko sumali sa ROTC?" I was so nervous while asking her.

"No, Kinsley. Hindi mo kakayanin yun. Mahigpit na training yun." sabi ni mama habang may binabasa sa cellphone niya.

"Hindi ka bagay dun Kinsley. Just sign up for CWTS." dagdag pa ng papa ko.


Okay, talo na ko. Tama na nga Kinsley tama na landi! Baka bumagsak ka pa dyan sa ROTC na yan. 


Nakapag salita na si big brother, baka ma evict pa ko dito sa bahay. 


Lagi mo naman siyang makikita sa classroom eh. Don't worry Kinsley kembutan mo lang yan.


Pag panik ko sa kwarto ko wala akong magawa kaya nilabas ko na lang ang cellphone ko at minessage si chloe.


To: Chloe

Chloe! Hindi ako pinayagan mag ROTC :( sad


From: Chloe

Nako! Okay lang yan Kins wag mo na lang masyadong isipin sinabi niya sayo. Mamaya pa niyan paasahin ka lang niyan.


Eto naman ang nega! kala mo love expert eh siya nga rin di pa nagkakajowa. Okay lang naman Chloe tampo lang ito. Rereply na sana uli ako sa kanya ng bigla akong nakatanggap muli ng message galing sa kanya.


From: Chloe

Huwag ka mag-alala Kins iisip na lang tayo ng paraan para mapalapit ka sa kanya. Hello! sino ba namang makakatanggi sayo girl!


Aba bumabawi ah! sige na nga parang sira naman to oh! ako lang to. 


To: Chloe

Okay, promise me ha! dahil dyan let's go for coffee on Monday. Good night, girl!


Tignan natin Kenzo.


I'll make you fall in love with me.


What Kinsley wants, Kinsley gets.


Just wait.

Operation LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon