5: Mate .2

3K 110 8
                                    

Jema

"Good morning Mi Amor."

Mukha nang nakangiting Deanna ang tumambad sa akin, nakaupo ito sa kama at nakasout ng blue na long sleeve polo, inaayos niya ang manggas sa may kamay. Tatayo sana ako para tulungan siya pero nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko na nakahubad ako.

Tinignan ko ang katawan ko sa ilalim ng kumot, wala kahit isang saplot.

Inalala ko ang nangyari kahapon, uminit bigla ang pisngi ko nang bumalik sa isipan ang ginawa namin ni Deanna.

"You're so adorable when blushing Mi Amor," nakangiting sabi ni Deanna habang nakatitig sa akin na lalo kong kinamula.

Kaagad akong nagtalukbong ng kumot.

Kinikilig ako! Ang ganda ng ngiti niya!

"Jema, my love?"

Tinanggal niya ang kumot na nakatakip sa mukha ko at hinalikan niya ako sa noo.

"B-bakit?"

"May meeting kami ni dad with the council, I don't want to leave you here pero kailangan eh," sabi niya habang hawak ang kamay ko.

"Ayos lang," ngumiti ako sakan'ya.

"But don't worry, later I will explain everything to you Mi Amor."

Tumango lang ako.

"Maya-maya may kakatok para maghatid ng breakfast mo, kumain ka ng madami okay? Alam ko pagod ka," ngumiti siya ng nakakaloko.

Ewan sayo.

Nilapit niya ang mukha para halikan ako pero biglang may kumatok.

"Sachi! Dad's waiting na sa baba!"

"Istorbo," reklamo ni Deanna.

"I'm coming Peter!"

Naglakad na siya papuntang pintuan.

"Ahm, Deanna.."

"Yes Mi Amor?"

"Mag iingat ka.."

Bumalik siya sa kama upang halikan ako.

"Of course Mi Amor, I love you."

Pinisil ko na lang ang pisngi niya.

Nahihiya akong mag I love you too eh.

After five hours

Alas dos na ng hapon pero wala pa rin si Deanna. Nakatambay lang ako sa loob ng kwarto ng limang oras, napagpasyahan ko na maglibot-libot muna sa bahay nila.

Pagtapos maligo ay sinout ko yung jersey shirt na isusout sana ni Deanna sa akin kahapon, may Wong sa likod nito at number 3, nakahanap din ako ng basketball shorts kaya yun ang pinares ko.

Pakiramdam ko tuloy maglalaro ako sa liga. hehe

Nasa may garden ako ngayon nakatambay sa may fountain habang naga Facebook, napaka relaxing ng ambiance dito.

Hindi pala malaki ang bahay. SOBRANG laki. Mansion na nga ata 'to eh.

"Ricci you know that's impossible!!!
Ayaw nga niya sayo diba?"

Nagulat ako nang may nagsasalita sa may likuran ko.

Pagtingin ko, lalaki ito at may kausap sa telepono. Nakatalikod ito sa akin.

"And balita ko she found her mate na."

"Anong hindi pwede dahil ikaw ang totoong mate?"

"Ricci stop please. Kahit sa academy di ka pinapansin eh."

My Mate (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon