Mae's pov

          First day na first day may nakilala naka agad akong cute, grabe super cute nya lalo na kapag nagugulat sya grabe yung reaction nya napaka cute tignan talaga. Baka chance ko na ito magkaboyfriend na cute, medyo nakakahiya pero nakipagkilala na agad ako sa kanya pero sa loob loob ko nun kabado ako eh, pero sayang diba? crush ko eh? Ay hindi pala totally crush, siguro na cucutan lang ako sa kanya ahhh... basta.

        So ito na nga natutuwa ako dahil hindi mahirap kausap si Ivan niyaya ko lang syang kumain sa canteen payag sya ka agad eh.. so ito bumibili na nga ako ng pagkain ko para makasabay naako kumain kay Ivan.

"Hi ate pabili naman po ng fried chicken with 2 rice po,"

"Ah wait lang ah,"

"Sige po,"

"Oh ito inorder mo 95 php lang,"

"Ah 95? Ah ito po, salamat po," grabe ang mahal naman dito samin 55 php lang ito sa topsilogan eh pero ok lang gutom naman na ako.Nasaan kaya si Ivan nakaupo saan kaya?, Ahh ayun pala sya at may kausap sya kaibigan nya ata siguro.

"Uy Ivan," sambit ko ng malakas.

"Oh Mae dito,"

"May kasama ka pala,"

"Oo, Earl siya si Mae classmate ko at Mae siya si Earl tropa ko,"

"Hi Mae," sambit ni Earl.

"Hi Earl,"

"Tara kain na tayo at gutom na gutom naako," sambit ni Ivan,

"Tara penge naman ako ng ulam nyo ah," sambit ko.

"Ako Ivan pengeng Adobo mo," sambit ni Earl.

"Pero huwag nyo lang ubusin," pabirong sagot ni Ivan

     So hindi papala ako nag papakilala so papakilala muna ako sainyo ako nga pala si Mae, 16 yrs old, aminado akong cute at may kaya kami sa buhay. Madali akong mag kagusto sa isang lalaki lalo na kapag cute, matalino rin naman ako at hindi ako katangkaran gets nyo na?

       So kakatapos lang namin na kumain sa canteen at busog na busog na kami ang sarap ng adobo na baon ni Ivan, at kailangan na pala namin na umakyat kase baka mahule pa kami sa klase, programming na pala.

"Tara na akyat na tayo at baka malate pa tayo sa Programming," sambit ni Ivan.

"Oo sige," pag sang ayon ko.

"Sige una naako pre," sambit ni Earl.

"Sige pre antayan nalang sa gate pag uwian na ah," sambit ni Ivan.

"Ghe ghe pre,"

"Tara na Ivan," pagyaya ko.

"Wait papasok ko lang sa bag ko itong baunan ko wait,"

         Grabe parang napapansin kong napaka feeling close ko kay Ivan hindi panaman kami lubos na magkakilala kaya bakit ako ganito? Siguro sanayan lang or ganito talaga pag crush mo gagawain mo ang lahat siguro? Diba?

         Nandito na pala kami sa room namin ngayon nakikinig sa ICT teacher namin at first day na first day may recitation ka agad? Grabe naman alam na ba namin agad tinuturo sa programming? Diba bago lang kami dito sa subject na ito? Shet!

"Sinong nakaka alam kung ano ang binary?" tanong ni sir James na teacher namin sa programming na strikto sobra.

       Walang nag tataas ng kamay ni isa siguro walang nakakaalam ng sagot, kaya nagtatawag nalang yung teacher namin at ako pa talaga yung tinawag ka badtrip!.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Story Of NGSB "No Girlfriend Since Birth"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon