Paaralan, Bahay , Paaralan , Bahay .
This is my life na parating ikot ng maghapon ko.Mas gugustuhin ko pang nagpakalunod sa pag-aaral kesa sa unahing magliwaliw sa kung saan saan at mag jowa ng hindi naman pang matagalan.
Never pa ako nagka jowa pero sabe nila masakit talaga as in lalo na kung lolokohin ka pa. Kaya ako kahit dipa ko nagkaka jowa sumumpa ako na ayoko mag jowa hanggat di pa ako nakaka graduate ng college or nakapag settle na. Na kapag ayos na ang pangarap ko para sa pamilya ko.
"Vinceeeeeee!" Pahiyaw kong tawag ng makita ko siya na nakatambay sa cafeteria ng school.
"Oh Kyra bakit?"
"Ahmm gusto ko lang magpasalamat sa kagabi."
"Ah yun ba walang anuman. Oh wala kabang klase ngayon? Anong oras na ah."
"Wala eh free time kase namin. Ikaw bat nandito ka ? At bakit mag isa ka? "
"Wala si Ms. Lagdameo yung prof namin sa isnag sibject kaya wala na kameng klase. At yung mga kaibigan ko naman nasa room pa may mga mga inaayos. Nagutom lang ako kaya napatambay ako dito."
"Ah ganun ba. Oh siya sige at ako'y aalis na hanapin ko nalang muna sila cess. Bye Vince thanks ulit sa kahapon. "
"Walang anuman Kyra"
Nagbadya ng umalis ng tawagin ako ni Vince
"Wait Kyra.. .. "
"Ahmm sabay nako sayo, or tulungan na kita hanapin sila cess if san sila nakatambay."
"Ay sige Vince mabuti yan at ng may ka kwentuhan naman ako. Hahhaha "
Habang naglalakad kame ni Vince sa hallway may biglang…..
"Anak ng put…….." Bigla kong sigaw.
"Ano bang problema mong babae ka ?"
"Napaka landi mong babae ka!"
"What the hell are you talking about!" Pagalit kong sambit .
"Kunwari walang alam? Maang-maangan girl?. Malandi na nga sinungaling pa."
"Hoy babae na akala mo clown sa kapal ng mga kolorete sa mukha pwede ba huwag na huwag mo akong sasabihan ng malandi at sinungaling. At isa pa bakit moko binuhusan ng juice. Hindi kaba tinuruan ng magandang asal ha? O baka kulang ka sa pansin at sa aruga!"
Akmang susugod ang babae sa pero agad nakaharang si Vince sa pagitan ng dalawa nitong babae na akala mo clown ang pagmumukha.
"Hoy sige ikaw babaita ka subukan mokong saktan ibibitin kita patiwarik sa puno ng acacia. Bwisit na to!"
Umiigting sa galit ang mga ugat ni Kyra sa sintido dahil sa nag pupuyos nading galit sa nangyayare.
"Inagaw mo si Vince sakin. Slut ka! Inagaw mo siya sakin."
"What the hell miss ! Mga pinagsasabi mo walang kayo sa katotohanan. Tapos iyang bibig mo ha pasmado ha! Tsk"
"Ano ba Michaella tumigil ka nga. Ano bang inagaw ha? Walang tayo Mica! Lubayan mo na nga si Kyra. Inaano ka ba ng tao?"
Galiit na sambit ni Vince. Ang mga ugat sa kanyang sintido ay halos magpuputukan na sa galit na ipinakita niya.
"Oh my Vince! Are you sure walang tayo? Really huh!"
"What the hell are you talking about Michaella Pimentel?"
Oww mananakit yata ang ulo ko dahil sa naganap ngayon. Lovers Quarrel ako pa idadamay. Tsk! Pag ibig nga naman talaga oh ang laki ng nagagawang impluwensya sa isipan ng isang tao.
"Wait a minute Lovebirds pwede ba kung magkagalit kayo wag na wag niyo kong idadamay diyan sa ka ekekan ng buhay pag ibig niyo. Pasalamat ka miss na mukhang clown mabait ako. Tsk. Langhiyang araw ito oh makalayas na nga nababadtrip ako sa eksena niyo!"
Tumalikod na ako pero hinuli ni Vince ang aking braso at hinatak palapit sa kanya.
"Kyra wait sorry okay. Sorry talaga sa gulong ginawa ni Mica."
" No problem maliit na bagay ay este malaking problema lang naman yang buhusan ako ng juice at puti pa itong suot ko ngayon. Tsk! "
"Sorry Kyra talaga.."
"Wala na magagawa aalis nako . Magpapalit nako ng damit super lagkit kona. "
Saglit na hakbang ang ginawa ko paalis sa kinaroon ng pinangyarihang eksena ay bigla magsalita ulit si Vince .
"Michaella Pimentel say sorry to her. Masyado kang gumawa ng problema na naman. Bakit ba napakaselosa mong babae ka. Tsk."
Wow na naman? Napakaselosa? So ano sila talaga pala. Wow naman naman talaga ha. Nabalik ako sa realidad ng biglang nag salita si clown.
"Ano Vince ako na naman? Ikaw yang lapit ng lapit sa mga babae tapos . Oo na mag sosorry na."
"Miss sorry sa nagawa ko at sorry din------….."
Hindi ko na siya pinatapos sa mga pinagsasabi niya dahil malakas ko siyang sinampal. What the anong ginawa ko. Huhuhu
"Kyra anong ginawa mo bakit mo sinampal mo si Mica?" Galit na sigaw ni Vince
Halos buong school yata narinig yung pagsigaw ni Vince sa lakas ng boses niya. May ilang ilang estudyante narin ang napatigil a apaglalakad, sa pagkukwentuhan na napasulyap na sa gawi namin dahil sa eksenang nangyayari.
Wow sweet lapit pa concern talaga siya Kay clown!
"What the hell miss. Ano bang problema mo ha nag sosorry na nga ako eh."
" FYI miss na mukhang clown kung magsosorry ka ng wala sa loob mo shit wag ka na mag sorry at kung para saan yang pagkaka sampal ko diyan sa mukha mong akala mo painting na nawalan ng inspirasyon. Pwes tama lang na masampal kita dahil sa pag tawag mo saking malandi at sinungaling!"
Tuloy tuloy na salita at nang gagalaiti kong sagot sa kanya. Hiningal ako dun sa sinabi ko na yun ah.
------
Kinagabihan ng nakauwi na si Vince sa bahay nila ay kinompronta na siya ng kanyang ate.
"Hoy Vince ano naman ba ang nabalitaan ko sa school niyo ha. Ano na namang gulo ginawa mo ha? Sa babae na naman ? Tungkol na naman sa babae? Sumagot ka nga."
Kadiwaraang sambit ng aking ate. Asual araw araw kapag nasa bahay na kame ni Mark at galing school yan lagi ang scenario.
"Ano nanaman ba yon ate? Wala akong alam dyan."
Sagot ko sa ate ko. Kahit sa totoo lang alam ko naman yun. Ate ko naman kase kadaming galamay sa school. Tsk! Kaya nalalaman nya mga pinag gagawa namin ni Mark.
Bigla naman nagsalita din isa kong ate."Anong gulo na naman yon ha, di ka naba nahiya sa amin nila Papa't Mama? "
Sasagot na sana ako ng biglang sumagot si Mark.
" Ate Vianca si Vince kase ."
"Di ka pa ba sanay dyan sa mga kapatid mo ? Eh lagi na lang ganyan nyan mga nyan eh! "
Biglang sambit at pagsingit ni ate Shaina sa usapan.
"Hoy Shaina kaya di magtino yang dalawa na yan ginagatungan mo pa. Hay nako! At ikaw naman mark anong tinatawa tawa mo jan ha?"
Napatawa nalang si ate Shaina , at kameng dalawa ni Mark. Maya maya napa walk out na namin si ate Vianca. Lagi namang ganun e. Pero syempre love padin naman namin si ate.
Umalis ako at pumunta nalang sa kwarto para magbihis.
Isang malaking gulo nga naman ang naganap dahil sa away na nangyare between Kyra and Mica. Yes i admit isa din siguro ako sa may kasalanan.
Tomorrow I just want to apologize to Kyra. But I don't know kung kakausapin niya pa ako dahil sa nangyare sa kanya.
YOU ARE READING
Catch Me I'm Fallin'
RandomHabang patuloy kang lumalapit ay masisira at patuloy madudurog ang aking pagka tao. Sisirain mo ako , Masisira ako ng pag-ibig mo!