Let's the game begin?
Mugto ang mata pagka gising kinabukasan.
Sanhi ng walang tigil na iyak kagabi.'Thank You Papa God for waking me up today. '
It's already 10:30 in the morning , swerte nalang dahil mukhang nakikisama ang panahon dahil wala kameng pasok ngayon.
Inayos ko ang aking tinulugan bago lumabas ng kwarto para makapag hilamos na.
"Good Morning Mother Earth!." Bati ko sa aking mama ng makita ko siya sa aming hapag kainan.
"Oh siya kumain ka na Kyra at tanghali . Teka nga bata ka , Bakit ganyan ang iyong mga Mata? At bakit mugto yang mata mo? May problema ka ba?"
"Wala ito Ma , Nanood lang ako ng movie kagabi, Sobrang nakakaiyak yung mga scene kaya naiyak ako."
"Sus kang bata ka. Ano ba nangyayare sayo ha? Akala mo diko napapansin yang nitong mga nakaraang araw eh iba ang mood mo at mukhang problemado at malungkot ka. Sabihin mo nga ano ba talagang problema?."
I don't how to start a conversation with my mother. Anong sasabihin ko, patungkol sa problema ko. Nangigilid na luha ko ng hinarap ko si mama.
"Mam-a kase ano ma--."
"Kyra anak" mahinahong tawag sa akin ni mama sabay lapit sa akin.
"Ma sorry po kung nagsinungaling ako sa inyo about sa nangyare sa akin bakit ako napilayan ng braso. Ma---ma sorry ." Umiiyak ko ng tugon sa aking mama.
Kinuwento ko lahat sa mama ko kung ano ang puno't dulo ng lahat ng pangyayare. Mula sa sabuyan ako ng juice, sa balian kong braso , sa pag sapak sakin ni Mica. Sa pag aaway namin ni Vince.
"Mama naging close lang naman kame . Naging kaibigan ko siya. Hindi ko naman kase alam na sa pagiging malapit namin mapapahamak at masasaktan ako ng ganito" Tugon ko sa kay mama at patuloy padin sa pagpatak ang aking luha.
"Teka anak lalake? Naging kaibigan mo? o bakit umiiyak ka naman . Ano bang nangyare? Mukhang feeling ko gusto mo siya Kyra."
"Sa ilang buwan po namin na pagiging close may kakaiba na ako naramdaman sa kanya. Kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang nadama. Na sa tuwing lalapit siya,natataranta na ako , kinakabahan na ako."
"Aba ang anak ko dalaga na talaga. Umiibig na . Anak hindi sa lahat ng pagkakataon kase masaya parati ang mararamdaman mo. Tandaan mo anak , kahit na malapit kayo sa isat isa ay kaylangan niyo pading maglayo kung nasasaktan at nahihirapan na kayong dalawa kahit pa magkaibigan lang kayo nito."
"Tama po kayo ma, kaya po iiwasan ko na siya at pinalalayo ko na siya sa akin. Na huwag na siyang lalapit sa akin."
"Tandaan mo anak , kapag may problema ka lapitan mo lang ako , kausapin mo ako anak , mama mo ako makikinig ako sayo. Sa susunod kung may ganyang issue magsabe ka na. Lalo na't nasasaktan ka na hindi lang sa damdamin pati pisikal na. Mag iingat ka parati."
"Opo ma. Sorry po sa lahat ma. I love you po mama. "
She's my mother, anyway she's the only I had. Although Cess is my bestfriend. Silang dalawa ang importante sa buhay ko.
"Okay! Okay! Kumain ka na at aalis na ako. Pakabusog ka diyan. Kung aalis ka mag text o tumawag ka sakin para magpaalam."
"Opo ma. Ingat po."
Kumakain ako ng malumanay ng biglang nag text si Vince sakin.
From Vince:
Kyra pwede ba tayo mag usap? Asap! Doon sa lumang building sa labas tapat ng school kita hihintayin . Thankyou.
YOU ARE READING
Catch Me I'm Fallin'
AléatoireHabang patuloy kang lumalapit ay masisira at patuloy madudurog ang aking pagka tao. Sisirain mo ako , Masisira ako ng pag-ibig mo!