Courting

6 2 0
                                    

June 29, 2018.

Dahil nga medyo nagkakamabutihan na kami. Hindi na maitago na may nararamdaman talaga kami sa isa't isa.

*Conversation with Miguel.*

Miguel: "pauwi na kaming lucena, sasabay ako kay daddy."

"sige po ingat kayo"

Miguel: "pwede ba akong pumunta sa inyo mamaya?"

"bakit naman? anong naisipan mo?"

Miguel: "aakyat sana ng ligaw. pwede ba?"

"seryoso?"

Juan: "oo nga. alin ba mismo bahay nyo?"

Hindi maalis ang ngiti saking bibig. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala. Ikaw ba naman, super crush mo ever since, biglang manliligaw sayo. Bakit ako? Diko naman masasabi na nag take advantage sya kasi wala syang kaalam alam na crush ko sya noon pa. Tatanggi pa ba ako? Eto na naman oh. Haba na naman ng buhok ko. Lol! Syempre pumayag ako. Bibigyan ko ng chance yung tao para ipakita na talagang gusto nya ako.

Around 8pm. Nag chat ulit sya. Papunta na daw sya. Labas daw ako. Masyado namang nambibigla. Hindi manlang ako nakapag ayos. Yay! Syempre wala naman akong choice kundi abangan sya sa labas ng bahay namin. Kinakabahan ako. Hindi naman ito ang una namin pagkikita pero di pa din ako mapakali.

Jusq. Totoo ba to? Nasa tabi ko si Miguel at nag kwekwentuhan kami ng tungkol sa buhay at mga pamilya namin. Grabe, expected ko talaga magkakahiyaan kami. Pero mali pala akala ko. Grabe sobrang daldal nya. Halos naging komportable akong kausap at kasama sya kasi ganito din naman kami mag usap pag magka video call kami.

"Bakit namumula ka?" tanong ni Miguel.

"Nahihiya kasi ako." matipid kong sagot.

"Masanay kana. Lagi na kitang pupuntahan tuwing uuwi ako ng weekends." sagot nya naman.

*Napangiti ako ng medyo pabebe.*

"Mukha ka lang pala talagang suplado  no?" ika ko kay Miguel.

"Mukha lang. Syempre di naman tayo close pag nakikita kita sa court. Alangan naman ngumiti ako. Parang ang feeling close ko naman non." sagot nya naman.

11 na pala ng gabi. Hindi pa ba sya uuwi? Feeling ko tuloy ang boring ko kausap. Pero sya? Grabe ang sarap nya kasama. Hindi nawawalan ng sinasabi. Napaka daming tanong. Feeling ko tuloy pinag handaan talaga ni Miguel tong araw na to. Inipon nya siguro lahat ng pwede nyang ikwento para di kami maubusan ng pag uusapan.

"11 na pala. Uuwi nako. Baka hanapin na ako sa bahay." ika ni Miguel.

"Sige na. Napasarap masyado kwentuhan eh. Di na tuloy natin namalayan ang oras." sagot ko sa kanya.

"Chat nalang ako pag nakauwi nako." sagot ni Miguel.

"Sige. Thank you! Ingat ka." sagot ko naman.

Para pa din akong kinukuryente hanggang ngayon. Ayaw ko ng lokohin ang sarili ko pag mag isa ako. Gusto ko naman talaga maging kami eh. Pero napaka komplikado ng sitwasyon. Halos msg dadalawang linggo palang ata silang break nung ex nya. Hindi ko alam kung tama bang pumasok agad ako sa buhay nya.

Pero wait, sya pala yung unang pumasok sa buhay ko. Sya ang naging interesado. Di naman lahat mangyayari to kung walang reason. Kasi lahat ng nangyayari may dahilan. Feeling ko tuloy nag babasa lang ako ng wattpad ngayon. Yung kwento kasi namin kagaya nung mga kwento sa wattpad eh. Nangyayari pala talaga sa totoo buhay lahat ng to.

Miguel: "andito na po ako sa bahay"

"sige po. thankyouuuu"

Miguel: "ayaw ko pa sanang umuwi kaso anong oras na. bilis ng oras pag nageenjoy talaga."

SUMMER CRUSHWhere stories live. Discover now