"No! We were never.going.back.together!" hinawakan niya ang ang parehong braso ko at nagpupumiglas ako, "You! You.." dinuro-duro ko pa siya para matauhan na siya, "You did this to me! Niloko mo ko! Tapos ngayon?! Ngayon? Babalik ka? Ha?"
Iyak siya ng iyak habang ako ay lasing na lasing. Pinuntahan niya ako dito sa bahay nila Cristie para lang sabihin na bumalik ako sa kanya pagkatapos niya akong lokohin. Sino niloko nya? 1 week ago nung break up namin, ngayon lang siya bumalik?
"Please, Saidy. Pakinggan mo muna ako" yumuko siya at pinahidan ang mukha dahil sa luha niyang ayaw tumigil sa pagbuhos, "Hindi ko ginusto yon. N-Nawalan ako ng malay 'non. Alam mong ikaw lang.. Ikaw lang ang mahal ko" nabasag ang boses niya sa huling sinabi niya.
"Mahal? Liar! Liar! Liar!!!" halos maubos ang boses ko kakasigaw sa kanya. "Tama na, Brix! Nasaktan na ko!" tumalikod na ko pero nahinto ako dahil niyakap niya sa likod.
Humagulgol ako ng sobra. Ang sakit. Ang sakit kasi yung tinuring kong kaibigan aagawin pala ang mahal ko. Buong akala ko totoo siya. Akala ko mabait at matapat siya. Siya pa naman yung parati kong sinasabihan ng secrets ko. Why did you do this to me. Kimbeelyn Faye Reyes.
"Stop this, Brix! Stop!" saway ko sa kanya pero di parin siya bumibitaw. Hanggang sa lumubas na sina Cristie, Wein, Eunico at si Raine .
Inalis ko ang brasong nakapalupot sakin at hinarap siya, "Tama na, Brix." walang gana kong sabi at sa malayo nakatingin, "We broke up na so stop coming near me and I don't want to see your face again."
Aakma pa sana syang lalapit sakin ng harangin siya ni Wein. Halos wala na akong mailuha dahil sa tindi ng sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi rin naging madali sakin na pakawalan siya.
"Tama na ang eskandalo, Brix. Umuwi kana." may awtoridad na sabi ni Wein.
"Hindi ako nag-eeskandalo dito. Wag kang mangielam."
Susugorin na sana ni Wein si Brix nang magsalita ako, "Tama na. Pumasok na tayo sa loob" pumasok na kami sa loob ng bahay ni Cristie.
"Saidy!"
Napaluhod ako at agad naman akong niyakap nina Raine, Eunico at ni Cristie. Humikbi na naman ako at nanikip na naman ang dibdib ko. Ang daming taong nakikiramay sa nararamdaman ko ngayon at natutuwa ako dahil hindi sila tulad ni Kimberly. Nag-iisa lang talaga si KB. Nabubukod tangi! period.
Mahal na mahal ko si Brix. Sobra akong nagtitiwala na hindi niya ako sasaktan. Ilang beses narin kaming nagtatalo pero agad na nagkakabati. Except lang ngayon. Mas masakit to at hinding-hindi ko matanggap. Totoo pala yung kung gaano ka magmahal ng sobra ay sobra karin masasaktan sa huli.
Idinaan ko nalang 'to sa inuman at kantahan. Nagpakabaliw ako at pinipilit na maging masaya. Pero mahirap. Nandito parin yung sakit.
"Dito kana matulog sa kwarto ko, Saidy. Tabi nalang tayo. Mauna kana matulog dahil aayusin muna namin ang mga kalat sa sala."
"P-pero pano sina mom--"
"Ako na ang bahalang magdahilan. Tatawagan ko sila mamaya."
"Thank you so much, Cristie"
Niyakap ko siya ng mahigpit at hindi na naman mapigilan ang umiyak.
"Go to bed and sleepwell" she said in a calm way.
Nginitian ko siya at sumampa na sa kama niya. Ngumiti siya sa akin at lumabas na tsaka sinarado ang pintuan.
Ngayon ay kaharap ko itong kisame. Now, I remembered our some memories together. Especially in Sabang Beach, sa Aurora. Doon ang unang naging gala naming magka-kaibigan. Doon din ako nanakawan ng halik. Ganoon na nga lang ang pagkabigla ko dahil first kiss ko iyon. Inisip ko pa nga na hindi na virgin ang labi ko.
Inamin kong kinilig ako doon sa ginawa nya. Sino ba namang hindi? E' akala ko nga sa mga libro o palabas lang ginagawa ng mga lalaki 'yon. Naalala ko pa 'nun kung paano nya ako inasar dahil namumula raw ang pisngi ko. Ang saya-saya pa naming dalawa 'nun at doon pa nangyari yung first kiss ko. Hindi nga ako makapaniwala na hindi na talaga virgin ang labi ko
Napawi ang ngiti ko at na mapagtantong alaala na lang 'yon. Nandito na pala ako sa reyalidad na wala na kami. Wala ng good memories. Wala ng Brix Ryle Santiago sa buhay ko. Wala na ang una kong pag-ibig. Nawala na 'yung pinapangarap ko noon na maranasan ang una't huling pag-ibig.
Sana bukas wala ng sakit. Sana wala ng iyak. Sana maginhawa na bukas. Sana okay na ang lahat. Sana masaya na ulit ako. Sana wala na akong makitang Brix Ryle Santiago.
Am I deserve to be hurt? No. Am I deserve to be happy? Yes. I will show to everyone that I can move on and plant a new Irish Seidy Ozaga. The Beautiful Flower.
YOU ARE READING
The Beautiful Flower ( Aurora Series #1 )
Teen FictionSeidy Irish Ozaga ay isang maganda, mabait at matapang na babae. Ngunit sobrang hina pagdating sa pag-ibig. Sobra nyang minahal si Brix Ryle Santiago dahil na rin na ito ang kanyang first love. Do you think Brix is a cheater? Did he truly love Seidy...