Chapter Two

8 3 0
                                    

Today is Friday in the morning. Excited ako dahil pupuntahan kami ni Cristie sa school namin ni Shantta. She's in senior high now and soon she's taking BA because her family are in business.

Shantta and Cristie are my childhood friends. 8 years old ako at si Shantta nang makilala ko silang dalawa sa Aurora at 10 years old naman si Cristie non. Nakakatuwa nga yung story namin noon e'. Sya kasi at si Shantta, lagi nila akong inaaway noon. Paano ba naman kasi ginaya ko yung hairstyle nilang dalawa, tapos habang naglalakad ako nun, pinaparinggan nila ako. Umiyak ako at nagsumbong kay mommy. Matapos non, nag sorry sila sa akin at naging magka-kaibigan na kami.

Tinapos ko na agad ang pagligpit ng kama ko para mabawasan ang trabaho ni Gmom. Si Gmom pala is our kasambahay. 22 years na syang naninilbihan sa pamilya namin at sya rin ang nag-aalaga sa akin kapag wala sila mommy.

Before I go downstairs, I washed my face and brushed my teeth. Hindi pa ako nakakababa, nakarinig na ako ng kalabog galing sa kusina.

Kinabahan ako at dali-daling bumaba. Dumeretso ako sa kitchen dahil alam kong doon nanggaling ang tunog na 'yon.

"G-Gmom?" my body is now actually shaking.

"Sedy!"

"AAAHHHH-" napahinto ako nang marinig ang boses ni Gmom. Nakita ko syang kakalabas lang ng cr, "Gmom naman e, tinakot nyo po ako." Huminga ako ng malalim at dederetso na sana sa counter table pero bigla akong hinawakan sa braso at hinila ni Gmom.

"Jusmiyo kang bata ka! Tignan mo ang dinadaanan mo!" may pag-aalala sa boses nya. Binitawan na nya ang braso ko at nakita ko syang pinulot ang mga basag na transparent bowl sa harap ko. Hindi ko napansin 'yun, shit. "Ikaw pa naman ay grabeng mamutla kapag nasugatan."

Nang malinis na ni Gmom iyon, lumapit na ako sa counter table at pumuwesto na doon. Naaamoy ko na tuloy yung paborito kong sinigang na hipon!

"Sa susunod, Sedy, tignan mo ang nasa paligid mo. Hindi mo alam pagtatangkain ka palang saktan," natawa ako ng slight kay Gmom. Kasi humuhugot pa, "Aba'y anong nakakatawa? Totoo iyon, Sedy."

"Gmom, how many times I told you that my name is Seidy, not Sedy HAHA!" nagpa-cute pa si Gmom at dahil don natawa ako ng malakas, "Tapos humuhugot ka pa po HAHAHA"

Dahil hindi ko na mapigilan ang gutom ko, dinampot ko na lang ang apple na nasa harap ko at kinagatan iyon. Napailing pa ako nang makain ang sticker doon. Ang tanga ko lang.

"Hindi hugot iyon. Totoo kaya 'yon," sabi niya habang abala sa paghahalo sa sabaw. Tapos ay bumaling sya sa'kin, "Kakain na ikaw kumain ka pa ng mansanas, ikaw talaga." Mapang-asar nyang biro sa akin. Tinawanan ko nalang sya.

Napaisip tuloy ako kung magku-kwento ba ako kay Gmom? About Brix? Tatlong araw na rin nakalipas nung kinantahan nya ako sa classroom nun'. Tapos araw-araw binibigyan nya ako ng flowers. Nakakatuwa nga kasi Irish Flowers pa yung nga binibigay nya.

I guess she's not like mommy, I know Gmom will not mad at me when I tell her about my manliligaw.

"Hm, Gmom?" pag tawag ko rito. Agad naman nya akong nilingon, "I-I have manliligaw na," napayuko ako dahil sa takot. Natahimik ako sandali at nilingon si Gmom. Nakatakip ang kanyang bibig, siguro nagulat, "Please, Gmom. Don't say this to my parents. Especially, to my m-mom.." Binaba ko ang aking paningin at kinakabahan parin.

Ganoon na lang ang gulat ko nang dahang-dahang tumili si Gmom at nang mag-angat ako ng tingin, nagmamadali na sya lumapit sa akin.

"Dalaga kana talaga, Sedy!" niyakap nya ako ng mahigpit at agad akong hinarap, "Huwag kang mag-alala, hindi ko ito sasabihin sa mga magulang mo. Lalo na sa iyong mommy Seri!" Ngumiti ako kay Gmom dahil sa amin lang dalawa ang tungkol sa panliligaw sa akin ni Brix.

"I heard my name," nawala agad ang ngiti sa aming mga labi. Sabay pa kaming lumingon ni Gmom kay mommy. Agad akong nakaramdam ng kaba dahil sa aura nya ngayon. Walang emosyon sa kanyang mukha at nakataas ang parehong kilay nito. "What are you guys talking about, hm?" nagsasalitan ang tingin nya sa aming dalawa ni Gmom.

Mommy hates when someone courting me. I remembered when I was in grade 6. A guy confess his feelings for me and asked me If it's okay for my parents that he will going to court me. Nang sinabi ko ito kay mommy, nagalit sya sa akin. Huwag ko raw papansinin at sasagutin ang mga nanliligaw sa akin. Kailangan ko raw muna makapagtapos ng pag-aaral
dahil sagabal lang daw ang pagre-relasyon dito.

Natahimik kaming sandali ni Gmom at nagtinginan pa kami sa isat-isa. Nararamdaman ko pa rin ang aking kaba kaya nagbaba na naman ako ng tingin.

"A-ano nga ba iyon?" nilingon ko si Gmom at ngayon ay nakatingin sa ceiling, mukhang nag-iisip, "Ah yung.. Noong dalaga ka pa, Seri. Kinu-kwento ko kasi dito kay Sedy kung gaano ka kasipag mag-aral noon. S-sabi ko nga sa batang ito na h-huwag munang magpapaligaw at mag-aral muna sya ng mabuti." Ngumiti ng todo si Gmom kay mommy at nagmadaling pumunta sa kanyang niluluto.

I always appreciate Gmom because she always saving me to my mom. Bata pa lang ako, kapag naglalaro ako ng buhangin doon sa probinsya namin, sa Aurora, lagi syang gumagawa ng mga pekeng istorya kay mommy para hindi ako mapagalitan. Sinasabi nya na nadapa raw ako kaya lahat ng buhangin nakadikit sa katawan ko.

"Hm, really?," It sounds like sarcastic but when she smiles, It was sincere. She come near me. Mommy comb my hair gently with her hand, "I always remind you, Seidy. Study first. Don't break our trust. I'm just being this because.." she took a deep breath, "I cared for you and I love you so much, my Irish."

Feeling ko iiyak na ako sa mga sinabi ni mommy. Hindi ako makapaniwala na kinausap nya ako ng ganito. Nasanay na ako na lagi nya akong kinakausap na walang emosyon sa mukha nya at sobrang cold magsalita. Sa huling sinabi nya, hindi ako makahinga ng maluwag dahil biglang bumigat ang dibdib ko. Dahil siguro pinipigilan ko ang umiyak sa harap nya.

Matapos kong kumain, naligo na ako at nagsuot na ng pe uniform dahil may lalaruin kaming sports mamaya. Tapos na rin ako mag ayos at naglagay lang ng konting pulbo at konting lip balm para naman mas mag glow ako ng konti.

Sumabay na ako kay mommy dahil papunta na rin naman sya sa work. Si daddy kasi ay sobrang busy dahil nagkaroon daw ng problema sa taxes.

"Irish!!," pagkababa ko pa lang, sinalubong na agad ako ng yakap ni Cristie at binitawan naman din agad. Inakbayan nya kami ni Shantta, "My god! I missed you two!"

25 minutes pa naman before ang class. We went to the near 7/11 so we can spend time together. Medyo malapit lang naman ang school ni Cristie dito magta-tricycle at isang jeep pa sya bago pumunta dito.

I ordered sisig meal, one piece chicken and a bottle of milk tea. While Shantta and Cristie's ordered there favorite menudo meal and slurpee.

"I heard, you have a manliligaw? HAHA!" pang-aasar agad sa akin ni Cristie. Sinabi siguro nito ni Shantta, "So ano? He's totally courting you in 3 years! Imagine that?!" sabi pa nya sabay inom 'don sa slurpee nya.

"Alam na alam mo talaga" I sighed.

"Ofcourse! Ako pa ba? Shantta tell me about that and don't worry, hindi namin 'to sasabihin kay tita Seri." she gave me a sweet smile and we finished our meals.

After that, hinatid muna kami ni Cristie sa school namin at nauna na rin sya para pumunta sa NEU, kung saan ang school nya. At as usual, pagkapasok ko palang ng gate ay may nagbigay sa akin ng Irish flowers galing sa bago na namang lalaki. Mas marami ito kaysa noong mga nakaraang araw.

I smirked and I totally knew who made all of this everyday. The one and only Brix Ryle Santiago.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Beautiful Flower ( Aurora Series #1 )Where stories live. Discover now